Author's Note:
For better reading, please play Euphoria - By BTS Jungkook
Tiffany Kate's POV
Kasalukuyang andito pa din kami ni BJ sa basement. Naka-dukmo lang 'yong mukha ko sa tuhod ko habang pinapa-kalma ko ang aking sarili.
Time check: it's already 8:30 PM na
Itiningala ko 'yong mukha ko at saka tumingin kay BJ. Naka-takip pa din sa kanyang mukha 'yong libro -__-
Napa-isip ako, bakit siya nandito? Ang akala ko ba nasa office siya ng coach nila?
Naramdaman 'kong may tumulong tubig sa kamay ko. Hindi ko namalayan na naliligo na pala ako sa pawis ko. Ang init kasi!
Bigla akong nilamig nang maramdamang humangin ng malakas. 'Yong hangin ay nag mula sa maliit na bintana sa itaas.
"Natatakot na ako..."
Bulong ko sa sarili ko. Narinig 'kong parang may gumalaw, kaya inangat ko ulit 'yong mukha ko. Sakto naman at naramdaman 'kong may inilagay sa braso ko si BJ. Alam 'kong siya ang gumawa nito. Tingin ko coat niya 'yong nilagay niya sa braso ko.
"T-Thanks."
Mahinang sabi ko. Naramdaman ko din siyang tumabi sa akin, nagulat ako nang hawakan niya 'yong kamay ko. Tatanggalin ko na sana 'yong kamay niya pero bigla naman siya nag salita.
"Hayaan mo munang ganito ang posisyon natin."
Seriously?! Hinayaan ko na lang din siya.
Habang tumatagal, hindi ko namalayan na hindi ko na nararamdaman 'yong kaba at takot sa akin.
*dugdug dugdug dugdug*
Napatingin ako kay BJ na nasa tabi ko na hawak pa din ang aking kamay. Bakit lagi na lang umiiba ang tibok ng puso ko kapag siya ang kasama ko?
Gising pa ba siya or tulog na?
Haysss, talaga bang dito kami mag papalipas ng gabi? Wala bang tutulong saamin dito? Lowbat naman kasi 'yong phone ko, kaya hindi ako maka-tawag. Speaking of phone.
Bigla 'kong naisip na baka pwedeng 'yong phone muna ni BJ muna ang gamitin para maka-contact sa pwedeng maka-tulong saamin dito
"Uhhh... BJ-este Master Joseph, uhm... Gising ka ba?"
Tanong ko. Hindi ko kasi siya makita, kasi nga madilim.
"Oo. Kanina pa ako gising."
Ayyy.
"Uhhh... Pwedeng pahiram ng phone mo? Tatawag lang ako sa pwedeng maka-tulong sa atin, para maka-labas tayo dito."
Sabi ko.
"Lowbat phone ko."
Rinig 'kong sabi niya
What?! Pati yung phone niya, lowbat din?!
"Luh? Paano na tayo niyan?"
Alalang tanong ko
"Edi mapipilitang mag stay dito sa loob."
Walang ganang sambit niya
Haysss, kung may superpowers nga lang naman talaga ako edi dapat naka-labas na kaming dalawa dito sa loob. Eh kaso, wala.
Kumalas na si BJ sa pag kaka-hawak sa aking kamay. Mabuti kung ganon, kanina pa pinag papawisan 'yong kamay ko eh.
"Gusto mo ng chocolate?"
Rinig 'kong sabi niya.
"Hindi, ayoko."
Sagot ko.
"Are you sure?"
Rinig ko na naman na sabi niya na parang may halong pang-aasar pa.
"Oo nga"
Medyo iritang sagot ko
"Okay, sabi mo eh."
Rinig ko namang sabi niya. Hindi na ako nag salita pa ulit. Narinig 'kong parang may kinuha siya sa kanyang bulsa, narinig ko kasi 'yong balat ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]
Ficção AdolescenteTiffany Kate Folkerson is a simple teenage school girl, isang nerd, hilig niyang mag basa ng libro, matalino... Matalino, pero masasabi pa ba nating matalino siya pag dating sa LOVE? May dalawang tao na dadating sa buhay niya, pero ang tanong... Ka...
![Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/113169795-64-k616962.jpg)