Kysler Joseph's POV
"Oh, Joseph! Ano ba yan?! Palpak ka na naman! Ano bang nangyayari sa'yo?! Bakit ka ba nag kaka-ganyan?! Hindi ka naman ganyan dati ah?! Tandaan mo, Joseph, may laban tayong kakaharapin. Kaya ayusin mo!"
"Opo, coach."Ipinag-patuloy ko na lang ulit yung practice namin sa basketball. Kainis! Hindi ako makapag-concentrate sa tuwing naalala ko si Tiffany pati yung Suerez na yun!
Bakit napasagot kaagad nung Suerez na yun si Tiffany?! Samantalang ako, ang tagal-tagal ko nang nanliligaw sa kanya pero hindi pa din niya ako sinasagot! Tapos ngayon, malalaman ko na sila na pala?! Ang galing ha?!
Inilusot ko sa ring yung bola kasabay ng pagbaba ko sa sahig.
"'Yon ang sinasabi ko! Ganyan yung sinasabi ko Joseph. Great job."
Sabay pat sa balikat ko ni Coach Clarence. Ngumiti na lang ako
"Excuse me."
Sabi ko saka ako umalis dito sa basketball court ng campus.Nag tungo ako sa dorm at saka nag hubad ng T-shirt ko.
"Ey! Pare, nice shoot yun ah!"
Sabi ni Josh na kararating lang. Ka-team ko.
"Pero... P're, anong nangyayari sa'yo kanina habang nag pa-practice kanina? Para ka kasing wala sa sarili mo eh."
Sabi naman ni Nash na kararating lang din dito sa dorm, ka-team ko din siya."Wala."
Tipid 'kong sagot habang hawak yung T-Shirt ko na hinubad ko kanina
"Wala? Sa ganyang aura ng mukha, wala talaga?"
"Wala nga."
Medyo naiirita na ako dahil ang kulit niya. Sinabi ko na ngang wala eh, nangungulit pa."Weh?... Si Tiffany na naman ba?"
Natigilan ako nang marinig yung pangalan na 'yon.
"Sinasabi na nga ba. Si Tiffany pa din 'to eh. P're, ano ba? Gumising ka nga! Hindi ikaw ang mahal niya, okay? Nakikita mo naman na si–"
"Pwede bang tumigil ka na?! Hindi ka nakatutulong eh! Manahimik ka na lang kung ayaw mong lumapat sa pisngi mo yung kamao ko."
Sabi ko. Tumayo na ako at saka binuksan yung locker ko at kinuha dun sa loob yung isa ko pang T-Shirt. Sinuot ko na iyon at saka umalis na dun sa dorm.Umalis na ako doon dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa mga kasama ko don. Nakaka-irita na sila eh.
Anne Ramirez's POV
"Luis!"
Hinahabol ko si Luis
"Hoy, Luis ano ba?!"
Halos kumaripas na ako dito ng takbo dahil sa sobrang bilis niyang mag lakad. Bakit ba ganun ang mga lalaki? Ang bibilis palagi nilang maglakad? Para silang si Flash yung nasa Avengers.Sa sobrang inis ko kay Luis, ibinato ko sa kanya yung sapatos ko. At sakto, sapul sa ulo. BOOYA!
Tumigil siya sa pag lalakad at pinulot yung sapatos 'kong ibinato sa kanya. Lumapit siya sa akin at saka lumuhod sa harapan ko at itinaas ng bahadya ang aking kaliwang paa at isinuot doon yung sapatos ko.
Tumayo na ulit siya, at aktong aalis na sana siya pero pinigilan ko na siya.
"Bakit ba hindi mo muna hinayaang makapag- paliwanag yung kaibigan natin?!"
Sigaw ko kay Luis. Humarap siya saakin nang pagka- sabi ko nun
"Kaibigan? Sa tingin mo kaibigan natin siya?"Nabitawan ko siya sa braso nang marinig iyon sa kanya. Anong sinasabi niya?! Hindi ko napigilan yung sarili ko na sampalin siya sa mukha
"Para sa'n 'yon?!"
Sigaw niya
"Luis, kaibigan natin si Tiffany! Paano mo 'yang mga bagay na 'yan nasasabi sa kanya?!"
Hindi ako makapaniwala na nasasabi iyon ni Luis kay Tiffany.Alam 'kong may rason si Tiffany kung bakit hindi niya kaagad nasabi sa amin yung tungkol sa relasyon nila ni Joseph.
"Sige nga Anne, sabihin mo, bakit ni Tiffany nagawa yun saatin?"
"Siguro may rason siya!"
"Rason?"
Saka siya humalakhak kaya medyo natakot ako sa kanya.
"Bakit? Andito naman tayong mga kaibigan niya diba? Kaya naman nating itago na lang sa iba yung sikreto niya diba? Bakit Anne, masyado bang mababaw ang tingin niya saatin? Bakit hindi niya tayo pinag kakatiwalaan?"
"Luis naman, dapat hinayaan mo munang ipaliwanag ni Tiffany yung side niya."
Sabi ko
BINABASA MO ANG
Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]
Ficção AdolescenteTiffany Kate Folkerson is a simple teenage school girl, isang nerd, hilig niyang mag basa ng libro, matalino... Matalino, pero masasabi pa ba nating matalino siya pag dating sa LOVE? May dalawang tao na dadating sa buhay niya, pero ang tanong... Ka...