Akiesha Nicole's POV
*knok knok knok*
Agad akong pumunta sa front door ng bahay namin. Baka kasi sina Mama at Papa na 'to.
Pag bukas ko ng pintuan, na-gulat ako nang makita si Bessy dito sa bahay namin! At mukhang... Nag inom pa ng alak! Amoy alak kasi ngayon si Bessy at mahahalata mo naman iyon sa kaniyang kinikilos ngayon.
"Bessy! Uminom ka ba?!"
Tanong ko sa kanya
"Hindi naman, unti lang 'yon."
Sagot naman ni Bessy. Aish! May problema ba ngayon si Bessy? Hindi naman kasi siya ganito eh. Hindi niya habit ang pag inom ng alak noh! Aish! Ano bang nangyari sa kanya ngayon?"Bessy, may problema ka ba?"
Tanong ko sa kanya
"W-Wala ah."
Sagot naman niya. Aish! Hindi naman si Bessy mag kaka-ganito kung wala naman talagang nangyari sa kanya eh! Kilala ko si Bessy, at alam ko kung may problema ba siya 'o wala. Kaya ngayon, alam 'kong may tinatago siyang problema"Bessy, may problema ka. Ano ba 'yon? Kung itinatago mo 'yon, kaya ko naman itago din 'yon sa iba eh."
Sabi ko sa kanya
"Wala nga sabi! Bakit ba ang kulit mo?!"
Singhal naman niya. Hindi ako na-saktan ng dahil sa ginawa ni Bessy saakin, kasi alam 'kong lasing lang talaga si Bessy."Teka... Bakit ka nga pala na-padaan dito, Bessy?"
Tanong ko sa kanya. Bakit nga ba si Bessy andito sa bahay namin ng ganitong oras? Diba dapat nasa Castle House na siya ni Joseph ngayon?
"Kasi..."
"Kasi?"
Na-gulat ako nang biglang tumumba sa akin si Bessy, pero buti na-salo ko kaagad siya. Haysss, naka-tulog na ng tuluyan.Ano bang nangyari kay Bessy? Bakit siya nag lasing ng husto? Hindi naman siya nag iinom dati kapag may problema siya eh. Dati pa nga kapag may problema siya nag babasa lang siya ng Bible tapos sasamahan niya ng prayer. Kasi nawawala 'yong alinlangan niya kapag ginagawa niya 'yon, kasi simula pa lang no'ng bata pa lang sila ay tinuturuan na sila ng kanilang mga magulang na ipag ka-tiwala lang sa Diyos ang lahat ng mga kanilang magiging problema...
Pero ngayon... Ano na nangyari???
Wala na akong na-gawa kundi bitbitin si Bessy hanggang sa kwarto ko. Inihiga ko si Bessy sa aking higaan at saka ko siya kinumotan. Ang bigat pala ni Bessy, ngayon ko lang na-realize.
Bumuntong-hininga ako at saka umupo sa tabi ni Bessy. Gaano ba ka-laki ang problema ni Bessy at humantong pa talaga sa ganitong sitwasyon? Teka... Wag mong sabihin na... Uminom lang ba si Bessy ng mag isa? Wala siyang kasama?
Wait... Asaan si Joseph no'ng nangyari 'to?
Wait... Don't tell me na... NAG AWAY BA SILA?!
"Mommy, Daddy..."
Napa-tingin ako kay Bessy nang ma-rinig ko siyang nag salita.
"S-Sorry po..."
Na-gulat ako nang ma-kitang lumuluha si Bessy ngayon.
"Mommy... Daddy..."
Nag taka ako bigla nang ma-kitang pinag papawisan si Bessy ngayon, eh naka-high volume na nga 'yong aircon.ANO BA KASI TALAGA ANG NANGYAYARI NGAYON KAY BESSY?!
Hindi na nag salita pa si Bessy pag ka-sabi niya no'ng huli niyang sinabi... Sobra akong naaawa kay Bessy, hanggang ngayon kasi napa-panaginipan pa niya 'yong kaniyang mga magulang. Well, if I'm in Bessy's situation right now, I know I will feel the same. Kasi masakit talaga ang mawalan ka ng mga magulang noh.
Tinitigan ko ulit si Bessy, at na-kita ko siyang lumuluha pa din kahit naka-pikit na.
Teka... Alam ba ni Joseph na lasing si Bessy ngayon?
BINABASA MO ANG
Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]
Teen FictionTiffany Kate Folkerson is a simple teenage school girl, isang nerd, hilig niyang mag basa ng libro, matalino... Matalino, pero masasabi pa ba nating matalino siya pag dating sa LOVE? May dalawang tao na dadating sa buhay niya, pero ang tanong... Ka...