CHAPTER 4: THE SOUL REAPER
Third Person's POV
"Hihihi! Laro tayo," sambit ng mga manika. Napatingin naman sa kanila si Master Gerald sa kanila.
"Habulin mo ko!" sabay na sabi ng mga ito bago lumabas. Agad itong sinundan ni Master Gerald. Paglabas niya bumungad sa kanya si Dolly.
"Magandang gabi," bati ni Dolly.
"Kanina pa kita hinihintay bata," sambit ni Master Gerald saka hinanda ang espada.
"Hihihi. Laro tayo," sabi ulit ng mga manika at doon lamang napansin ni Master Gerald na dumami ang mga ito. Napapalibutan sila ng mga ito.
Lumipad si Dolly saka pinagalaw ang manika. Paikot- ikot ang mga ito kay Master Gerald.
"Sagabal ka sa mga plano ko. Kailangan mong mamatay," aniya saka pinasugod ng sabay-sabay ang mga manika.
Naiwasan naman ito ni Master Gerald, subalit hindi niya namalayan na may palapit sa kanyang manika na may hawak na kutsilyo. Nasugatan siya nito sa kaliwang pisngi.
Pinunasan ni Master Gerald ang dugo sa pisngi niya saka muling tinignan ang mga manika na muling sumugod. Iniwasan niya ulit ang mga ito. Biglang may dumaan na manika sa harapan niya na sinundan naman niya ng tingin kaya hindi niya namalayan ang palapit na manika sa likod niya.
Nasaksak siya nito sa likod. Hinugot ni Master Gerald ang kutsilyo saka binato. Bakas sa mukha nito ang iniindang sakit. Tumingin siya ng seryoso kay Dolly.
"Mukhang wala akong magagawa, kundi sirain ang mga manika mo," sabi ni Mastsr Gerald saka inayos ang pagkakahawak sa espada. Seryoso na ang mukha nito.
Samantala, pagkadating ni Erie napansin niya agad si Dolly habang ang master niya hinihiwa ang mga manikang sumusugod sa kanya.
'Kailangan ko tulungan si Master,' sa isip nito. Patago siyang nagtunggo sa bahay ni Master Gerald. Sa likod siya dumaan papasok para hindi siya makita ng mga ito. Agad niya hinanap ang bow and arrow na ginagamit niya sa pagsasanay.
Pagkakita niya lumabas na siya ng bahay saka patagong tinira si Dolly."Yes!" aniya nang matamaan ito sa likod at nahulog sa ibaba.
Kinuha naman ni Master Gerald ang pagkakataon para atakihin si Dolly. Hindi niya ito magawa kanina dahil nasa taas si Dolly. Hihiwain na niya sana ito ngunit biglang humarang ang mga manika.
"Master, ako na bahala sa kanila!" sigaw ni Erie saka pinagtitira ang mga manikang humaharag sa master niya.
"Salamat," tugon ng Master niya saka tumingin kay Dolly. Nakatayo na ito habang tinatanggal ang panang tumama sa kanya.
"Pagbabayaran mo ang ginawa mo kay Dolly. Papatayin ka ni Dolly," galit na sabi ni Dolly kay Erie saka niya pinasugod ang mga manika niya.
"Ako kalaro mo bata," sambit ni Master Gerald sabay atake kay Dolly.
Naiwasan ito ni Dolly ngunit tuloy pa rin sa pag-atake si Master Gerald. Bawat atake niya napuputol ang mga buhok na nagpapagalaw sa mga manika kaya unti-unting nagsisibagsakan ang mga ito. Sinubukan din ni Dolly ipangharang ang mga manika pero mabilis lang itong nasisira ni Master Gerald.
BINABASA MO ANG
SECLUDED WORLD [Under revision]
FantezieNagtunggo sila Zeque sa mortal world para iligtas ang mga kaibigan nila. Sa pagpunta nila doon nakilala nila si Erie, ang taong may kakayahang makakita ng nilalang na hindi nakikita ng mga mortal at ang magdadala sa kanila sa Xaterrah. ======= Forme...