CHAPTER 26: Practice

124 19 1
                                    

Author's Note:

Hello guys!^^ Para sa mga readers na mahilig mag basa ng mga mahahabang story kada chapters, sorry kasi tingin ko eto yung may pinaka ma-ikling chapter sa lahat ng chapters na sinulat ko dito. Pero kahit maikli lang, maganda naman ;). Sa mga mahilig sa mga saglitang chapters lang... Uhm... Good luck na lang XD. Hope you guys like it!!! ^___^

Tiffany Kate's POV

Kasalukuyang andito kami ni BJ sa music room ng mansion na ito para mag practice para dun sa graded performance namin ni BJ sa Friday.

"Ano bang kanta ang kakantahin ko?"
Iritang tanong ko sa kanya
"Ano bang manganda?"
"Nag tanong ako tapos tanong din ang isasagot ng mokong."
Bulong ko sa sarili ko

"Ano sabi mo?"
Narinig niya?!
"Wala akong sinasabi."
"Hindi. May narinig ako, ano yun?"
"Wala nga! Bakit ba ang kulit mo?!"
"Okay."

Bumalik na lang ulit ako sa may sofa at umupo. Nilabas ko yung phone ko sa bulsa ko at nag salpak ng headset sa teinga ko. Mag hahanap ako ng magandang kanta.

"Hoy! Mag p-practice ka ba or tutunganga lang diyan?!"
Bigla na lang tinanggal sa teinga ko ni BJ yung headset ko -__-
"Hoy! Akin na nga 'yan!"
Sigaw ko sa kanya habang inaagaw sa kanya yung headset

"Ipagpapalit mo ito sa grade mo?"
Tanong niya
"Hindi mo naman kasi ako naiintindihan eh!... Bigay mo na kasi 'yan saakin!"
"Ano bang pinapakinggan mo dito?"
Sabi niya. Isinuot niya yung headset sa kanya kaya mas lalo akong nainis sa kanya

"Akin na–"
"Teka..."
Saka niya ako sinenyasan na tumigil muna. Wow ha, pati ako napapatigil niya na din -__-
"Woah! Anong title nito, slave?"
Tanong niya. Binuksan ko yung phone ko at tinignan kung anong music ang nag p-play

🎶Now Playing: Inside my heart is you- by Frencheska Farr

"Inside my heart–"
"Alam ko na pala 'to. Hindi ko lang natandaan kung ano ang title nito nung una, 'inside my heart is you' ang title diba? Tapos si Frencheska Farr ang kumanta diba?'
Alam na pala eh. Tumango na lang ako as an answer.

Tinanggal niya na yung headset sa kanya at ibinigay saakin
"'Yan ang gamitin natin na song."
"Geh."
Kinuha niya na ulit yung gitara niya at saka umupo sa upuan. Tumayo na din ako kasi baka pagalitan pa ako ng mokong.

Pumuwesto ako dun sa may mic. Ba't kailangan pa ng mic?

"Sing."
Utos niya. Pumikit ako at saka huminga ng malalim
"Oooh~"
Dumilat na ako.
"I'm nobody with no sense at all, pail as the mountain cold as the shore"

"Tried reminiscing alone imagining what if I come to you?"
"Stop."
Napa-kunot ako ng noo nang patigilin ako ni BJ sa pag kanta.
"Why?"
Tanong ko
"Lagyan mo ng kaunting emosyon."

Wow, director lang??

"I'm doing that."
"No, not like that... I-feel mo yung kanta."
Okay, I admit it. Hindi ako sanay na nakanta na may nakaka-rinig. Nakanta lang ako kapag mag-isa lang ako.

"Ginagawa ko din 'yun."
"Haysss, hindi ganun... Wait, uhm... Like this... Wait... Hmmm, try mo kayang mag palit muna tayo ng sitwasyon para makita mo kung ano ang dapat mong gawin?"
Saka niya ini-abot saakin yung gitara niya

"Wait... Hindi ako marunong mag ganyan nuh!"
"Turuan kita?"
"Huh?... Uhh... Wag na."
"Tsk! Dali na!"
"Ehhh! Ayoko nga! Hindi nga ako marunong mag tugtog ng gitara eh!"
Sabi ko

"Kaya nga tuturuan kita diba?"
"Eh! Ayoko, sayang lang sa oras. Diba nga sabi mo, 'Time Is Gold'?"
Sabat ko sa kanya
"Oo nga, pero..."
"Pero ano?"
Wait, wait, wait... Alam ko na ang sasabihin nito kasunod...

"Mag gi-gitara ka... That's an order from your master, slave."
See? Tama ako. Ayan na naman ang sasabihin niya -__-

No choice ako siyempre. May three months agreement kami eh.
"YES.MAS.TER."
Sabi ko, saka ko kinuha yung gitara niya.

Nagulat ako dahil bigla niya akong hinigit papunta sa kanya at saka ini-upo sa tabi niya
"BAKIT BA ANG HILIG MONG MANG-HIGIT NG TAO?!"
"Shhh, stay focus!"
Aba! Paano ako makaka-pag-focus nito kung... Kung... Kung naiilang ako?

Hinawakan niya yung kaliwang kamay ko at saka ipinuwesto yung mga daliri ko dun sa mga string ng gitara at yung kanang kamay ko naman ay ini-strum niya sa string

Okay, I'll stay focus.

"Ayan yung 'G', dapat ganyan yung posisyon ng mga daliri mo pag 'G'"
Sabi niya habang tinuturo kung saan dapat naka-lagay yung mga daliri ko.
"Eto naman yung 'E'"
Saka niya binago yung posisiyon ng mga daliri ko sa kabilang string. Ang bilis lang pala?

*after 5 hours*

Mabilis ko lang nasa-ulo yung mga keys na sinabi saakin ni BJ. Mabilis 'kong na-memorize kung saan dapat naka-lagay yung mga daliri ko. In short, marunong na ako!^^

"Oh, marunong ka na. Ngayon, pwede na tayong mag palit muna ng sitwasyon?"
Masiglang tumango ako. Hehehe, na-e-enjoy ko yung pag gigitara.
"One, two, three..."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon