CHAPTER 27: DUTIES AND RESPONSIBILITIES
Erie's POV
"Sigurado ka bang kaya mo na? Kakagaling mo lang sa sakit," tanong sa akin ni Jiro. Tumulong na kasi ako sa pagtatanim nila ng mga halaman. Kinuha pa daw iyon ni Zeque sa Outlandish para may maitanim kami dito.
"Ayos na ako. Kahit dito man lang magawa ko yung tungkulin natin bilang deity," tugon ko.
"Basta wag ka masyado magpapagod," aniya na halatang nag-aalala sa akin. Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Parang nagkaroon tuloy ako ng instant kuya dahil sa kanya.
"Ang kulit mo naman. Ilang beses ko na ba sasabihin sayo na hindi ganyan," inis na sabi ni Zeque kay Zaira. Tinuturuan niya kasi itong gumamit ng kapangyarihan. Sila yung nagtatanggal ng patay na puno.
"Sorry. Hindi kasi ako sanay sa kapangyarihan ko," sagot ni Zaira.
"Kailan ka pa masasanay? Kapag patay na lahat ng mga tao? Paano mo na lang malalabanan sila Samael. Wala na tayong oras. Nag-uumpisa ng kumilos sila Samael," sermon ni Zeque.
"Ano ibig mong sabihin?" singit ni Jiro sabay lapit sa kanila. Ako na naman tumigil sa ginagawa ko.
"Sobrang gulo na ngayon sa Outlandish nung nagpunta ako. Ginagawa na nila lahat para lang labanan yung mga demon na na nanggugulo doon," sabi ni Zeque.
"Kung nakakagulo na pala doon. Ano pa ginagawa natin dito?" tanong ni Gin.
"No. Kailangan niyo mapalakas at hindi tayo aalis dito hanggang walang improvement sa inyo at sa mga guardian," tugon ni Zeque.
"Kaya ba hindi mo na kasama sila Kuya Paris nung bumalik ka dito dahil doon?" tanong ni Zaira.
"Oo. Nagpaiwan na sila doon para tumulong sa Mama mo. Kaya bilisan mo ng magsanay para makatulong na tayo sa magulang mo. Basic pa lang pinapagawa ko sayo. Hindi mo pa magawa ng maayos" tugon ni Zeque.
BINABASA MO ANG
SECLUDED WORLD [Under revision]
FantasyNagtunggo sila Zeque sa mortal world para iligtas ang mga kaibigan nila. Sa pagpunta nila doon nakilala nila si Erie, ang taong may kakayahang makakita ng nilalang na hindi nakikita ng mga mortal at ang magdadala sa kanila sa Xaterrah. ======= Forme...