CHAPTER 51: LEGENDARY DRAGONS
Zeque's POV
"Wag mo pilitin ang sarili mo. Magpahinga ka muna," nag-aalalang sabi ni Blaize kay Athena.
"Pero gusto ko tumulong."
"Kung pipilitin mo ang sarili mo baka makasama yan sa anak mo," sambit ko.
"Pero..." tinignan niya si Max na walang tigil sa pagpatay sa mga kalaban. Simula noong nawala si Zarah, naging ganyan na siya. Alam ko na gusto niya tulungan si Max.
"Ako na bahala sa kanya."
"Okay."
Nilapitan ko si Max at saka pinigilan.
"Tama na yan. Magpahinga ka na muna," awat ko sa kanya.
"No. Kulang pa ito para iligtas si Zarah. Kailangan ko lumakas sa lalong madaling panahon," aniya sabay hiwa sa zombie na nasa harapan niya.
"Hindi kita dadalhin kay Samael kung ipagpapatuloy mo yan," banta ko sa kanya. Natigilan siya bigla.
"Kung nabantayan ko siya... hindi sana siya makukuha ni Samael," nagsising sabi niya.
"Wala ka kasalanan. Sa atin dalawa ako dapat ang magbantay sa kanya bilang guardian ng alter princess."
Gusto ko sila tulungan pero hindi ako pinagbigyan ng pagkakataon ni Samael.
3 days ago...
"Samael, ibalik mo si Zarah sa amin!" sigaw ko nang makarating ako sa harap ng palasyo niya.
Sumulpot siya agad sa harapan ko.
"Yo! Long time no see," nakangising bati niya sa akin. Tinignan ko siya ng masama.
"Nasaan si Zarah?"
"Wag ka mag-aalala. Ligtas siya. Hindi ko sasaktan ang taong mahal ko."
"Mahal? Kailan ka natutong magmahal? Sa pagkakaalam ko hindi mo alam ang salitang yan. Ano pinaplano mo?"
"Seryoso ako," seryosong sabi niya sa akin na ikinagulat ko.
"Ayaw mo sa mga babae nagalaw na ng iba. Bakit si Zarah?"
Minsan talaga hindi ko maintindihan ang iniisip ni Samael.
"Iba itong nararamdaman ko sa kanya. Kumpara kay Persephone noon, mas higit pa itong nararamdaman ko sa kanya. Inaamin ko noong una gusto ko lang siya gamitin. Pero pagkatapos ko siya makausap, naging interesado ako sa kanya. Sabihin sa taong karibal ko na may tatlong buwan lang siya para makuha si Zarah. Umalis ka na kung ayaw mo na galawin ko kayo ng asawa mo. Para sayo," pagtataboy niya sa akin sabay hagis ng alter necklace sa akin.
BINABASA MO ANG
SECLUDED WORLD [Under revision]
خيال (فانتازيا)Nagtunggo sila Zeque sa mortal world para iligtas ang mga kaibigan nila. Sa pagpunta nila doon nakilala nila si Erie, ang taong may kakayahang makakita ng nilalang na hindi nakikita ng mga mortal at ang magdadala sa kanila sa Xaterrah. ======= Forme...