CHAPTER 17: NERVOUS

179 18 1
                                    

Tiffany Kate's POV

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko dahil sa sinabi niya... Siya?... Nag seselos?... Aish! HINDI KO SIYA MAINTINDIHAN!

Hindi ako slow... Alam 'kong si Joseph ang tinutukpy niya... Pero bakit? Bakit siya nag seselos kay Joseph? Wala namang dapat ikaselos ah!

"B-Bakit ka naman nag seselos?"
Narinig ko siyang mahinang natawa kaya mas lalo akong naguluhan
"Minsan, iniisip ko na sana hindi na lang si Joseph Dimfrod na yun nag transfer dito academy natin para hindi mo na lang siya nakilala..."
Anong ibig niyang sabihin?

"Sana hindi ka na lang napalapit sa kanya."
Dugtong pa nito.

Anong ibig niyang sabihin? Yun nga yung gusto ko eh. Sana nga hindi ko na lang nakilala si Joseph dahil naiinis lang ako sa kanya. Oo, totoo yun. Pero yung mapalapit kay Joseph? Malabong mangyari yun Kysler!

*BOGSH!*

Napatingin ako sa may pintuan ng rooftop at nagulat ako ng makita ko si Joseph na basang- basa ng pawis na parang tumakbo pa nga ata, at parang... BEAST MODE...

Gosh! I remembered, five minutes nga lang pala ako dapat mawawala... And I think... Lagpas na ng five minutes na ako nawawala sa tabi ni Joseph...

"TSK! Anong ginagawa mo dito?! Ang akala ko ba sa CR ang punta mo?! Eh bakit dito ka sa rooftop pumunta? At wow, kasama pa 'yang lalaking 'yan."
Pagkasabi ni Joseph nun, agad na lumapit siya saakin at hinawakan ako sa kamay.

Aktong lalabas na kami ng rooftop ni Joseph pero bigla 'kong naramdaman na may humawak sa kabila 'kong kamay at alam 'kong si Kysler 'yon, kaya napahito  ako sa pag lalakad at siya rin namang ikinahinto ni Joseph...

Tumingin ako kay Joseph pati kay Kysler na parehong naka hawak sa mag kabila 'kong kamay... Nagulat ako ng bigla akong hinila ni Joseph palapit sa kaniya pero nakawak pa din si Kysler sa isa 'kong kamay at mas lalong humigpit ang pag kakahawak niya sa kamay ko at saka rin ako hinila din ni Kysler palapit sa kanya pero nakahawak pa din ng mahigpit si Joseph sa kamay ko...

Paulit- ulit lang nila ako pinag hihilahan. Hindi sila nag sasalita pero nag tititigan naman sila ng masama -__-

Bakit ba palagi akong pinag hihilahan?!  Ano bang meron saakin?! Ako palagi ang kawawa sa kanilang dalawa eh!

"Geh lang, pag igihin nyo pa! Unti na lang talaga, at mahahati na talaga ako nito sa gitna -___-"
Sarcastic 'kong sabi sa kanilang dalawa

"Tiffany, sa'kin ka na lang. Hindi mo–"
Hinila na naman ako ni Joseph pabali sa kanya!
"Tiffany, baka nakakalimutan mo, may three months ka pa at hindi pa natatapos yung three months na 'yon."
I know...

"Anong three months?"
Naguguluhang tanong ni Kysler

Oo nga pala, hindi pa nga pala alam ni Kysler ang tungkol saamin ni Joseph at walang nakaka alam kahit isa...

"It doesn't matter."
Malamig na banggit ni Joseph

"Dimfrod."
Saka si Kysler ngumiti kay Joseph pagka bitaw ng katagang iyon.

Bakit parang may mali?

"Hindi ka pa rin pa pala nag babago..."
Dugtong pa nito.

Binitawan na ako ni Kysler sa kamay ko atsaka lumabas na ng rooftop. Pero bago 'yon, may sinabi saakin si Kysler
"Be careful, Tiffany."

Parang may pinapahiwatig si Kysler saakin, pero hindi ko alam kung ano yun.

Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon