Carlo Luis' POV
Tumigil ako sa pag takbo nang makarating na ako dito sa tapat ng auditorium. Hinabol ko muna ang aking hininga dahil sa bilis ng aking takbo kanina.
"Hoy, Luis!"
*POK*
"Aray!"
Napatingin ako kay Anne nang batukan niya ako
"Sabi ko, hintayin mo kami ni Nicole!"
Aktong babatukan ulit ako ni Anne, pero agad ko siyang pinigilan
"Sige, batukan mo ulit ako. Kundi makakatikim ka ulit ng halik ko."
Banta ko sa kaniya. Nakita 'kong bigla siyang namula kaya medyo natawa ako.
She look so cute.
"B-Baliw!"
Sabi niya, saka pa siya nag iwas ng tingin saakin sabay agaw ng kaniyang kamay saakin.
"Guys, mamaya na muna 'yan. Puntahan muna natin si Bessy sa loob."
Rinig 'kong sabi ni Nicole
"Mabuti pa nga."
Pag sang-ayon ko. Mabilis kaming nag tungo sa loob no'n, pero pagkabukas ko ng pinto ay hindi ko nakita si Tiffany at tanging si Max lang ang naandito sa loob.
Fudge! Nahuli kami ng dating!
Tumakbo muna ako doon sa may camera at pinatay ito at hinarap si Max na tulala lang sa isang sulok. Nag balik lang siya sa huwisiyo nang sinigawan ko siya ng sobrang lakas.
"Asaan si Tiffany?"
Tanong ko kaagad kay Max
"Umalis na siya. Kakaalis lang niya."
Saka niya itinuro 'yong direksiyon papunta sa may pintuan. Hindi na ulit kami nag salita at lumabas na kami dito sa loob at saka mabilis na hinanap si Tiffany.
Kailangan namin mahanap kaagad si Tiffany!
Tiffany Kate's POV
Habang natakbo ako palabas ng building upang sundan si Joseph, may nakita akong isang batalyon ng babae at lalaki na nakaharang sa daan.
Kumunot ang aking noo nang mamukhaan ko 'yong isang babae na nakatayo sa gitna ng batalyon ng mga babae at lalaki. Nang mas nakalapit ako sa kanila, saka ko lang napag kumpirma ang lahat. Kilala ko nga ito.
Trixy...
Ngumisi siya saakin habang naka pameywang pa, kaya mas nairita lang ako.
Aish! Bakit ba sila nakaharang sa daan?! Anong karapatan nilang humarang sa daan?! Kainis! Kung kelan ako nag mamadali, saka naman may sumasagabal! Kailangan 'kong mahabol si Joseph!
"Hi, baby bird."
Ngisi ni Trixy saakin. Dahil sa sobrang pagka-inis ko, hindi ko naiwasan ang sarili ko na umirap. Nakita ko kung paano nag igting ang kaniyang panga dahil sa aking ginawa.
"What do you want, Trixy? Alam ko na ang lahat. Plastik ka!"
Sigaw ko sa kaniya. Tumawa siya at tumingin pa sa kaniyang mga kasama na nasa kaniyang likuran lang.
"Oh, really? That's good!"
Sabi niya saka pa siya pumalakpak
"And so what?"
Dugtong niya pa, pero bigla naman napalitan 'yong kaniyang ngisi sa isang matalim na titig.
"Akala ko, totoong nag bago ka na. Naniwala ako sa'yo, dahil nag sorry ka saakin! Napaka plastik mo!"
Sabi ko sa kaniya. Napahalakhak siya ng sobrang lakas dahil sa aking sinabi, pati 'yong kaniyang mga kasamahan ay humalakhak din. Napakuyom ako ng kamao dahil sa inis.
"At naniwala ka naman?"
Saka niya ako tinaasan ng kilay habang nakangisi pa siya sa'kin
"'Yan kasi ang hirap sa'yo. Mabilis 'kang maniwala sa isang tao, isa 'kang uto-uto. Hindi porket nag sorry ako sa'yo ay sincere ako sa sinabi ko..."
Dugtong pa niya. Mas lalo lang namumuo ang galit sa aking puso ngayon.
BINABASA MO ANG
Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]
Teen FictionTiffany Kate Folkerson is a simple teenage school girl, isang nerd, hilig niyang mag basa ng libro, matalino... Matalino, pero masasabi pa ba nating matalino siya pag dating sa LOVE? May dalawang tao na dadating sa buhay niya, pero ang tanong... Ka...
![Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/113169795-64-k616962.jpg)