CHAPTER 44: ERIE VS SERAPHIM

545 24 2
                                    

CHAPTER 44: ERIE VS SERAPHIM

Erie's POV

Makalipas ang ilang buwan pagpaplano at pagsasanay. Dumating na ang araw na pagsalakay namin sa mga Seraph. Tinignan ko ang mga naiwan pa na kailangan namin ilipat sa Xaterrah. Karamihan sa kanila napadala ko na sa Xaterrah at sa tulong ni Zeya at Flora na mismong nag-ayos ng matutuluyan nila sa Xaterrah ay naayos na ang lahat.

Bigay namin sa kanila ang dalawa sa pinakamalaking gubat sa Xaterrah dahil nga sa may mga magic beast at beastman sa kanila na hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ba sila. Ayon kay Zep, mahahalintulad daw sa isang magic world ang Aurora. Higit daw na mas maraming magic energy sa paligid kumpara sa Outlandish at ang sources daw nito ay ang punong inaalagaan ni Treena. Tama lang daw ang desisyon ko na ilipat sila sa Xaterrah dahil normal na lang doon ang magic energy kahit wala na ang mga puno.

"Sigurado ka ba na dito ka lang?" nag-aalalang tanong ko kay Treena. Ayaw niya kasi umalis sa mundong ito.

"Hindi ako pwede umalis sa mundong ito kahit gustuhin ko man," malungkot na sabi ni Treena.

"Kung ganun hindi ko na lang ito sisirain," sambit ko. Oras na gawin ko ang ginawa sa Xaterrah pati si Treena mawawala. Umiling lang si Treena.

"Apat na libong taon na ako nabubuhay sa mundong ito. Ito kunin ito. Bunga ko yan o sabihin na natin na anak ko siya. Nag-iisa na lamang yang bunga ko, sana alagaan mo siya mabuti dahil wala ako sa tabi para tulungan siya. Hindi man ako makakasama sa mundo mo, maiiwan ko naman sayo ang anak ko."

Naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin pero ang hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya sa akin sinabi agad.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na hindi ka pwedeng makakasama?"

"Kung sasabihin ko sayo agad, hindi mo itutuloy ang plano mo. Wag ka mag-aalala hindi ako mamatay. Alam mo ba kung ano ang isa pang tawag sa akin maliban sa soul tree?"

Umiling ako bilang tugon habang umiiyak.

"The core of Aurora. Kailanman hindi ako mamatay. Babalik lamang ang lahat sa umpisa. Makalipas ang anim ba buwan muli ako tutubo at muling mabubuhay ang mundo ito. Magkikita din tayo mulo," paliwanag niya sa akin. Tumigil ako sa pag-iyak pagkatapos ko marinig ang sinabi niya.

"Miss Treena, may katanungan ako. Oras na muli kang mabuhay, babalik din ba ang mga namatay sa mundong ito? Tulad ng mga Seraph? Sino ang titira sa mundong ito pagkatapos?" tanong ni Zep.

SECLUDED WORLD [Under revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon