Tiffany Kate's POV
Isang araw na ang nakaka-lipas simula no'ng birthday ko at 'yong araw na 'yon ay 'yon yung nag ka-ayos na kami ni BJ, at 'yon 'yong na-patawad ko na ng tuluyan si Trixy.
Bumalik na ulit si Trixy sa kaniyang pag-aaral, at buti ay pinayagan ulit siya ng kaniyang teacher na bumalik ulit si Trixy sa kanyang pag aaral.
*dring dring dring*
Uwian na...
Lumapit saakin si Bessy at si Anne matapos 'kong ayusin lahat ng aking mga gamit...
"Tiffany..."
Tawag ni Anne sa aking pangalan
"Hmmm?"
"Hindi kasi kami makaka-sabay sa inyo ngayon ni Joseph sa pag uwi, kasi tinawagan kami ulit no'ng director namin. Bawal daw kasi kaming hindi pumunta do'n, kailangan na pumunta talaga kami, sorry talaga Bessy :("
Sabi naman ni Bessy
"No, it's okay. I understand naman."
Sabi ko naman sa kanila.
"Salamat sa pag intindi mo saamin, Tiffany."
Sabi ni Anne. Niyakap nila akong pareho, at saka mabilis din naman sila kumalas saaakin.
Tumingin silang dalawa kay Luis na relax lang na naka-upo sa kanyang upuan sa tapat ng upuan ni BJ. Nag thumbs up lang si Luis kay Bessy at Nicole
"Sige, alis na kami. See you tomorrow na lang ulit."
Sabi ni Anne at Bessy at saka na sila umalis na ng tuluyan.
Si Joseph ay umalis muna saglit dahil daw may pupuntahan lang, pero babalik din siya kaagad at sabi niya saakin ay mag-stay muna daw ako dito sa room hangga't hindi pa daw siya nakaka-balik...
"Tiffany..."
Napa-lingon ako sa aking likod nang marining ang boses ni MK.
"Uhm... Sorry kung hindi kita masasamahan ngayon, may importateng bagay kasi akong kailangang asikasuhin ngayon."
Paliwanag saakin ni MK
"Oo na, sige na, lumayas ka na at wag ka ng babalik pa."
Rinig 'kong singit ni Luis, kaya na-inis ako
"Luis!... Hindi ikaw ang kina-kausap, okay?!"
Suway ko kay Luis. Humalukipkip lang si Luis matapos ko siyang suwayin. Tumingin ako kay MK at saka siya nginitian
"Sige na MK, naiintindihan naman kita."
Sabi ko kay MK
"Sige, alis na ako. Ingat ka."
Saka ako tinap ni MK sa balikat ko at saka na siya umalis na ng classroom ng tuluyan.
Halos kaming dalawa na lang ni Luis ang na-tira dito sa loob ng classroom, dahil 'yong iba ay naka-alis na.
*kring kring kring*
Kinuha ni Luis 'yong kanyang phone sa kanyang bulsa dahil may tumatawag...
"Hello?... Oh?..."
Na-kita ko siyang kumunot 'yong kaniyang noo kaya na-curious ako
"ANO?!..."
Medyo na-gulat ako nang biglang napa-sigaw si Luis... May nangyari na naman ba?
"Ma naman, kita mo naman na ayaw 'kong–"
Natigilan si Luis, at saka naman nag poker face
"Fine, whatever."
Pabalang na sagot ni Luis at saka niya na in-end 'yong call.
"Ano daw 'yon?"
Tanong ko sa kanya
"Pinapa-punta ako ng mama ko sa aming family reunion, pero ayaw ko naman. Kaso sabi ni mama na kapag hindi daw ako sumama sa aming family reunion, hindi niya daw ako bibilhan ng iPhone T^T"
Spoiled talaga siya sa mga magulang niya, bunso eh. Kaya wag ng mag taka.
"Pumayag na akong sumama sa aming family reunion para mag karoon na ako ng bagong iPhone."
Dugtong pa ni Luis
"Sige na, pumunta ka na sa family reunion niyo."
Sabi ko kay Luis
"Eh paano kung may mangyari na naman sa'yong hindi maganda?"
Alalang tanong niya saakin
"Wala 'yan, at hindi ko hahayaan na mangyari iyon saakin noh."
Sabi ko naman sa kanya
"Uhm... Okay... Wag 'kang aalis dito hangga't hindi pa na-balik si Joseph ha?"
Paalala niya saakin
"Yes po Sir Luis."
Sabi ko sa kanya. Tinap niya lang ako ng dalawang beses sa braso ko at saka na siya umalis na ng tuluyan.
BINABASA MO ANG
Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]
Teen FictionTiffany Kate Folkerson is a simple teenage school girl, isang nerd, hilig niyang mag basa ng libro, matalino... Matalino, pero masasabi pa ba nating matalino siya pag dating sa LOVE? May dalawang tao na dadating sa buhay niya, pero ang tanong... Ka...
![Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/113169795-64-k616962.jpg)