CHAPTER 46: MOTHER AND FATHER
Erie's POV
"Sino magiging magulang nila?" tanong ni Zera. Tinignan nila ako bigla.
"Wala ako alam sa pag-aalaga ng bata. Bakit hindi na lang kayong dalawa ang mag-ampon sa kanila??" tugon ko sabay tingin kila Zera and Zeya.
"Naku! Ayoko na maging nanay. Sila Jiro at Zera na lang ang magulang nila," kontra ni Zeya agad.
"Wala naman problema sa akin na mag-alaga ng bata pero apat sila. Apat! Wag niyo naman ipaalaga sa amin lahat," reklamo ni Zera.
"Erie, mas maganda kung
mag-alaga ka kahit isa. Para kapag lumabas na ang baby mo alam mo na kung paano sila palakihin," sambit ni Zeya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko pa nga nasasabi kay Zeque na buntis ako. Hindi din naman siya slow para hindi makuha ang ibig sabihin ni Zeya."Buntis ka?" tanong sa akin ni Zeque. Tinignan niya ako. Hindi pa naman gaano kalaki ang tiyan ko kaya hindi halata.
"Oo," sagot ko habang nakaiwas ng tingin. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya.
"Buntis ka tapos nandito ka nakikipaglaban? Paano kung may masamang mangyari sa bata?" sermon niya bigla na ikinagulat ko. Pasimple ko siya tinignan. Salubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin.
"Ilang buwan ako naghintay ng balita tungkol sayo. Wala ako kaalam-alam kung saan kayo hahanapin. Kung hindi pa ako nagpunta kanina sa Xaterrah hindi ko kayo makikita," dugtong niya. Hindi na kami nakapagsalita dahil sa sunod na sunod na sermon niya sa amin. Para siyang tatay na pinapagalitan ang anak niya. Natigil lang siya nang umiyak ang batang buhat niya.
"Ang ingay mo. Tignan mo umiyak na si baby dahil sayo," sambit ni Zera. Pinabuhat niya kay Jiro ang buhat niya saka kinuha ang bata kay Zeque.
Napabuntong hininga na lang si Zeque. Wala din naman siya mababago kahit sermunan niya kami.
"Bumalik na muna tayo sa Xaterrah. Doon na natin pag-usapan kung sino mag-aalaga sa kanila," aniya saka kami tinignan isa-isa. Pumayag naman kami agad dahil ayaw na namin masermunan. Gumawa agad ako ng portal patunggo sa Xaterrah.
BINABASA MO ANG
SECLUDED WORLD [Under revision]
FantasyNagtunggo sila Zeque sa mortal world para iligtas ang mga kaibigan nila. Sa pagpunta nila doon nakilala nila si Erie, ang taong may kakayahang makakita ng nilalang na hindi nakikita ng mga mortal at ang magdadala sa kanila sa Xaterrah. ======= Forme...