Tiffany Kate's POV
"Sumusobra ka na–"
Aambahan na sana ni Max si Joseph ng isang malakas na suntok, pero agad 'kong hinarang 'yong sarili ko kay Joseph
"Max!"
Sigaw ko sa kanya
"Hindi ka ba nahihiya?"
Sabi ko pa sa kanya"Please, Tiffany. Tumabi ka diyan, hayaan mo akong gawin ko ito sa kanya. Ayokong nasasali ka sa gulo–"
"Kasali ako, Max..."
Putol ko sa kanya
"Anong ibig mong sabihin?"
Sabay-sabay na tanong ni Xyrus, Joseph at Max, habang si Mr. Francisco naman ay napa-kunot ng noo. Humarap ako kay Joseph at saka mapait na ngumiti sa kanya..."Joseph, natatandaan mo pa ba 'yong dapat na sasabihin ko sa'yo kahapon pero hindi natuloy?"
Tanong ko kay Joseph
"Oo, ano ba 'yong napanaginipan mo?"
Tanong niya pabalik saakin. Ibubuka ko pa lang sana 'yong bibig ko, pero bigla namang tumunog 'yong bell*dring dring dring*
Panira naman oh -___-
Walang nagawa 'yong ibang mga estudyante kundi umalis na at pumunta na ulit sa kani-kanilang mga classroom. Tanging kami na lang nina Xyrus, Max, Joseph, ako, at si Mr. Francisco na lang ang natira dito kasama 'yong isang babae dito na mukhang secretary ni Mr. Francisco.
"Joseph, Xyrus, at ikaw na babae, kahit hindi ko alam kung bakit ako nag ka-roon ng kasalanan sa'yo..."
Tukoy saakin ni Mr. Francisco
"Sorry sa mga nagawa 'kong pag kakamali ko sa inyong lahat..."
Sabi pa ni Mr. Francisco
"Mabubuhay ba ng 'sorry' mo 'yong mga magulang ko?!"
Singhal ni Joseph kay Mr. Francisco. Sinenyesan ni Mr. Francisco 'yong kaniyang secretary na iwan muna kaming lima, at sinunod din naman eto no'ng secretary niya."Look, Joseph. I'm really sorry, hindi ko talaga sinasadya 'yong nangyari noon. It's just..."
Saka si Mr. Francisco huminga ng malalim
"Napag utusan lang ako na gawin ko 'yong bagay na 'yon."
Dugtong pa ni Mr. Francisco.Tama nga 'yong sinasabi ni Mr. Francisco, dahil lahat ng mga nangyayari at sinasabi ni Mr. Francisco ay konektado sa napanaginipan ko...
"Mr. Francisco..."
Tawag ko sa pangalan ni Mr. Francisco Vergas, yumuko ako at saka huminga ng malalim
"Totoo bang ikaw ang nag kalas ng mga parte ng kotse na sinakyan noon nina Joseph?"
Saka ako tumingin kay Mr. Francisco, nahuli ko 'yong naging expression ng kaniyang mukha. Halata sa kaniyang mukha na sobra siyang na-gulat, at halos nag mukha ng kamatis 'yong kaniyang mukha dahil sa sobrang pula nito.
"H-Huh? H-Hindi ah!"
Tanggi ni Mr. FranciscoTalaga lang ba?
Joseph Dimfrod's POV
T-Teka... P-Paano ni Tiffany nalalaman ang lahat ng mga 'to?
"Kung hindi ikaw ang gumawa no'n... Familiar ka ba dito sa kotseng ito?"
Saka si Tiffany nag labas ng isang litrato mula sa kaniyang bulsa. Na-gulat ako nang makita ko na 'yong nasa litrato ay 'yong kotseng sinakyan namin noon no'ng nangyari ang aksidente.
"H-Hindi, m-masyado na akong matanda para matandaan ko pa lahat ng mga kotse sa Castle House noon."
Rinig 'kong sabi ni Mr. Francisco.Humarap saakin si Tiffany at saka ipinakita saakin 'yong litrato
"Joseph, familiar ka ba dito?"
Tanong saakin ni Tiffany
"Oo, ayan 'yong sinakyan namin nina Mom and Dad noon no'ng nangyari ang aksidente."
Sagot ko naman
"Natatandaan mo pa ba kung sino 'yong nag hatid nitong kotseng eto sa inyo noon?"
Tanong pa ulit ni Tiffany.
BINABASA MO ANG
Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]
Teen FictionTiffany Kate Folkerson is a simple teenage school girl, isang nerd, hilig niyang mag basa ng libro, matalino... Matalino, pero masasabi pa ba nating matalino siya pag dating sa LOVE? May dalawang tao na dadating sa buhay niya, pero ang tanong... Ka...