Tiffany Kate's POV
Kasalukuyang andito ako ngayon sa loob ng aking kwarto at naka-upo sa aking kama, habang tinititigan ang mga make-up na pinag kukuha nina Anne at Bessy kahapon sa mall, naka-latag lang ang mga ito sa aking harapan.
Hindi ko alam kung paano ito gagamitin, hindi ko din alam kung paano ito ilalagay sa aking mukha. Dahil ni minsan ay hindi ko naranasan na make-up-an simula no'ng nawala sina Mommy, siguro 'yong huli 'kong naransan na make-up-an ako ni Mommy ay 'yong nag graduate ako noon ng Kinder.
Hanggang pulbo lang sa mukha ang palaging routine ng aking ginagawa sa aking mukha, at unting pabango lang. Sapat na 'yon para saakin. Pero ngayon na aattend ako sa isang ball, hindi ko alam kung ano na ang aking gagawin upang maka-pag lagay ng make-up sa mukha ko dahil hindi nga ako marunong gumamit nga nito.
Naalala ko, pupunta nga pala dito sa mansion 'yong mga kaibigan ko. Nasaan na ba sila?
6:00 PM ang start mamaya ng ball, at ngayon ay 3:00 PM na ng hapon. May three hours pa ako para maka-pag ready.
Kinuha ko 'yong phone ko sa aking tabi. Aktong pipindutin ko na sana 'yong call sa aking phone upang tawagan sina Bessy at Anne, pero bigla naman may kumatok sa aking pintuan ng kwarto ko kaya hindi ko ito napindot.
*knok knok knok*
Ang unang taong pumasok sa utak ko ay baka si Cohlyne 'yong kumakatok, pero nang ibubuka ko na sana 'yong aking bibig, bigla naman may nag salita
"Bessy! We're here na!"
Excited na tono ni Bessy. Agad ko silang pina-pasok
"Ah, sige. Pasok kayo."
Sabi ko, saka naman nag bukas 'yong kwarto ko at iniluwal nito sina Bessy, Anne at Luis na may mga bitbiting mga gamit at si Luis naman ay ang may pinaka maraming mga bitbitin.Andito na sila!
Sa wakas ay dumating na din 'yong kanina ko pang hinihintay.
Tumingin saakin si Luis at saka malapad na ngumiti at kumaway. Ngumiti ako sa kanya at saka kumaway din.
"Sige na, salamat sa pag tulong mo sa pag bitbit ng mga ito dito. Pero pasensya na, kasi no boys allowed muna dito, only girls muna ang allowed dito sa kwarto ni Tiffany..."
Sabi ni Anne kay Luis. Ngumuso si Luis at saka humalukipkip, na ani mo'y na-badtrip."Kasama mo naman si Joseph sa baba, kaya doon ka na. Chupi!"
Saka na ni Anne itinulak palabas ng kwarto ko si Luis at saka siya pinag saraduhan ng pinto ni Anne."Mabuti at mga naka-rating na kayo dito..."
Sabi ko. Lumapit si Anne at Bessy saakin na dala 'yong mga bitbitin nila, tumayo ako upang tulungan sila sa pag bitbit ng mga 'yon. Ipinatong namin ang lahat ng 'yon sa sofa na nasa kwarto ko"Ah, Tiffany, dala na nga pala namin 'yong gown mo."
Sabi ni Anne saakin, sabay kuha no'ng isang malaking box na pahaba. Ibinigay niya ito saakin at saka ko naman ito kinuha sa kanya
"Thank you."
Masayang sambit ko, saka ko binuksan 'yong box. Nakita ko naman na nasa loob 'yong gown ko, may kasama na din ito na masquerade mask sa loob ng box. Katerno siya ng design sa aking gown, kulay gold ito at may mga glitters din sa gilid ng mask na 'to.Nakita 'kong tumakbo si Bessy papunta hanggang sa aking kama at saka pinag kukuha 'yong mga make-up na naka-latag doon sa aking kama
"Bessy! Anne! Tara na!"
Saka ni Bessy kami kinawayan at sinenyasan na pumunta na kami ni Anne kung nasaan si Bessy ngayon.Inilapag ko muna ulit sa sofa 'yong box na hawak ko at saka kami pareho ni Anne lumapit kay Bessy na ngayon ay naka-upo na sa aking higaan at saka pinag tata-tanggal na isa-isa 'yong mga make-up na naka-kahon pa.
Nagulat ako nang bigla akong ini-upo ni Anne sa aking kama at saka rin naman si Anne umupo sa aking kama. Malaki naman 'yong kama ko, kaya kasya dito ang tatlo.
BINABASA MO ANG
Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]
Teen FictionTiffany Kate Folkerson is a simple teenage school girl, isang nerd, hilig niyang mag basa ng libro, matalino... Matalino, pero masasabi pa ba nating matalino siya pag dating sa LOVE? May dalawang tao na dadating sa buhay niya, pero ang tanong... Ka...