CHAPTER 37: Ticket

100 18 1
                                    

Tiffany Kate's POV

Discuss, discuss, discuss...

*dring dring dring*

Uwian na...

Nawala na naman na parang bula si BJ. Pero, alam ko naman na mag kikita naman kami ulit sa parking lot. Nauna na sa pag alis sina Bessy at Anne dahil daw may panibagong project na naman na pinapagawa sa kanila.

Kaming dalawa na lang ang naiwan dito sa loob ng classroom ni Luis. Inayos ko na lang yung mga gamit ko at saka ko ito inilagay sa loob ng bag ko. Kinuha ko na yung bag ko at saka kami umalis na din dito sa loob ni Luis.

Habang nag lalakad kami ni Luis, napapansin 'kong yung ibang babae ay pinag bubulungan na naman ako, at yung iba naman ay grabe kung maka-titig saakin -__-.  Hindi ko na lang sila pinansin at saka nag patuloy na lang ulit sa pag lalakad.

"Tiff, saglit lang huh? Punta muna ako sa CR."
Paalam ni Luis. Tumango na lang ako as an answer. Umalis muna saglit si Luis, habang ako naman ay nag lakad-lakad muna. Naisip ko na pumunta na lang muna sa basketball court ng campus, para makita ko naman si MK kahit papaano. Ilang araw ko na din hindi siya nakikita. Ngayon lang ako magiging free na pumunta dito.

Nang maka-punta ako na ako dito sa basketball court, nakita ko na kaagad si MK na nag pa-practice. Umupo muna ako para panuorin siya. Grabe kung mag practice siya, todo talaga kung todo. Napaka-seryoso niya ngayon.

Habang pinanonood ko si MK na nag pa-practice, napapansin 'kong pinag bubulungan na naman ako ulit nung mga ibang naka-upo din dito. At yung iba naman ay grabe kung maka-tingin saakin, para nila akong pinapatay sa tingin pa lang nila.

Haysss =∆=

Nang natapos na 'yong practice ni MK, agad na nag takbuhan 'yong mga katabi 'kong fans ni MK papunta sa kanya kaya naipit na naman siya sa kanyang mga fans. Naiwan akong mag isa dito na naka-upo, wala naman kasi akong balak na maki-siksik sa kanila nuh.

Tumayo na ako at aktong aalis na ako, pero narinig ko yung boses ni MK kaya natigilan ako
"Tiffany?"
Nilingon ko siya. Naka-ngiti siya saakin, at yung mga fans niya ay naka-gilid na at ang sama ng tingin saakin -__-

Agad na tumakbo papalapit saakin si MK at saka ako niyakap ng mahigpit. Niyakap ko na rin siya pabalik because I missed him so much!

Naramdaman 'kong lahat na ata ng andito ay nakatingin na saamin >.<

"Tara, labas muna tayo dito."
Sabi ni MK. Hinila niya ako palabas ng court at saka ako dinala sa likod ng building dun sa may bench at saka umupo duon.
"Uhm..."
Mukhang nahihiya pa siya. Kahit ako rin naman eh.

"Ang dami kasing naka-tingin dun sa loob ng court kaya dinala kita dito."
Sabi ni MK. Saka siya humawak sa kaniyang batok at parang nahihiya pa din.
"Uhhh... O-Okay lang."
Sabi ko naman.

"Uhm, kanina ka pa nanonood doon?"
Tanong niya
"Oo, ang galing mo nga eh."
Sabi ko sa kanya
"Ganun ba? Uhhh... Hehehe, thanks."
"Wala 'yun, totoo naman na magaling ka eh. Ay, nga pala, kelan 'yong laban ninyo?"
Tanong ko kay MK

"Sa susunod na araw na. Ay, eto pala. Oh, ticket mo."
Saka ni MK ibinigay yung isang ticket saakin.
"Para talaga sa'yo 'yan, ni-reserve ko talaga 'yan para sa'yo. Ticket 'yan para maka-pasok ka sa loob ng court."
Dugtong pa niya

Kinuha ko yung ticket sa kanya. Hindi ako maka-paniwala na ni-reserve pa talaga niya ito para saakin.

"Thanks, MK. Uhm... Pero, sa tingin ko hindi ako papayagan ni BJ kapag sinabi 'kong pupunta ako sa araw ng laban mo eh..."
"Uhhh... Ganun ba? Uhm... Okay lang naman–"
"Pero pipilitin 'kong maka-punta... Para sa'yo."
Putol ko sa kanya. Pipilitin ko talaga maka-punta.

Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon