Tiffany Kate's POV
Hay salamat! At sa wakas ay natapos na din akong mag linis ng mansion niya...
Napa upo ako sa sahig dahil sa sobrang pagod ko. Anong oras na ba? Napatingin ako sa wristwatch ko... Hala! 8:30 PM na pala!
Nagulat ako ng biglang ng vibrate yung phone ko sa bulsa ko. Agad ko itong kinuha at nakita 'kong nag message saakin si Cohlyne. Binuksan ko yung message at binasa...
"Ate Kate, si Kuya Matthew hindi uuwi ngayong gabi sa bahay kasi straight siya ngayon sa work niya. Tapos ako naman makikitulog muna sa mga friends ko sa bahay nila. Kapag umuwi ka na, may food sa ref. Ate Kate, shhh ka lang kay Kuya ah? Lagot ako dun pag nalaman niyang sa ibang bahay ako tutuloy ngayon. TY!"
Hay nako, etong batang ito talaga!
Tatayo na sana ako pero nakita ko si Joseph na papalapit saakin na may dalang damit. Para saan yun?
Tumayo na ako at pinag pagan yung skirt ko. Tumigil sa harapan ko si Joseph kaya bigla akong kinabahan
"Uhh... Tapos na akong mag linis."
Sabi ko. Tumango lang ito.
"Oh."
Inabot niya saakin yung T-shirt na red at yung short na hanggang tuhod pag sinuot."Ano yan?"
Tanong ko
"Malamang damit! Hindi ba obvious?"
Naiiritang sagot naman nito"Oo, alam 'kong damit yan. Pero... Ano naman ang gagamin ko diyan?"
"Siguro kakainin... Malamang kaya nva damit eh, para suotin!"
"A-ako ang mag susuot?"
Sabay turo ko saakin"Ay hindi... Ako... Kaya nga binibigay ko sayo para suotin mo eh! COMMON SENSE!"
Kinuha ko na lang ito sa kanya at saka naman siya umalis sa harapan ko. Galit pa din ata 'to saakin...Nag lakad na ako papunta sa may restroom at dun nag palit ng damit. Kanina pa kasi akoong umaga naka uniform hanggang ngayong gabi kaya siguro ako binigayn ni Joseph ng damit.
Nang matapos na akong mag bihis, dumeretso ako sa dining room para mag luto sana ng pagkain pero nadatnan 'kong si Joseph na ang nag p-prepare ng mga pagkain.
"Uy! Diba dapat ako ang gagawa niyan?"
"Ako na."
Sagot naman nitoNag labas siya ng dalawang plates, two glasses and two spoons and forks.
"Uy, ako na–"
"Tsk! Umupo ka na lang diyan."
Umupo na lang ako sa upuan gaya nga ng sinabi nya saakinMaya-maya lang ay naihain na ni Joseph ang mga pagkain sa table...
Wow! Amoy pa lang nakakatakam na! Gusto ko ng kumain!
Umupo na si Joseph sa dulo ng table at ako naman ay 3 chairs away from him...
Pag tingin ko dun sa ulam na niluto ni Joseph ay medyo umuusok pa ito. Yey! Chicken Fillet!
Nakakuha na si Joseph ng pag kain at ngayon ay kumakain na. Ako na lang hindi, kukuha na sana ako ng ulam pero biglang may nag door bell sa pintuan.
BINABASA MO ANG
Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]
Teen FictionTiffany Kate Folkerson is a simple teenage school girl, isang nerd, hilig niyang mag basa ng libro, matalino... Matalino, pero masasabi pa ba nating matalino siya pag dating sa LOVE? May dalawang tao na dadating sa buhay niya, pero ang tanong... Ka...