Tiffany Kate's POV
Andito kami ngayon ni Kysler nag lalakad papunta sa may parking lot ng campus
"May kotse ka ba?"
Tanong ni MK
From now on, MK na ang itatawag ko sa kanya.
"Wala, may sundo kasi ako."
"Talaga? Sino yung susundo sa'yo?"
"Si BJ."
"Huh? Sino yun?"
Tanong ni MK
Oh, as I remembered, si Joseph Dimfrod Suerez lang yun.
"Si Joseph... Si Suerez."
"Ahhh, bakit BJ ang tawag mo sa kanya?"
Ngumiti na lang ako sa kanya at saka umiling.
"Bakit siya ang susundo sa'yo?... Oh, I remembered, kayo na nga pala. Natural ay susunduin ka nun."
Mag sasalita pa lang sana ako para sabihin na hindi 'yon totoo, pero mas pinili ko na lang na itikom ang aking bibig.
"Uhm, sige, dito na lang. Salamat sa pag hatid saakin dito."
"Are you sure?"
"Yes."
Saka ko nginitian si MK.
"Sige, take care of yourself."
Saka si MK umalis na. Nag lakad na ako papunta kung saan laging naka parada ang kotse ni BJ. At nang makarating ako sa kinaroroonan ng sasakyan ni BJ, sakto at nakita ko si BJ na nakasandal sa kaniyang kotse.
Nang makita niya ako, pumasok na siya sa loob ng kotse. Pumasok na din ako sa loob, at nakita 'kong natutulog na naman si Cohlyne sa may backseat habang naka-buka pa ang bibig. Medyo lumapit ako kay Cohlyne at saka isinarado ang kaniyang bibig dahil baka pasukan ng langaw.
Habang nabyahe kami pauwi, nakikinig ako sa earphones ko ng kanta. Nag-hahanap ako ng pwedeng maging magandang kantahin para sa darating na performance namin ni BJ.
Nagulat ako dahil biglang tinanggal ni BJ yung isang earphone ko na nakasalpak sa kaliwa 'kong teinga. Tinignan ko ng masama si BJ
"Bakit mo ginawa 'yon?!"
Sigaw ko kay BJ
"Wow. Kanina pa ako salita ng salita dito, tapos naka earphones ka lang pala. Ang galing!"
May sinasabi pala siya? Aba, sorry naman!
"Ano ba yung sinasabi mo?"
"Haysss, uulitin ko na naman."
Aba! Anong gusto niyang gawin ko?! Hindi ko nga narinig yung sinasabi niya kanina eh! Malay ko ba na may sinasabi pala ang mokong?!
"Okay, sige, wag na. Ayaw mo nama–"
"Hindi, eto na nga, sasabihin ko na nga eh. Uulitin ko na."
'Yon naman pala eh
"Bakit sobrang aga mo kanina pumasok?"
Seryosong tanong ni BJ
"Tungkol dun..."
Ang dahilan kung bakit sobrang aga ko kanina pumasok ay dahil kay Luis. Ang akala ko, papasok siya ngayon. Balak ko sanang unahan siya sa pag-pasok para makapag-paliwanag ako ng maayos sa kanya. Maaga akong pumasok dahil palagi siyang nauuna sa klase kaya naisipan 'kong pumasok ng maaga, pero hindi rin naman pala siya papasok ngayon.
"Ano?"
"Uhm... Gusto ko lang... Ano... Gusto ko lang mauna sa pag pasok."
"Seryoso ka?"
"Uhh, oo."
Ayokong pati siya ay mag-alala, kaya mas pinili ko na lang na itago pati sa kanya ang totoo.
"Nga pala, about dun sa graded performance natin sa music, anong gagawin natin duon?"
Tanong niya
"Ikaw, ano bang gusto mong gawin natin?"
Saka ako umayos ng upo at tumingin sa kanya
"Gitara sana,"
Sabi niya. Hindi ako marunong mag gitara, mag piano at kumanta lang alam ko.
"Sinong mag gigitara?"
Tanong ko
"Sino ba gusto mo?"
Ugh! Bakit ba kapag nag tatanong ako ay palaging tanong din ang isasagot ng mokong?! =___=
"Ako?"
Sagot ko. Pero tandaan, may question mark sa dulo.
"No, it would be perfect kung ako ang tutugtog ng gitara at ikaw ang kakanta."
Woah, para saan pa na sinagot ko pa ang kaniyang tanong pero opinyon pa din niya ang masusunod?
"Fine."
Sabi ko
"So, ano ang kakantahin ko?"
"Hmmm, mag-iisip pa ako... Mamaya na lang natin pag-usapan kapag nasa mansion na."
"Hmmm, okay."
Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]
Novela JuvenilTiffany Kate Folkerson is a simple teenage school girl, isang nerd, hilig niyang mag basa ng libro, matalino... Matalino, pero masasabi pa ba nating matalino siya pag dating sa LOVE? May dalawang tao na dadating sa buhay niya, pero ang tanong... Ka...
![Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/113169795-64-k616962.jpg)