CHAPTER 45: THE BEGINNING AND THE END
Erie's POV
"PIGILAN NIYO SIYA! KUNG KINAKAILANGAN PATAYIN NIYO SIYA AGAD GAWIN NIYO!" sigaw ng reyna ngunit agad na hinarangan nila Jiro ang kalaban para protektahan ako.
Hindi ako pwede maistorbo dahil isang mali ko lang, lahat kami mamatay. Ito ang unang beses na susubukan ko ang power of destruction and creation. Pinag-aralan ko ito mabuti nang malaman ko kay Treena ang tungkol dito. Taglay ng kapangyarihan na ito na wakasan ang lahat at umpisahan muli. Ibang-iba ito sa ginawa ng aking ina sa Xaterrah.
Pansin ko na hinihigop ng puting liwanag na nasa kamay ko ang magical energy sa paligid. Tuwing mauubos ang mga magical energy nito, unti-unti itong nagiging abo at naglalaho. Nag-umpisa na itong lumaki dahil sa magical energy.
"Hindi ako makakapayag na magawa mo ang binabalak mo," sambit ng reyna at dahil abala ang mga kawal niya sa pakikipaglaban kila Jiro, siya na ang umatake sa akin.
Hindi ko inaasahan na maiisipan niyang kumilos. Kung titignan lamang sila sa bilang. Idagdag pa na pinakamalakas sila dito. Isa ito sa nakita naming problema noon.
"Katapusan mo na," nakangising sabi ng reyna.
Mula sa kamay niya may lumabas na kulay dilaw na hugis espada na mas malaki pa sa tao. Nakatutok ito sa akin habang lumulutang sa harapan ng reyna. Pagkaturo sa akin ng reyna, mabilis itong nagtunggo sa akin. Kinakabahan man ako, pinilit ko na maging kalmado. Palapit ng palapit sa akin ang espada hanggang sa isang makulay na liwanag ang sumulpot sa harapan ko. Pagtama ng espada doon, nagkaroon ng pagsabog.
"Akala ko katapusan ko na. Pero mabuti na lang dito tayo sumulpot," sambit ni Flora sabay tingin sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang lalaking kasama niya.
"Zeque..." sambit ko.
Bakit magkasama sila ni Flora?
"Lahat ng kalaban ni Erie, kalaban ko din. Hindi ko man alam kung ano ba nangyayari, pero malinaw sa akin na pinagtangkaan mong patayin ang asawa ko," sambit ni Zeque. Napalibutan siya ng malakas na siya na malakas na spirit energy. Humaba ang makulay niyang buhok, nagkaroon siya ng tenga na katulad sa lobo. Ngayon ko lang nakita ang ganung anyo niya kahit minsan na siya nagtransform sa harap ko.
"Hindi ko akalain na totoo ang extreme transformation. Ngayon lang ako nakakita," hindi makapaniwalang sabi ni Zep.
"Extreme Transformation?" tanong ni Zera.
"Extreme transformation is the highest transformation of us. It is a combination of all form. Ayon sa nabasa kong libro ang mga katulad natin na may two or more species ay pwede sa extreme transformation. Matatawag iyon na pinakamalakas anyo natin dahil magagamit natim ang lahat ng special ability natin at magic power. Hindi ko alam na kaya pala gawin iyon ni Zeque. Kadalasan normal na anyo lang ang ginagamit niya."
BINABASA MO ANG
SECLUDED WORLD [Under revision]
Viễn tưởngNagtunggo sila Zeque sa mortal world para iligtas ang mga kaibigan nila. Sa pagpunta nila doon nakilala nila si Erie, ang taong may kakayahang makakita ng nilalang na hindi nakikita ng mga mortal at ang magdadala sa kanila sa Xaterrah. ======= Forme...