CHAPTER 33: ZEQUE'S PAST

674 32 4
                                    

CHAPTER 33: ZEQUE'S PAST

Erie's POV

"Nasaan ako?" tanong ko sa aking sarili nang mapansin na nasa hindi pamilyar na lugar ako.

"Sunog! Sunog!" sigaw ng isang ale.

"Hahahaha!" tawa ng dalawang binata habang tumatakbo sabay apir. Mabilis ko silang nakilala dahil wala man lang pinagbago sa itsura nila.

"Zeque..." bulong ko sabay sunod sa kanila.

"Nakita mo ba yung itsura nila kanina? Hahaha. Takot na takot," tuwang-tuwang sabi ni Samael.

"Oo. Takot sila sa apoy ko," tugon ni Zeque.

"Nandito lang pala kayo," napalingon ako sa likod nang may magsalita.

"Persephone!" sambit ni Zeque sabay tayo.

"Erelah," sabi naman ni Samael.

Kahit saang angulo ko tignan napakaganda talaga ni Persephone.

"Kanina ko pa kayo hinanap. Bakit niyo sinunog ang mga bahay? Paano kung may mamatay?" sermon niya sa dalawa.

"Wala akong pakialam kung mamatay sila," tugon ni Samael.

"Saka kasalanan nila yun kung hindi sila agad lumabas ng bahay nila. Bakit ka ba nangingialam? Guardian angel ka ba nila?" tugon naman ni Zeque. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Totoo nga na ibang-iba si Zeque noon at magkaibigan pa sila ni Samael.

"Ang sama niyo. Kaya ang daming galit sa inyo," sabi naman ni Persephone.

"At isa ka din sa kanila. Tabi nga diyan. Pakilamerang anghel," tulak sa kanya ni Zeque bago umalis.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Jiro pagkatapos saluin si Persephone.

"Ayos lang ako. Salamat," tugon nito sabay tayo habang pinagmamasdan sila Zeque na papalayo.

Nag-iba ng lugar ang kinatatayuan ko. Nakita ko si Zeque na natutulog sa damuhan.

"Zeque! Zeque!Zeque!" sigaw ni Persephone habang patakbong palapit kay Zeque. Napaupo si Zeque at salubong kilay niya itong tinignan.

"Ano nanaman kailangan mo?" inis na tanong nito.

"Nanganganib ang buhay ni Zera. Napanaginipan ko siya. Inatake siya ni Samael sa isang sunog na bahay," tugon nito.

SECLUDED WORLD [Under revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon