CHAPTER 36: MR. MUSHROOM AND HIS FRIENDS.
Erie's POV
"Mag-iingat kayo. Magsasanay ako mabuti habang wala kayo para sa susunod pwede na ako tumulong sa pakikipaglaban," sambit ko. Ngayon ang alis na papuntang Outlandish, upang labanan sila Samael. Gusto ko talaga sumama sa kanila para tumulong. Subalit ayaw ni Zeque na sumama ako.
"Ikaw na muna bahala dito habang wala ako. Sabihin mo sa akin kapag pinahihirapan ka ng mga kapatid ko at ni Jiro. Malalagot sila sa akin," nakangiting sabi ni Zeque.
"Ano ka ba Zeque? Kailan ba namin siya pinahirapan?" singit ni Zeya sabay akbay sa akin. Katulad ko maiiwan din sila dito dahil hindi sila pwede magpakita sa iba.
"Oo nga. Sasanayin lang namin siya para mas mabilis siyang matuto. Sa katunayan naghanda na ako ng technique kung paano siya mas mapalakas," sabi naman ni Zep.
"Saka kumpara kay Jiro mas mabait kami," dugtong ni Zera.
"Ano naman ang ibig sabihin mo doon? Kung hindi ako mahigpit sa kanya hindi niya matutunan ilabas ang kapangyarihan niya," kontra naman sa kanya ni Jiro. Habang nagtatalo silang apat palihim akong hinila ni Zeque palayo sa kanila.
"Mamimiss kita. Hintayin mo ang pagbalik ko," sambit ni Zeque sabay halik sa akin. Halos maluha ako habang nagpapaalam siya. Sa tagal namin namalagi dito ngayon lang siya mapapalayo sa akin ng matagal. Hindi na ako sanay na wala siya sa tabi ko. Kahit noong nag-uumpisa pa lang kami masanay. Palagi siya sumusulpot sa tabi ko para suportahan ako.
"Wag ka umiyak. Hindi naman ako mawawala eh. Babalik din ako. Kapag may oras ako, pupuntahan kita dito."
Pinunasan niya agad ang luha ko bago pa ito tuluyan tumulo. Hinalikan pa niya ang mata ko kaya napapikit ako. Naramdaman ko din ang paghalik niya sa ilong ko pababa sa labi.
"Zeque! Bilisan mo na diyan!" sigaw ni Zaira.
"Alis na kami," paalam ni Zeque sa akin bago ako bitawan. Tinanguan ko siya bilang tugon.
Binuksan na nila ang lagusan patungo sa Outlandish at isa-isang nagsipasukan sa loob nito.
"Oras na pala ng paggising ni Zeus. Maiwan ko muna kayo," paalam ni Zera. Simula nung bumalik ang grupo nila Ate Naomi sa Outlandish, si Zera na ang nag-alaga kay Zeus.
"Umpisahan na natin ang pagsasanay mo. Ano gusto mo matutunan?" tanong ni Jiro sa akin.
BINABASA MO ANG
SECLUDED WORLD [Under revision]
FantasiNagtunggo sila Zeque sa mortal world para iligtas ang mga kaibigan nila. Sa pagpunta nila doon nakilala nila si Erie, ang taong may kakayahang makakita ng nilalang na hindi nakikita ng mga mortal at ang magdadala sa kanila sa Xaterrah. ======= Forme...