Joseph Dimfrod's POV
"Cohlyne, nakita mo ba Ate Kate mo?"
Tanong ko kay Cohlyne na nakain na dito sa dining room
"Hindi po, bakit po?"
"Hindi ko kasi siya makita simula nung kanina pa eh. Wala din siya sa kwarto niya, nag-aalala na kasi ako eh."Tumayo si Cohlyne at pinunasan ang gilid ng kanyang labi
"May CCTV naman po diba dito?"
Tanong ni Cohlyne
"Oo, halos palibot itong mansion ng CCTV."
"Tignan po natin kaya dun?"
"Sige."Parehas kami ni Cohlyne pumunta dun sa kwarto kung saan nakalagay yung mga monitor. Pinanuod namin ni Cohlyne yung mga nangyari simula kanina.
Napakunot ako ng noo nang makitang umalis na agad si Tiffany nang naka uniform. 4:30 AM siya umalis dito sa mansion.
"Bakit ang aga ni Ate Kate pumasok?"
Tanong ni Cohlyne
"Hindi ko din alam eh."
6:30 AM na, at 30 minutes na lang at klase na namin.Natapos kami kanina ni Tiffany sa laro namin kanina ay 3:30 AM, so it means ay halos wala pang tulog si Tiffany.
"Uhhh, Cohlyne, tara pasok na tayo."
"Okay po."
Parehas na kami ni Cohlyne lumabas dito sa loob at mag madaling pumunta sa labas ng mansion.Kinuha ko yung remote sa bulsa ko at saka ko pinindot yung red button at agad namang lumapit yung kotse ko. Agad na pumasok kami sa kotse at saka ko ito pinaandar ng mabilis.
"Kuya Pogi, bakit po ba kayo masyadong nag mamadali?"
Tanong ni Cohlyne habang nag mamaneho ako ng mabilis
"H-Huh? Uhh..."
Oo nga, bakit ba ako nag mamadali? Pwede naman akong late pumasok sa klase namin?"Ano kasi..."
Tiffany
"Baka ma-late ka kaya ako nag mamadali."
"Uhm, ganun po ba?"
"Oo."
"Ahhh."Nang makarating na kami sa campus, agad 'kong ipinarada sa parking lot ng campus yung kotse ko. Agad akong lumabas ng kotse at tumakbo na papunta sa building namin, hindi ko na nga napansin si Cohlyne eh pero sana maintindihan niya ako kung bakit ko yun nagawa.
Nang makarating na ako sa tapat ng pintuan ng classroom namin, bigla akong kinabahan.
Natatakot ako na baka kung anong nangyari na sa kanya, lalo na ngayon at delikado na mag-isa lang siya kapag andito sa campus. Maraming may galit sa kanyang mga babae. Kasalanan ko 'to eh, mas lalo ko pang pinalala ang sitwasyon. Pero... Para rin naman sa kanya yung ginawa ko, para layuan na siya nung ibang mga babae.
Huminga ako ng malalim at saka binuksan yung doorknob nung pinto ng classroom namin.
Nang makapasok ako, biglang tumahimik ang paligid. Nakahinga ako ng maluwag nang makita si Tiffany sa kanyang table. Pero naka-dukmo lang ang kanyang mukha sa kanyang desk, panigurado inaantok pa din 'to.
Wala pa yung adviser namin kaya hindi pa ako nito late. Nag lakad ako papunta sa table ko, at alam 'kong parang lahat ng mga kaklase namin ay naka-tingin saakin.
Hindi ko na inabala na pansinin si Tiffany dahil alam 'kong puyat ito at ngayon ay nag papahinga.
Bumukas yung pinto ng classroom at iniluwal nito ang aming adviser na si Sir Aris
Bumangon na din itong si Tiffany. Sabay-sabay kaming tumayo at binati si Sir Aris. Pinaupo niya na din kami kaya sumunod kami sa pinautos niya.
Ipinatong ni Sir yung mga gamit niyang dala sa table niya. Lumingon ako kay Tiffany pero nakita ko namang na kay Sir ang kaniyang atensyon, kaya hindi ko na lang siya pinansin.
"Okay, class. Meron tayong graded performance sa music..."
Panimula ni Sir Aris
"Dito, pipili ako ng magiging kapartner niyo ang bawat isa sa inyo. 36 ang total ng buong estudyante dito sa section na 'to, right?"
Sabi ni Sir Aris
BINABASA MO ANG
Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]
Novela JuvenilTiffany Kate Folkerson is a simple teenage school girl, isang nerd, hilig niyang mag basa ng libro, matalino... Matalino, pero masasabi pa ba nating matalino siya pag dating sa LOVE? May dalawang tao na dadating sa buhay niya, pero ang tanong... Ka...