CHAPTER 26: THE NEW DEITIES

816 34 1
                                    

CHAPTER 26: THE NEW DEITIES

Erie's POV

"Ikaw ang magsisilbing reyna ng mundong ito habang wala pa sa tamang edad ang anak ko," sabi ni Lord Zaman sa akin. Hindi ko nga alam kung ano itatawag sa kanya dahil ngayon lang ako may nakilalang Deity sa buong buhay ko.

"Po? Ipaumanhin niyo po, hindi ako makakapayag sa gusto niyo. Wala akong kapangyarihan para maging katulad niyo. Isa lamang ako taga-mortal," tugon ko. Bakit naman ako? Mabuti pa kung sila Zeque may power.

"Naiitindihan ko kung ayan ang iniisip mo. Lumaki ka bilang mortal pero hindi ka basta taga-mortal lamang. Anak ka ng dati naming kasamahan na si Serenity at nakuha mo ang kapanyarihan na meron siya."

Lalo ako naguluhan sa sinabi niya. Anak ako ni Serenity? Pero ibang pangalan ang tinuring kong ina.

"May ipapakita ako sayo," sabi pa nito sa akin. Tinaas nito ang tungkod niya at may lumabas na imahe ng dalawang tao. Isa na doon ang aking ama at ang goddess of Peace na tintawag nilang Serenity.

Masaya ang dalawa na nag-uusap. Halatang mahal na mahal nila ang isa-isa habang naglalakad na magkahawak ang kamay. Hindi nga mawala ang mga ngiti sa kanilang labi.

"Kahit anong pigil namin sa kanila, hindi pa rin sila pumayag. Hanggang sa nagbunga ang pagmamahalan nila," pagkukuwento ni Lord Zaman.

Nag-iba ang imahe. May hawak ng sanggol si Serenity habang si Papa nakaakbay dito at nakatingin sa sanggol.

Muling nagbago ang scene. Nakahiga ang sanggol sa isang crib habang lumilindol. Iyak ito ng iyak at sa paligid nito napapalibutan ng puting liwanag.

"Noong bata ka aksidente mong nagamit ang kapanyarihan mo kaya naisipan ng iyong ina na i-seal ang kapangyarihan mo. Doon tuluyang nanghina si Serenity. Nagdesisyon sila na ipaalaga ka sa kaibigan ng iyong ama para makapamuhay ka ng normal habang bata ka pa. At ayun ang kinalakihan mong ina."

"Kaya pala madalas wala si Papa sa bahay," sambit ko. Ngayon naiitindihan ko na kung bakit palaging wala si Papa at hindi sila mukhang mag-asawa ni Mama.

"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Jiro. Tinanguan ko siya bilang tugon.

"Gusto ko muna makapag-isip," sabi ko bago umalis.

SECLUDED WORLD [Under revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon