CHAPTER 39: PROTECTOR

605 32 4
                                    

CHAPTER 39: PROTECTOR

Erie's POV

"Sino ka para protektahan ang mga hayop na yan at labagin ang utos ng mahal na hari," galit na tanong sa akin ng isa sa mga Seraph.

Naloko na! Pagkatapos ng lahat ng pagplano namin na pagpasok ko sa paaralan nila, masisira na lang ang lahat dahil sa galit ko. Sino ba hindi magagalit sa kanila? Ginagawa nilang alipin ang mga hayop dito. Dahil normal ang mga hayop dito, sila ang ginagawa na lang trabahador. Nalaman ko din na sapilitan ang lahat at wala man sila bayad binibigay. Nang malaman ko yun hindi ko napigilan ang sarili ko na lumabas sa tinataguan namin ni Flora para kontrahin ang mayayabang na Seraph. At ito ako ngayon tinutukan nila ng espada habang ang mga hayop na sinasaktan nila nagtatago sa likod ko.

"Sino ako? Ako lang naman ang protector ng kagubatan na ito. Sino mang makita ko nanakit sa mga nakatira dito ay palalayasin ko," matapang na sabi ko kahit kinakabahan na ako. Nahawa na yata ako sa katapangan nila Zaira. Napahawak ako sa kwintas ko. Hindi ko alam kunt tatalab yun kahit na wala sa tabi ko si Jiro pero walang masama kung susubukan ko. Kung hindi ko man magamit may kapanyarihan naman ako labanan sila. Hindi ako nagsanay ng ilang taon para lang sa wala.

"Matapang ka! Tignan natin ang galing mo. Protector? Sino niloko mo? Sa tagal kong nabubuhay sa mundong ito, ngayon ko lang narinig na may protector ang kagubatan. Idagdag pa na pagmamay-ari ng mahal na hari ang gubat na ito. Mukhang hindi mo alam ang tungkol doon kaya sasabihin ko na sayo, ang lahat ng bagay sa mundong ito ay pagmamay-ari ng mahal na hari. Gagawin namin ang kahit na anong gusto namin sa kanila."

"Wala ako pakialam. Poprotektahan ko sila kahit buhay ko ang kapalit. Lalaban ko kayo lahat."

"Kung ganun kamatayan lang ang parusa sa isang katulad mo. Hindi ka na magtatagal sa mundong ito. Mamatay ka katulad ng traydor na si Eric na minsan na din sinubukang labanan ang hari para lang sa mga low class na katulad nila."

Inangat nito ang espada niya upang hatiin ako mula sa ulo pero mabilis ako lumundag at ginamit ang kapangyarihan ng kwintas ko. Mabuti na lang gumana ito kaya nagkaroon ako ng espada. Pinangdepensa ko ito sa muling pag-atake niya. Nang magtama ang espada namin lumipad ito agad palayo sa akin habang ako lumundag palayo sa kanya. Bakas sa mukha nila ang ginawa. Halatang ngayon lang sila nakakita ng ganung kapanyarihan.

SECLUDED WORLD [Under revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon