EPILOGUE

1K 24 23
                                    

EPILOGUE

13 years later...

Napatingin ang lahat sa kalangitan kung saan nabalutan ng itim na ulap ang kalangitan. Isang blackhole ang unti-unting sumusulpot dito. Saan man sa mundo ay lahat napahinto sa ginagawa dahil sa hindi mapaliwang na pangyayari.

"Ano nangyayari? Sinusugod na ba tayo ng demon?" tanong ni Zera nang mapansin ang nangyayari sa iba't-ibang mundo.

"No. Iba yan sa blackhole ng demon," tugon ni Jiro.

"Sa tingin ko may pagbabagong magaganap," sambit ni Erie.

Biglang huminto ang oras. Lahat tumigil sa paggalaw. May mga nagsilabasang soul sa blackhole at nagsipuntahan ito sa mga piling nilalang sa iba't-ibang mundo.   Pagkasanib nito sa kanilang katawan isang malakas na kidlat ang tumama sa kanila. Unti-unting nawala ang blackhole at itim na ulap. Nag-umpisa na muli gimalaw ang oras.

Sa Mortal World...

"Luna!" sigaw ng isang babae nang makitang bumagsak ang anak. Bago pa niya ito malapitan may naramdaman itong malakas na kapangyarihan na nanggaling sa katawan nito.

Sa Xaterrah...

"Erie, may masamang nangyari kila Damian sa Aurora!" sigaw ni Zeya. Agad ito nagtunggo sa Xaterrah nang mawalan ng malay ang kambal na anak ni Erie.

"Dalhin mo ko sa kanila," tugon ni Erie sabay likha ng portal patunggong Aurora.

Sa Outlandish...

Isang lalaki at babae ang lumabas sa time machine. Buhat-buhat ng lalaki ang duguang babae.

"Heidi, konting tiis na lang. Dadalhin kita kay tito," sambit ng lalaki. Ngunit bago pa ito makaalis isang kidlat ang tumama sa kanila. Sabay silang bumagsak sa sahig.

"Heidi!"

"Sage!"

Agad silang nilapitan ng dalawang tao nang makita silang walang malay. Hinawakan ni Zeque ang pulso nila.

"Ayos lang ba sila?" tanong ng babae. Tumango si Zeque bilang tugon saka niya nilipat ang dalawa sa kwarto.

"Iwan ko muna dito si Heidi. Aalamin ko lang kung ano nangyari," paalam ni Zeque at dali-daling lumabas.

Paglabas nito agad ito umuwi ng bahay. Napaupo ito at napahawak sa ulo. Sunod-sunod na bumalik ang kanyang alaala. Dahil sa dami ng impormasyong pumapasok sa kanyang isip, nawalan ito ng malay. Pagkagising nito isang ibon ang bumungad sa kanya.

"Zeque..." sambit nito.

"Nakakapagsalita ka? Ah! Wait!" napahilot ng ulo si  Zeque dahil sa sakit.

"Weak..."

"Kalahati pa lang ng kapangyarihan ko ang bumalik."

Tinignan niya ng masama ang ibon at bigla na lang itong napangiti nang makikilala niya ang ibon.

"Ikaw pala yan. Nandito ka ba para kay Heidi?"

"Alam mo?"

"Ngayon lang bumalik alaala ko."

"May pagbabagong nagaganap sa katawan ni Heidi. Tingin ko may kinalaman yung nangyari kanina ."

"Dahil sa pagpunta niya sa nakaraan, nagbago ang nakatadhanang mangyari sa kanya. Simula ngayon hindi na magiging normal ang buhay niya."

"Nandiyan ka naman."

Napailing si Zeque saka napabuntong hininga.

"Apat na taon ko na lang siya masasamahan. Kailangan ko umalis pagkatapos nun. Pero bago iyon papasukin ko siya sa Black Academy."

Pagkakita nila kay Heidi, wala pa rin itong malay.

"Konting kapangyarihan pa lang niya ang lumalabas. May panahon pa ako para sanayin siya," sambit ni Zeque saka tinutok ang hintuturo sa noo ni Heidi. Nilagyan niya ng seal ang memory nito sa nakaraan.

Paglipas ng apat na taon, isang grupo ng mga binata at dalaga ang unti-unting magliligtas sa apat na mundo.

-End

Thank You sa lahat ng nagbasa at sumuporta sa Secluded World.

SECLUDED WORLD [Under revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon