CHAPTER 30: 2ND GENERATION OF ETERNAL CHILD

722 28 3
                                    

CHAPTER 30: 2ND GENERATION OF ETERNAL CHILD

Zeque's POV

Pagkagising ko isang iyak ng babae ang narinig ko. Napabangon ako agad nang maalala kong nawalan ako ng kontrol kagabi. Hindi ko alam kung ano ginawa ko pagkatapos ko mawala sa sarili.

Napatingin ako kay Erie. Nakahiga ito na nakabaluktot habang umiyak. Pagkakita ko sa kanya nagkaidea na ako sa nangyari kagabi.

"Erie... Sorry," sabi ko sa kanya. Naiinis ako sa aking sarili dahil hinayaan ko na makontrol ng pulang buwan. Gusto ko siya yakapin pero hindi ko magawang lumapit sa kanya. Tinanggal ko ang damit ko saka ito hinagis sa kanya dahil wala siya kahit na anong suot ngayon.

Nagkalat ang punit punit niyang damit sa paligid. Hindi ko akalain na aabot ako sa ganun oras na mawalan ako ng control.

"Suotin mo na muna yan. Mauna ka na bumalik sa Xaterrah," sabi ko sa kanya saka naglakad para lumayo. Hindi ko na alam kung paano siya haharapin pagkatapos ng nagawa ko sa kanya.

Gumawa ako ng portal papunta sa lugar kung saan naninirahan ang pamilya ko. Ang lugar na wala mismong nakakakita dahil protektado ito ng kapangyarihan naming magkakapatid.

"Zeque? Ikaw ba yan?"

Ningitian ko siya saka tinanguan.

"Kamusta Zera?" nakangiting sabi ko sa kapatid ko.

"Ikaw nga. Zep! Zeya! Si Zeque nandito," sigaw niya. Nagsilabasan ang dalawa pa namin kapatid.

"Bro, napadalaw ka? May problema ba? Sabi ko naman sayo dito ka na lang kaysa sa labas na puro digmaan na lang ang nagaganap," sermon ni Zep. Siya ang nagsisilbing kuya namin dahil siya ang unang pinanganak.

"Hindi pwede. Bilang Alter kailangan ko gawin ang tungkulin ko," tugon ko.

"Pero diba katulad na din natin yung Alter Princess? Hindi mo na kailangan maging alter sa kanya. Nakakalungkot isipin na dahil sa akin kaya pinili mong maging alter pero sa huli ito kami. Nagtatago para lang maitago natin ang katotohanan na apat tayong naging immortal pagkatapos mo kami muling buhayin habang ikaw nasa labas nakikipaglaban kay Samael," malungkot na sabi ni Zera.

"Hindi niyo naman ginustong maging immortal. Naging immortal kayo dahil sa pagiging makasarili ko. Ayokong maiwan mag-isa kaya ginawa ko kayong immortal sa pamamagitan ng dugo natin na palihim kong kinuha noon."

SECLUDED WORLD [Under revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon