Tiffany Kate's POV
Ilang araw na ang nakaka-lipas at hanggang ngayon ay hindi ko pa din nakaka-limutan 'yong nangyari no'ng masquerade ball. 'Yong sabay na nag confessed saakin ng nararamdaman si Joseph at Max. 'Yong gabi na ipinaliwanag saakin ni Anne at Bessy ang totoong meaning ng nararamdaman ko, pero... Hanggang ngayon ay hindi ko pa din maintindihan ang gustong sabihin saakin ni Mr. Heart.
Hindi ko alam kung mahal ko nga ba talaga si Joseph or sadyang nag papaniwala lang ako sa mga sinabi nila Bessy at Anne. Kasi hanggang ngayon kasi ay gusto ko pa din si Max...
Simula no'ng nag confess si Joseph saakin, hindi na ako maka-kilos ng maayos sa tuwing kasama ko siya. Palagi akong nauutal at natataranta sa tuwing kinakausap niya ako. Palagi akong naiilang sa tuwing tinititigan niya ako. Para akong palaging nawawala sa sarili sa tuwing hinahawakan niya ang aking kamay.
Kaya minsan ay panay iwas na lang ang aking ginagawa. Actually, I'm not mad at him. I'm mad at myself! Because I can't understand what do I really feel at him!
Haysss, ano na kaya ang iniisip ni Joseph saakin?
Pag ka-bukas ni Anne ng sliding door ng classroom, sakto ay 'yong kaninang maingay na classroom ay nag transform bigla sa tahimik na classroom at lahat ng mga kaklase namin ay nakatingin saamin! 'Yong iba naman ay napansin 'kong pinag bubulungan kami!
Wala pang teacher...
Sanay na kami, kaya hindi na big deal ang mga ganitong eksena sa loob ng classroom saamin. Palagi naman kasing ganito ang nangyayari sa tuwing papasok kami. Mga parang palaging nakakita ng artista...
Wooo! Ang hangin!
Actually, 'yong dalawang nasa tabi ko lang naman talaga ang artista. Si Bessy at Anne.
Nakita 'kong nakadukmo lang 'yong mukha ni Max sa kaniyang table, habang si Joseph naman ay may naka-salpak na headset sa kaniyang teinga at nag babasa ng libro. At si Luis naman ay naka-titig lang kay Anne, kaya napa-tingin ako kay Anne at nahuli ko siyang biglang namula ang kaniyang mukha.
Nag lakad na kaming tatlo papunta hanggang sa aming upuan at saka umupo na.
Napakunot ako ng noo nang may nakita na naman akong sticky note na nakadikit sa aking table. Palagi na lang ako may nakikitang sticky note sa ibabaw ng table ko sa tuwing uupo ako dito. Kapag tinatanong ko naman sina Luis, Anne, at Bessy kung nakikita ba nila kung sino ang nag didikit nito sa ibabaw ng table ko, pero ang sinasabi nila ay hindi nila nakikita. Imposible naman na si Joseph or si Max ang nag didikit nito dito, dahil alam ko kung ano ang kanilang sulat-kamay.
Hindi ko naman matanong 'yong iba 'kong kaklase dahil palaging may mga sariling buhay ang bawat isa sa kanila. Kaya wala na akong ibang ginagawa kundi basahin at itago na lang ang mga sticky note na palagi 'kong nadadatnan sa drawer ng aking table.
"Good morning! ^___^"
Ayan 'yong nakasulat sa sticky note.
"Woah, may sticky note ka na naman na natanggap galing kay Mr. Unknown?"
Sabi ni Anne nang iniharap niya ang kaniyang sarili saakin, saka siya humalakhak nang mabasa ang nakasulat doon sa sticky note.Narinig 'kong mabilisan na sumipol si Bessy mula sa aking likuran.
"'Good morning' huh? Sino kaya 'yong taong nagsusulat niyan palagi sa'yo?"
Tanong ni Bessy saakin habang nakatingin doon sa sticky note na nakadikit sa aking table."Hindi ko nga alam eh."
Kibit balikat ko. Dumating na si Sir Aris kaya nag transformed na ulit 'yong ibang mga kaklase ko sa mala-anghel na mga estudyante ulit...
BINABASA MO ANG
Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]
Подростковая литератураTiffany Kate Folkerson is a simple teenage school girl, isang nerd, hilig niyang mag basa ng libro, matalino... Matalino, pero masasabi pa ba nating matalino siya pag dating sa LOVE? May dalawang tao na dadating sa buhay niya, pero ang tanong... Ka...