CHAPTER 28: Sorry

142 19 1
                                    

Akiesha Nicole's POV

Nakita 'kong umalis na sina Joseph at Bessy. Alam ko naman ang dahilan kung bakit si Bessy napipilitan na sumama kay Joseph eh, dahil yun sa pagiging slave niya at alam ko na din na sa Castle House si Bessy at ang kaniyang kapatid na si Cohlyne ay dun pansamantalang nakatira. Utos iyon ng Kuya Matthew niya kay Joseph...

"Oh, diba? Halos wala ng time si Tiffany na 'yan para sa'tin! Puro na lang Joseph, Joseph!"
Reklamo ni Luis
"Luis!"
Suway ko sa kaniya

Tinitignan na kasi kami ng iba pa naming mga kaklase na hindi pa nauwi
"Tsk!"
Kinuha na ni Luis yung kaniyang bag at lumabas na ng classroom pero siyempre sumunod kami ni Anne sa kaniya

Okay lang ba kay Bessy kung sasabihin ko sa kanilang dalawa ni Luis at Anne ang totoo? Alam ko naman na maiintindihan naman nila Luis at Anne yun kapag sinabi ko sa kanila ang totoo.

"Uhm... Guys,"
Tumingin silang dalawa saakin
"Pwedeng tambay muna tayo sa café?"
May malapit na cafe kasi sa campus kaya naisip ko na baka pwede ko dun na lang sabihin sa kanila ang totoo, marami kasing makakarinig kapag dito kami sa campus eh.

"Uhm... Treat ko yung coffee. Ano, game?"
Nakita 'kong parehas ko sila napangiti. Sa wakas at nagawa 'kong pangitiin si Luis ulit

"Sabi mo eh."
Sabi ni Luis. Parehas kaming tatlo pumunta sa café na malapit lang dito sa campus. Umorder ako ng tatlong Americano na para sa aming tatlo.

"Oh, eto na yung coffee niyo."
Sabay lapag ko ng coffee sa table. Umupo ako sa tabi ni Anne at saka nag sip sa coffee ko.

Paano ko ba ito sisimulan? Tama ba yung naging desisyon ko na sabihin ko na sa kanilang dalawa ang totoo? Para akong biglang kinabahan eh. Pero tingin ko eto na talaga ang tama, kasi kapag hindi ko ito ginawa baka patuloy lang maniwala si Luis sa mga maling balita na kumakalat sa buong campus.

"Uhhh..."
Nakuha ko ang kanilang atensyon
"May kailangan kayong malaman... Uhm... Lalo ka na Luis..."
"Ano yun?"
Tanong ni Luis

Bumuntong hininga ako bago nag salita ulit
"Luis, may tanong muna ako sa'yo."
"Ano na naman yun?"
"Minsan ba, pumasok sa isip mo na kaya ginawa ni Bessy na mag lihim sa atin ay para hindi tayo mag-alala?"
Tanong ko

"Ano bang klaseng tanong 'yan?"
Iritang tanong ni Luis
"Luis, si Bessy ay ang pinaka ayaw niya na mangyari sa kaniyang buhay ay yung iwan siya at iwasan ng isa sa kaniyang mga kaibigan,"
"Oh, tapos?"
Mas lalo akong nainis kay Luis nang dahil sa kaniyang inaasta

"Luis, ano ba?! Gumising ka nga! Sa tingin mo ba, totoo lahat ng mga balita na kumakalat?! Tingin mo ba ang lahat ng 'yon ay kailangan na paniwalaan?!"
"Ano bang sinasabi mo ha?!"
"Si Bessy pati si Joseph Suerez na yun, ay hindi totoong may relasiyon sila!"

Pabulong na sabi ko. Kasi kapag ipinag sigawan ko ito, panigurado ay maraming makaka-rinig.

"Pa'no mo naman nasabi?"
Tanong ni Luis
"Sinabi saakin lahat ni Bessy, at napatunayan ko yun. Pinatunayan ko yun sa pag-oobserba sa kaniya. At napatunayan 'kong nag sasabi si Bessy ng totoo."
"Alam mo, Luis, hindi mo kasi muna hinayaan na makapag-explain si Bessy eh."
Dugtong ko pa

"Eh ano yung sinabi nung Joseph Suerez na yun na sila na daw?"
"Ginawa niya 'yon dahil para rin kay Bessy. Alam mo, nakita 'kong hindi naman talaga masama ang ugali ni Mr. Suerez eh. Pino-protektahan pa nga niya si Bessy eh."
Sabi ko

Nakita 'kong yumuko si Luis
"Ang bobo ko!"
Sabi niya habang naka-kuyom ang kaniyang kamao.
"Ang bobo ko, ang bobo ko!"
Sabi niya sa kaniyang sarili

Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon