CHAPTER 19: Pretending

152 20 1
                                    

Tiffany Kate's POV

*kring kring kring*

*yawn*

Pinatay ko na yung alarm clock at saka ko kinusot yung mga mata ko. Tumayo na ako at inayos ko ang kama ko. Humarap ako sa salamin...

Medyo blur yung paningin ko kaya kinuha ko yung salamin ko sa mata na nakapatong sa side table ko.

Halos mapatalon ako sa gulat ng mapagtanto ko ang sarili ko sa salamin na kaharap ko

Whaaa! Ang pangit ng itsura ko ngayon! >0<

May gulo-gulo akong buhok, gusot-gusot yung damit ko, at para akong nabugbog dahil sa itsura ng mata ko na may itim sa ilalim nito, at ang pinaka worst ay  may panis na laway pa ako sa gilid ng labi ko =___=

"OH.MY.GOSH."
Agad akong napatingin sa may pintuan nang marinig ang kanyang boses

Napatili ako ng malakas dahil sa sobrang pagka-gulat ko. Kung ano-ano ang pumasok sa utak ko nang makita siya dito sa loob ng kwarto ko ng ganitong oras!

Agad 'kong kinuha yung unan ko ko at saka ko iyon ibinato kay Joseph
"A-Anong ginagawa mo dito?!"
Inis na tanong ko

Aktong ihahagis ko na sana sa kanya yung tsinelas ko pero agad niyang naagaw sa kamay ko yung tsinelas ko -___-

"Anong nangyayari dito?"
Napatingin ako sa may pinto at nakita 'kong nakatayo dun si Kuya Matthew at nakita 'kong kakarating lang din ni Cohlyne

"K-Kuya! A-Anong ginagawa niyan dito?!"
Tukoy ko kay Joseph

Agad akong tumakbo sa likod ni Kuya Matt at eto namang si Cohlyne ay tumakbo papunta kay Joseph
"Kuya Pogi!"
Sabay yakap ni Cohlyne kay Joseph

Humarap sa'kin si Kuya Matt na halatang nag pipigil lang ng tawa kaya napa poker face na lang ako

"Mukha kang na-rape."
Sabi ni Kuya Matt habang nakatingin sa buong katawan ko. Mula paa hanggang ulo ko -__-

Nakita 'kong kinuha ni Kuya Matt yung brush na naka patong sa ibabaw ng drawer ko at mariin akong napapikit nang isuklay niya  yung brush sa buhok 'kong gulo-gulo

"Haysss, Kate. Pag nasa America na ako, be a good girl okay?"
Naka poker face pa din ako kay Kuya Matt habang nakahalukipkip pa din at patuloy lang si Kuya Matt sa pag susuklay sa buhok ko upang maging maayos ito.

"Mabait na bat– este MABAIT NAMAN AKO KUYA EH!"
Muntik ko na masabi yung word na 'bata' psh =___=

"Haysss, eh ngayon pa nga lang ay ang kulit-kulit mo na kay Joseph."
Aba! Eto na naman tayo! Bata ba ako?! Mukha ba akong bata?! Teenager na ako! Mukhang mas kinakampihan pa ni Kuya itong mokong na Joseph na 'to kesa sa'kin eh!

"Ehhh... Kuya naman kasi?!"
Tumigil na si Kuya sa pag susuklay ng buhok ko dahil naayos nya na ito. Ibinalik na ulit ni Kuya sa ibabaw ng drawer ko yung brush na ginamit niya sa buhok ko

"Five years lang muna ako dun, okay? Tapos after five years ay babalik na ulit ako dito. Don't worry, buwan-buwan ako mag papadala ng pera."
Nakita 'kong binalingan ng tingin ni Kuya si Joseph na naka-upo sa kama ko at saka ulit inilipat ni Kuya ang tingin niya sa'kin

"Masanay ka na, kasi araw-araw mo ata ito mararanasan habang wala pa ako dito."
Saka si Kuya Matt ngumiti sa'kin at saka niya pinat yung ulo ko.

Kahit hindi ko naintindihan yung sinabi ni Kuya ay nagawa ko pa din ngumiti

Bigla 'kong naalala, paano si Joseph nakapasok dito? At anong ginagawa niya dito?

"Kuya, ano nga pala ang ginagawa niya dito?"
Pabulong na tanong ko kay Kuya habang nakatingin ako kay Joseph na nakikipag kwentuhan kay Cohlyne

Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon