Akiesha Nicole's POV
Isang buwan na ang nakakalipas simula no'ng nabaril si Joseph na gawa ni Max kaya na-ospital siya, pero buti na nga at nakakulong na si Max ngayon sa kulungan and he deserved that.
Si Trixy naman, sabi ay magbabago na raw siya. Pero hindi muna namin siya pinagkakatiwalaan dahil minsan niya na kaming niloko about diyan, kailangan niya munang patunayan saamin na sinsido talaga siya sa kaniyang sinabi. At kahit na sakaling mapatawad namin siya sa ginawa niyang kalokohan, hindi pa rin mabubura ang lahat ng mga alaala na tumatak na sa puso't isipan namin. May history na siya, eh.
Oh, as I remembered, Anne and Luis are already been dating together. Pero ewan ko ba dito kay Anne! Ayaw pang aminin! Gusto rin naman niya si Luis. Pinapatagal pa talaga, kaya mas lalong nagiging kumplikado lahat para sa kanilang dalawa! Haysss, bahala na nga silang dalawa! Problema nilang dalawang sweet couple 'yan!
I have good news to Joseph... Nakalabas na din siya sa hospital at fully healed na din 'yong kaniyang sugat dahil hindi naman masyadong bumaon yung bala ng baril sa kanya, kaya minor lang ang kanoyang natamong sugat. Also, I'm happy with them. Bessy and Joseph. They're officially in a relationship, and I hope wala nang ibang makakasagabal pa sa kanilang wagas na pagmamahalan.
Ako?
Eto, NBSB pa din. No Boyfriend Since Birth... But I have an ultimate crush. Sino pa ba? Edi si Xyrus pa din!
Oh, speaking of Xyrus...
Andito ako ngayon sa court ng campus namin, at kasalukuyang nakaupo sa gilid habang pinapanood siyang nag te-training ng basketball kasama ang kaniyang mga ka-teammates.
Ang gwapo talaga niya!
Meron sa iba ditong mga babae na mga fans ni Xyrus na isinisigaw pa ang pangalan niya, at 'yong iba naman ay may mga hawak pa'ng banners at pompoms! Ay! Sus maryosep! Kailangan ba'ng ganito ka-effort, mapansin ka lang ng crush mo?
"Watch out!" Napatingin ako sa sumigaw, pero nagulat ako nang biglang may bola ang sumapol sa mukha ko!
*POK!*
Napahawak ako sa mukha ko nang maramdaman ko ang magkahalong hapdi at sakit nito.
Aray ko! Magandang mukha ko iyon! >___<
"Nicole?" Napatingin ako sa nagsalita, at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong si Xyrus ang kaharap ko ngayon!
"Oo nga, ikaw nga! Nicole!" Gosh! Para akong matutunaw sa bawat ngiti niya! >0<
Sa sobrang gulat ko, hindi na ako nakapagsalita! I'm so speechless! "Ay! A-Ayos ka lang ba? M-May masakit ba sa'yo?" Alalang tanong niya. Hindi ako nakasagot. Well, I'm okay now, dahil nilapitan at kinausap mo ako. That's enough.
"Uhm... Sorry about what happened to you. Hindi ko naman sinasadyang matamaan ka ng bola, eh." Dugtong pa niya. Pero imbes na sumagot ako ay tumayo na lang ako.
"Uh, gusto mo bang dalhin kita sa clinic? Pwede ko naman iwan saglit yung mga ka-teammates ko para–" "no, I'm fine. Thank you." Putol ko sa kanya, saka ako umalis sa harapan niya at naiwan siyang tulala.
Aish! Hindi ko ba alam sa sarili ko kung bakit ko iyon nasabi at nagawa sa kanya! Pero inaamin ko na kinikilig ako kanina habang kinakausap niya ako! Woah! Ang cute niya kapag naaalala ko yung expression ng mukha niyang nag-aalala.
BINABASA MO ANG
Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsTiffany Kate Folkerson is a simple teenage school girl, isang nerd, hilig niyang mag basa ng libro, matalino... Matalino, pero masasabi pa ba nating matalino siya pag dating sa LOVE? May dalawang tao na dadating sa buhay niya, pero ang tanong... Ka...
![Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/113169795-64-k616962.jpg)