CHAPTER 51: Max Kane Vergas

93 18 1
                                    

Tiffany Kate's POV

"Hello, Tiffany."
Bati saakin ni MK
"B-Bakit ka napa-daan dito?"
Tanong ko sa kanya.

Lagi akong nag tataka, paano siya nakaka-daan palagi sa gate? Ang alam ko ay si Joseph lang ang maaaring maka-pag bukas ng gate, dahil may code pang kailangan na pindutin sa gate. At imposibleng may maka-pasok na mga mag nanakaw dito at maka-lagpas sa mataas na gate ng Castle House, dahil sa pinaka-tuktok neto ay may mga sobrang tulis na mga bakal ang naka-dikit dito.

"Gusto sana kitang yayain sa labas na kumain ng tayong dalawa lang, uhm... Kung okay lang sa'yo?"
Sabi niya saakin
"Uhm..."
Bago pa man ako mag salita, na-rinig ko na kaagad si Joseph na nag salita
"Paano ka naka-pasok na naman dito?"
Inis na tanong ni Joseph kay MK

"Na-iwan mo atang bukas 'yong gate niyo."
Sagot naman ni MK kay Joseph. Oh! Yah, na-iwan nga ata namin na bukas kanina 'yong gate.
"Tsk, tsk, tsk. Kung hindi dahil saakin, baka napa-sukan pa kayo ng magnanakaw."
Dugtong pa ni MK, pero naka-tingin naman siya kay Joseph.

"Ba't ka na naman ba andito? How many times do I have to tell na you're not welcome here?"
Inis na tanong pa din ni Joseph kay MK. Nakita 'kong ngumiti lang si MK kay Joseph at saka niya pinat 'yong balikat ni Joseph.
"Pwede ko bang ma-imbita na kumain muna kaming dalawa ng precious girlfriend mo sa labas?"
Tanong niya kay Joseph
"No."
Matigas na sambit ni Joseph

"Oh, so sad..."
Sabi naman ni MK... Bigla akong naka-isip ng paraan para hindi na kami lumabas pa ni MK at kumain pa sa labas. Na-isip ko na kumain na lang kaming tatlo dito ng sabay-sabay

"Ah, MK, para hindi na tayo lumabas pa at kumain sa labas, dito na lang kaya?"
Alok ko sa kanya
"Absolutely, yes!"
"Absolutely, no!"
Medyo natawa ako nang sabay na naman silang sumagot.

Nakita ko si Joseph na napa-poker face na lang dahil sa inis.
"Please?"
Sabi ko kay Joseph, saka ako nag puppy eyes sa kanya para lang pumayag siya na dito si MK kumain kasalo namin. Tumingin si Joseph saakin at nabuhayan ako nang ngumiti siya.
"Alam mo naman na hindi kita matitiis eh."
Na-gulat ako nang bigla akong hinalikan ni Joseph sa forehead ko. Nang ma-gawa na niya 'yon ay saka niya ako kinindatan kasabay ng pag punta niya sa dining room.

*dugdug dugdug dugdug*

Napa-hawak ako sa aking dibdib nang maramdaman na naman na bumilis na naman 'yong tibok ng puso ko...

Napa-tingin ako kay MK nang maalala ko na andito pa pala siya. Nag taka ako bigla nang makitang naka-kuyom ang kaniyang kamao, at sobrang seryoso ng kaniyang mukha.
"Uhm... MK?"
Kuha ko ng kaniyang atensyon. Napa-tingin siya saakin, at bigla naman nawala 'yong pag ka-kuyom ng kaniyang kamao at 'yong kaniyang kaninang seryosong mukha.

"Okay ka lang?"
Tanong ko pa sa kanya
"Ah... O-Oo."
Sagot naman niya. Ngumiti ako sa kanya at saka hinawakan ang kaniyang kamay
"Tara na?"
Yaya ko sa kanya. Ngumiti lang siya at saka tumango.

Nag tungo na kaming dalawa ni MK sa dining room, at naabutan ko si Joseph na naka-upo lang sa kaniyang upuan at hindi pa na-kain, mukhang ang lalim ng kaniyang iniisip. Napa-tingin si Joseph saamin nang dumating na kami dito sa dining table.

"Ba't hindi mo pa kina-kain 'yang pagkain mo?"
Tanong ko kay Joseph
"Hinihintay kasi kita."
Sabi naman niya
"Tiffany, umupo na tayo."
Napa-tingin ako kay MK nang ma-rinig na parang ang tigas ng pag kaka-sabi niya saakin no'ng katagang binitawan niya, kaya bigla akong nag taka.

Umupo na lang ako sa tabi ni Joseph, gano'n din naman ang ginawa ni MK, pero sa tabi ko siya ngayon. Ipag kukuha ko na sana si MK ng pagkain, pero bigla naman akong pinigilan ni Joseph.
"Let him be, may kamay siya."
Utos niya saakin. Napa-tingin ako kay MK at nakita ko naman na ngumiti lang siya saakin at saka nag thumbs up saakin.

Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon