CHAPTER 29: DEAD END

710 29 1
                                    

CHAPTER 29: DEAD END

Eries's POV

"Dead End," sambit ni Zeque nang nakarating kami sa dulo.

Biglang gumalaw ang kinatatayuan namin na akala mo lumilindol at isang malakas na tunog ang gumulat sa amin. Pagtingin namin sa paligid wala na kaming madaanan pagkatapos nagsara yung daanan.

"Ano nangyayari? Bakit nagsara? Zeque?" kinakabahang tanong ko. Hinila niya ako saka niyakap.

"Sorry. Hindi kita nailabas dito," bulong niya. Pagkasabi niya nun bigla kaming nahulog sa isang black hole sa kinatatayuan namin. Para kaming hinihigop nito.

Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Zeque kasabay ng mabilis na tibok ng puso niya. Siguro katulad ko kinakabahan din siya at natatakot sa kahahantungan namin.

"Aaahh," sambit ni Zeque nang bumagsak kami. Pahiga kasi siyamg bumagsak habang ako nasa ibabaw niya. Tumayo ako agad para tulungan siya.

"Sorry. Ayos ka lang?"

"Yeah. Medyo masakit lang yung likod ko dahil sa pagkakabagsak ko," tugon niya saka umupo.

"Nasaan ba ta--" nanlaki ang mata ko nang makita ang mga nagkalat na buto. Napatakip ako ng ilong at bibig dahil sa mabahong amoy.

"Nasa Necropolis tayo. Ngayon alam ko na. Kaya pala hindi na nakakalabas ang iba dahil dito napupunta ang mga hindi natagumpay makalabas sa maze," tugon niya.

"Ibig sabihin hindi na rin tayo makakaalis dito?" tanong ko.

"Makakaalis tayo dito. Kung hindi nila tayo mapapatay," turo nito sa mga zombie at kalansay na nakapaligid sa amin. Hinila niya ako bigla saka tumakbo.

"Anong klaseng lugar ba ito??" tanong ko.

"Lugar ng mga patay na nilalang."

"Paano tayo aalis dito?" tanong ko.

"Kailangan natin tumalon sa dagat pero malayo pa tatakbuhin natin bago tayo makarating sa dulo ng isla," sagot niya.

Napahinto kami pareho nang matanaw namin na may palapit pa sa amin.

"Napapalibutan na nila tayo. Ano na gagawin natin?"

Palapit na palapit na sila sa amin. Napasigaw na ako nang makitang meron din sa taas.

"Aaahhh!" sigaw ko sabay upo at hawak sa ulo. Pero makalipas ang ilang segundo wala pa rin nangyayari. Pag-angat ko ng ulo napansin ko ang kulay dilaw na nakapalibot sa amin. Katulad ito ng isang barrier na pumipigil sa mga gustong lumapit sa amin.

SECLUDED WORLD [Under revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon