Joseph Dimfrod's POV
Inayos ko muna yung buhok ko bago lumabas ng restroom... Pag labas ko, nag taka ako kasi hindi ko nakita si Tiffany. Asaan siya?
Nilabas ko yung phone ko at saka ko dinial yung number ni Tiffany, pero out of reach naman -__-
Imposibleng tumakas 'to dahil alam niya na isusumbong ko siya sa Kuya Matthew niya kapag ginawa niya 'yon.
Inisip ko na baka nasa kotse ko na yun, kaya pinuntahan ko yung kotse ko sa parking lot. Pero pag punta ko dun, hindi ko siya nakita. Pumunta ako sa may rooftop pero wala din siya dun. Pumunta ako sa may library pero wala din siya dun. May isang lugar na lang akong alam na pwede niyang puntahan... Basketball court.
Pumunta ako dun sa basketball court dahil baka andun si Tiffany at pinanonood si Kysler na mag practice. Napakunot ako ng noo nang wala rin dito si Tiffany! What the heck?! Asaan na siya?!
Nakita 'kong lumapit saakin si Kysler. Okay, wala ako sa mood makipag asaran.
"Hey, what are you doing here?"
Hindi ko na lang siya pinansin. Umikot ako sa loob ng court pero wala talaga siya dito! Asaan na yung babaeng 'yon?!
"Mukhang may hinahanap ka ah?"
"Shut up."
"Woah, chill lang."
Ugh! Naiinis talaga ako kapag naririnig ang kaniyang boses!Naisip ko na baka sumama sa kaniyang mga kaibigan si Tiffany. Tinawagan ko yung number ni Nicole at sakto at sumagot din siya kaagad.
"Hello?"
Tanong niya
"Nicole, kasama niyo ba si Tiffany?"
Tanong ko
"Huh? Hindi. Andito kami nila Luis at Anne sa may café pero hindi namin kasama si Bessy. Bakit mo ba natanong?"
Mas lalo akong kinabahan nang malamang hindi nila Nicole kasama si Tiffany"Hindi ko kasi siya mahanap eh. Pinuntahan ko na yung mga pwedeng puntahan ni Tiffany pero hindi ko pa din siya nakita."
"What?! Asaan ka ngayon?! Nandyan ka pa din ba sa campus?"
It's Luis...
"Oo."
"Sige, sandali lang, pupunta kami diyan."
"Geh."Pagka-tago ko ng phone ko, bigla naman akong sinigawan ni Kysler
"Nawawala si Tiffany?!"
"Ano pa ba?"
Ibinagsak niya ng sobrang lakas sa sahig yung hawak niyang bote kaya gumawa ito ng nakaka-rinding ingay."Joseph!"
Narinig ko yung boses ni Nicole kaya lumingon ako sa likod ko. Nakita 'kong tatlo silang tumatakbo papunta sa kina-tatayuan ko.
"Akala ko ba sabay kayong umuwi?"
Tanong ni Luis"Oo nga, pero sabi ko sa kanya saglit lang dahil kailangan 'kong mag CR. Pero nung naka-labas na ako, wala na siya!"
"Tinignan mo na ba yung mga lugar na pwedeng puntahan ni Tiffany?"
Singit naman ni Kysler"Oo. Hindi ko siya makita."
Aish! Kinakabahan talaga ako! Saan ba kasi 'yon nag punta?!
"Tara hanapin natin si Bessy!"
Sabi naman ni Nicole
"Tara."
Sabi ko
"Sama ako,"
Sabi ni Kysler. Hindi ko na pinansin muna yung nararamdaman 'kong inis kay Kysler dahil ang mas mahalaga ngayon ay mahanap namin si Tiffany.Tiffany Kate's POV
Nagising ako nang dahil sa isang buhos ng napaka-lamig na tubig.
"Wake up, sleeping beauty."
Sabi ng isang babae.Nung una, medyo blur pa yung mga paningin ko, pero hindi nag tagal at luminaw na ito at namukhaan ko kaagad yung babae na gumising saakin gamit ang isang napaka-lamig na tubig.
"Ikaw?!"
Sabi ko. Siya yung babae na leader ng war freak girls dati na naka-away ko.
"Oo, ako nga. Nice to see you again."
Sabi niyaPinipilit 'kong matanggal yung lubid na naka-tali saakin, pero hindi ko matanggal dahil sobrang higpit ng pagkaka-tali saakin. Nakatali ako sa upuan. Andito kami isang kwarto, halatang lumang-luma na ito dahil sa mga kinakalawang na mga gamit dito. Halatang hindi na ito nagagamit.
"Ano na naman ba ang kailangan mo?!"
Sigaw ko sa kaniya
"Hmmm... I want you..."
Sabi niya. May dalawa pa siyang kasama at kilala ko rin sila... Sa mukha."Why me?!"
"Mang-aagaw ka! Lagi mo na lang inaagaw saakin yung mga dapat na saakin!"
"What?! Ano na naman ba ang inagaw ko sa'yo?! Hindi nga kita kilala eh!"Nagulat ako nang bigla siyang may inilabas na kutsilyo. Umakyat lahat ng dugo ko nang itutok niya saakin yung kitsilyo na hawak niya, samantalang yung dalawa niyang kasama ay parang nanonood lang ng action sa TV.
"Don't you dare to shout on me!"
"T-Teka... Ibaba mo 'yan, hindi magandang biro 'yan!"
Mas lalo akong kinabahan nang idinikit niya sa dibdib ko yung tip nung kutsilyo
"Mukha ba akong nag bibiro?"
Sabi niyaNararamdaman 'kong unti-unti nang dumidiin sa dibdib ko yung tip nung kutsilyo. Napapikit ako nang duraan ako sa mukha nung dalawa niyang kasama.
Gaganti pa sana ako pero naunahan ako nitong babae na may hawak ng kutsilyo
"Sige! Gumanti ka! Makikita mo kung ano ang kahihinatnan mo!"
Sabi pa niyaGod, bakit ko ba kailangan maranasan ang mga ganitong bagay? Bakit ba kailangan na humantong ako sa ganitong sitwasiyon? Eto na ba ang huli 'kong araw na mabubuhay sa mundong ito? Pero... Bakit kailangan na ganito ang magiging cause ng aking pagka-matay? Gusto ko pa pong mabuhay Lord, hindi pa po ako handang mamatay.
Tumungo na lang ako at saka ipinikit ang aking nga mata.
"Eto na yung huli mong araw dito sa mundong ito. Eto na yung huling araw na makikita mo ang pag mumukhang ito..."
Sabay turo niya sa kaniyang mukha. Siguro nga"Any last word?"
Kung eto na nga yung huli 'kong araw sa mundong ito, ang magiging tanging hiling ko lang ay... Sana wag mag-alala yung mga taong mahalaga na para saakin.Joseph Dimfrod's POV
"Aish! Wala pa din?!"
Nag hiwa-hiwalay na kami sa buong campus para mahanap si Tiffany pero hindi pa din namin nahahanap si Tiffany!
"Wala eh. Hindi namin siya makita. Pinasok na namin kahit yung mga rooms na hindi na ginagamit, pero still, hindi pa din namin siya makita.""Aish! Kasalanan mo ang lahat ng ito eh! Napaka-bobo mo! Kung ako lang ang kasama ni Tiffany, hindi sana siya nawawala ngayon!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na wag magalit kay Kysler nang dahil sa kaniyang mga sinasabi. Aba! Mag dahan-dahan siya! Hindi niya alam kung ano ang kaya 'kong gawin sa kanya kapag nagalit ako!"Anong sabi mo?"
Tanong ko kay Kysler
"Ang sabi ko, bobo ka!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasuntok ko na siya sa mukha. Agad akong inawat ni Luis
"Dahan-dahan ka sa pag sasalita mo!"
Banta ko sa kanya"Hoy! Tumigil na nga kayo! Walang magagawa kung mag aaway lang kayong pareho! Hindi 'yan makaka-tulong sa pag hahanap kay Tiffany! Para kayong mga bata."
Sabi ni Luis. Pinilit 'kong maging kampante at wag munang isipin yung galit ko kay Kysler."Mag kotse na lang kaya tayo?'
Yaya ni Anne. Tumingin lahat sila saakin, at nakuha ko kaagad kung ano ang gusto nilang ipahiwatig sa mga tingin pa lang nila saakin. Tumango na lang ako at saka kami tumakbo papuntang parking lot ng campus at saka kami pumasok sa loob ng kotse ko."Nakabukas ba yung GPS ni Tiffany?"
Tanong ni Luis habang nag da-drive ako
"Ewan ko."
"Teka, tignan ko..."
Sabi niya. Sinulyapan ko lang si Luis ng saglit sa rear-view mirror at nakita 'kong nilabas niya na yung kaniyang phone."Saglit!..."
Sabi ni Luis.
"Joseph, sundan mo itong may arrow. Andiyan si Tiffany."
Saka ni Luis binigay saakin yung phone niya.Tiffany, sana safe ka pa din. Sana walang mangyaring masama sa'yo. Hindi ko kakayanin na pati ikaw mawawala rin saakin.
****
BINABASA MO ANG
Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]
Novela JuvenilTiffany Kate Folkerson is a simple teenage school girl, isang nerd, hilig niyang mag basa ng libro, matalino... Matalino, pero masasabi pa ba nating matalino siya pag dating sa LOVE? May dalawang tao na dadating sa buhay niya, pero ang tanong... Ka...