CHAPTER 53: STONE STATUE
Kim's POV
"Weird, ang tahimik yata ngayon?" pansin ko sa paligid habang naglilibot kami. Kanina pa kami palakad-lakad pero wala pa kami masalubong na kalaban.
"Mag-iingat kayo. Hindi maganda ang kutob ko," paalala sa amin ni Kuya Ivan. Nakarinig kami bigla na pagsabog at nakakita kami ng usok. Agad kami nagtungo doon upang tignan ang sitwasyon.
Habang palapit kami biglang lumiwanag ang hinakbayan ko. Natigilan ako bigla at tinignan kung ano yun.
"Kim, umalis ka diyan. Dalian mo!" sigaw bigla ni Kuya Ivan pero huli na ang lahat.
"Hindi ako makagalaw. Tulungan niyo ko!" sigaw ko.
"Nandyan na ako!" takbo palapit sa akin ni Adrian.
"Wag ka lalapit sa kanya. Kung ayaw mo magi--" hindi na natapos ni Kuya Ivan ang sasabihin niya dahil naging bato bigla ang paa ko. Doon ko lang naunawaan kung anong spell ang naapakan ko.
"Wag ka lalapit sa akin. Magiging bato ka din!" pigil ko kay Adrian pero hondi hindi ito nagpaawat. Ningitian niya lang ako saka hinawakan ang kamay ko bago ito maging bato.
"Hindi kita iiwan. Sasamahan kita kahit maging bato pa ako," aniya habang seryosong nakatingin sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ano ba pinagsasabi ng lalaking ito?
"Adrian! Kim!" sigaw ni Kuya Ivan at bago pa ako tuluyang maging bato nakita ko na nag-umpisa na din maging bato ang katawan niya.
"I love you, Kim..." rinig kong huling sabi ni Adrian. At dahil naging bato ako hindi ko magawang makapagpasalita pero aware pa rin ako sa paligid. Nang mawala ang liwanag doon lamang lumapit sa amin si Kuya Ivan.
"Kim? Adrian? Naririnig niyo ba ako? Wag kayo mag-aalala maghahanap ako ng paraan para bumalik kayo sa dati," sabi niya sa amin.
"Hahaha. Natagumpay tayo!" tawa ng isang babaeng nakitim na hood. Kung hindi ako nagkakamali siya yung witch na tumutulong kay Samael.
"Sino ka?" tanong ni Kuya Ivan pero ningitian lang siya nito.
"Wag ka mag-aalala, susunod ka din sa kanila. Warning pa lang yan mula kay Haring Samael. Pinapasabi niya kay Zeque na iisa-isahin namin kayong kumakalaban sa amin," sabi nito saka nawala.
Pinatawag ni Kuya Ivan si Zeque at agad naman ito dumating. Sinuri niya kami.
"Walang duda. Katulad ito ng ginawa namin kay Samael noon. Isang dugo lamang ng tao na anak ng isang External Child ang makalaya sa kanila. Sa ngayon dalhin muna natin sila sa Black Academy," paliwanag ni Zeque.
BINABASA MO ANG
SECLUDED WORLD [Under revision]
FantasíaNagtunggo sila Zeque sa mortal world para iligtas ang mga kaibigan nila. Sa pagpunta nila doon nakilala nila si Erie, ang taong may kakayahang makakita ng nilalang na hindi nakikita ng mga mortal at ang magdadala sa kanila sa Xaterrah. ======= Forme...