Author's Note:
For better reading, please play You Raise Me Up - By Josh Groban
Tiffany Kate's POV
Nabuhayan sila ng loob nang sabihin ko iyon sa kanya. "So, sino 'yong napili mo?" tanong nila saakin. Ngumiti ako at saka hinawakan ko 'yong aking dibdib.
*dugdug dugdug dugdug*
Naiintindihan ko na si Mr. Heart. "Naintindihan ko na 'yong sinasabi ng puso ko. Kilala ko na kung sino 'yong tinitibok ng puso ko..." "SINO NGA 'YON?! Si Max o si Joseh?" halatang atat na sila sa isasagot ko
"Si... Si Joseph 'yong napili ko."
"KYAAA! Oh my gosh!" nagulat ako sa biglaang pagtili nilang dalawa ni Anne, habang si Luis naman ay ngiting aso.
"Sinasabi ko na nga ba't balang araw ay maiintindihan mo din 'yong sinasabi ng puso mo eh." sabi ni Anne "we know that you love Joseph from the start. Masyado kayang halata 'yong feelings mo para sa kanya. Haysss, kung sino pa 'yong nakakaramdam, siya pa 'yong huling nakakaalam... Actually, hindi mo lang talaga pinakikinggan 'yong puso mo." sabi rin ni Bessy. Siguro nga.
"But we're glad you believe in what your heart is saying. You believe in what you feel inside." saka ni Luis tinuro 'yong puso ko. Napangiti ako.
"Teka lang... Tiff, what time nga ba ulit 'yong flight ni Joseph to Japan?" biglang tanong ni Anne. Bigla 'kong naalala na 9:30 AM nga pala 'yong flight niya!
Napatingin ako sa wristwatch ko at nagulat ako nang makita 'kong 8:00 AM na!
"9:30 AM 'yong flight niya ngayon, pero ang alam ko ay nasa principal's office pa lang siya ngayon at pinipirmahan na 'yong mga papeles niya para makapagtransfer na siya sa Japan." sagot ko sa tanong ni Anne.
"Oh, ano pa'ng hinihintay natin? Tara na sa principal's office! 'Wag nating hayaan na maka-alis siya ng bansa. Kailangan na nating ipaalam sa kanya 'yong nararamdaman mo, Tiffany!" sabi niya, sabay tayo naming lahat. Kinuha na namin 'yong aming mga bag at saka na lumabas na ng classroom kaagad.
Kailangan namin mapigilan si Joseph sa pag alis niya sa bansa. Kailangan namin mahabol siya, before it's too late. Kailangan niyang malaman na siya ang pinili ko. Kailangan niyang malaman na mahal ko siya.
Agad kaming nakarating sa principal's office, at dahil sa sobrang pagmamadali nila Anne na maka-usap si Joseph sa loob ay nakalimutan nilang kumatok sa pintuan.
"JOSEPH! KAILANGAN NATING MAG-USAP!" sigaw ni Anne, pero natigilan kaming lahat nang walang Joseph kaming nakita dito sa loob at tanging si sir Erwin lang ang naandito.
Nahuli na ata kami ng dating.
"Ah, sorry po sir Erwin." pagpapaunmanhin nila Bessy. "No, it's okay... Uhm, may kailangan ba kayo?" tanong ni sir Erwin.
"Uhm, opo, eh. Si Joseph Dimfrod Suerez po ba? Dumating na po ba siya dito? Napirmahan niya na po ba 'yong mga papeles niya para makapag-transfer siya sa ibang school sa Japan?" sunod-sunod na tanong nila Luis.
"Ah, oo. Napirmahan niya na lahat ng mga 'yon. Confirmed na din kaagad ang lahat, sa Japan na siya mag-aaral. At balita ko ay doon na din siya magtatapos ng pag-aaral niya." halos mabingi ako dahil sa sinabi ni sir Erwin. Napaluhod na lang ako ng hindi ko inaasahan.
Ang daya niya.Hindi man lang niya muna ako pinuntahan dito at sinabing aalis na siya. Ang daya niya. Umalis na lang siya ng basta-basta nang hindi nag papaalam. Ang daya niya. Iiwan niya na lang ako dito ng mag-isa. Ang daya niya. Wala man lang siyang sinabi saakin na doon na pala siya magtatapos ng kaniyang pag-aaral. Ang daya-daya niya talaga! Sobrang daya niya!
BINABASA MO ANG
Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]
TienerfictieTiffany Kate Folkerson is a simple teenage school girl, isang nerd, hilig niyang mag basa ng libro, matalino... Matalino, pero masasabi pa ba nating matalino siya pag dating sa LOVE? May dalawang tao na dadating sa buhay niya, pero ang tanong... Ka...