CHAPTER 20: Keep this a secret

151 20 1
                                        

Tiffany Kate's POV

*dring dring dring*

"Tiff,"
Nagulat ako nang bigla ako itinayo ni Luis at ni Anne sa upuan ko

"B-Bakit?"
Nauutal 'kong tanong. Kinakabahan ako kasi seryoso ang kanilang mukha at para pa silang galit habang si Bessy naman ay parang nag aalinlangan pa... Gosh!

"Tara, sabay-sabay na tayo kumain?"
Nagulat ako dahil biglang nag shift yung mukha ni Luis sa maamong mukha, ganun din naman si Anne at Bessy kaya nag taka ako bigla

"S-Sige."
"So, let's go!"
Sabay akbay nila saakin at dinala sa may canteen. Iniupo nila ako sa may favorite spot naming mag kakaibigan na upuan saka tumabi saakin si Bessy

"Treat na namin."
Sabi ni Luis. Ibubuka ko pa lang sana yung bibig ko pero agad na nag salita si Anne
"No buts. Kami na bahala sa lahat."
Seryosong banggit ni Anne kaya hindi na ako umangal pa dahil alam 'kong hindi ako mananalo sa kanila

Umalis na sa harapan namin sina Luis at Anne at saka pumila na para umorder, at naiwan kaming dalawa ni Bessy dito sa table.

"Ay, Bessy, nabalitaan ko yung about sa Kuya Matthew mo."
Masiglang sambit ni Bessy
"Talaga?"
"Oo, iba na talaga ang Kuya mo! Pati sa America, kinukuha na siya!"
"Oo nga eh."
"Kelan ba ang alis niya?"
Tanong ni Bessy

"Kanina lang siya umalis bago ako pumasok."
"Ay, ang bilis."
"Kaya nga eh."
Nang pag kasabi ko nun, sandaling kinain kami ng katahimikan sa aming dalawa.

"Ay, Bessy, I have good news to you."
"Hmmm?"
"Pinag pahinga muna kami ng director namin ng dalawang buwan dahil sa sobrang pagod namin, tapos yung nanay ni Luis nakalabas na ng ospital, magaling na nanay niya!"
"Oh? Talaga? That's good!"

Haysss, hindi ko alam pero parang wala ako sa mood makipag-usap ngayon dahil sa mga nangyayari ngayon saakin

"Bessy,"
"Hmmm?"
"Bakit para atang ang tahimik mo?"
Tanong niya

"Huh? Hindi ah."
"Ahhh,"
Aish! Baka magtampo si Bessy saakin nito kapag pinairal ko itong mood ko ngayon sa harapan nila!

Hindi ko muna iisipin yung mga problema... Yeah, right. Kakalimutan ko muna yung mga problema ko kay Joseph...

"So, Bessy,"
Sabi ko
"Asan si Kysler?"
"Hmmm? Hindi mo alam?"
"Hindi. Bakit, ano ba yun?"
Curious ako kasi hindi ko na nakita si Kysler simula kaninang umaga

"Busy siya ngayon sa training sa basketball kasi may paparating silang laban sa ibang school"
"Ahh, ganun ba?"
"Oo... Uhh, kamusta naman kayo ni Joseph?"
Natigilan ako nang marinig 'yong pangalan na 'yon

"H-Huh?..."
"Nabalitaan ko kasi–"
"Hey guys! We're here!^^"
Sabay lapag ni Anne at Luis sa table namin ng sangkatutak na mga pagkain

"Anong meron dito?"
Tanong ni Anne pagka-upo niya sa tabi ko
"Huh? Nag ku-kwentuhan–"
"Kain na muna tayo."
Sabi ni Luis. Ginawa naman namin yung gusto niya.

Habang nakain ako, napapansin 'kong yung ibang istudyante na nakain at nadaan sa amin ay tumitingin ng masama saakin.

*BOGSH*

Napatingin kaming tatlo kay Luis. Ibinagsak niya ang kanyang hawak na kutsara at tinidor sa lamesa

"Hindi ko na talaga kayang itago pa ito!"
"Luis!"
Pigil ni Anne at Bessy kay Luis. Parang may tinatago sila, may hindi ba ako alam?

Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon