Tiffany Kate's POV
Ilang araw na ang nakalilipas at hindi ko pa din nakikita si MK simula nung huli kaming nag kita. Masyado na kasing babad si Kysler sa pag pa-practice sa basketball, dahil malapit na 'yong laban nila. Hindi ko rin naman siya nadadanan sa court ng campus dahil pinapauwi na kaagad kaming dalawa ni Cohlyne ni BJ sa mansion, wala naman ako magagawa dahil utos 'yon ni Kuya Matthew sa kanya.
Nakakainis na nga rin minsan eh, ang daming bawal, dapat ganto-ganyan, tapos para mapasunod ako ni BJ, gagamitin pa niya yung palagi niyang line na ang sarap ingudngod sa kanyang pag mumukha na "That's an order from your master, slave" bleh, bleh, bleh -__-
Wala ng mga war freak na kumakalaban saakin dahil nabalitaan nila 'yong nangyari kay Trixy. Natakot ata silang matulad dun sa nangyari kay Trixy. Lumayo na lahat ng mga babae kay BJ dito sa campus dahil natatakot na daw sila sa kanya, mabuti kung ganon.
Tapos balita ko, palaging naiipit naman si MK dahil sa kanyang mga fans. Kaya ayon, kapag katapos ng training niya palagi, palaging naka-bantay si Coach Clarence sa kanya. Personal bodyguard ata ni MK yung coach niya eh! XD
Ay, anong balita kay Trixy? Ayon, nag stop na sa pag-aaral. Ang huli 'kong kita sa kanya ay yung muntik niya na akong mapatay. Pero kahit ganon, pinapatawad ko na siya. Alam ko naman na nagawa niya lang 'yon ay dahil sa selos, pero alam ko naman na may natitira pa ding kabutihan sa kaniyang puso. Gusto ko siyang makita, gusto ko siyang maka-usap ng sa gayon ay maging maayos ang lahat.
Kahit ang laki na ng nagawa niya saakin na kasalanan, she deserved to have a second chance. Lahat ng tao ay kailangan bigyan ng second chance at mapatawad, kasi hindi naman lahat ng tao ay perfect. We're just a human, nag kakamali din.
*dring dring dring*
Recess na...
"Bessy! Tara na!^^"
Sabi ni Bessy sabay hawak sa aking kamay.
"Yey! Recess time!^^"
Sabi ni Anne at ni Luis.Habang nag lalakad kami, hindi ko maiwasan na mapaisip. Nag tataka ako dahil parang buong araw, buong linggo, ay walang kibo si BJ. Palagi na lang tahimik sa sulok. Oo nga, palagi ko siyang nakakasama sa mansion, katabi ko siya sa upuan sa classroom, tahimik naman palaging walang kibo. Kapag kakausapin ko, palaging ang tipid sumagot -__-
Nakaka-inis lang kasi minsan ang haba-haba palagi ng sinasabi ko sa kanya, pero sobrang tipid naman ng kung sumagot -__-
Well, what do I expect to him? Ganyan naman talaga siya eh. Bumalik na ulit siya sa dating siya.
Nakaka-inis lang minsan, kasi minsan kapag nag lalakad kami ni BJ or minsan mag-isa lang ako, maririnig ko na lang na may nag bubulungan at sinasabi na 'nag away ata yung dalawa,' or minsan ay 'mabuti at nang yayari 'yan kay Tiffany! Mang aagaw kasi!'
Hindi kami nag-away, hindi ko nga alam kung bakit bigla na lang si BJ bumalik sa dating siya.
Minsan, nababalitaan ko na lang na napapa-sangkot siya sa gulo/away. Tapos minsan, makikita ko siya kapag pupuntahan ko siya sa parking lot ng campus, may pasa sa mukha, at ang mas worst, ay yung nakita ko siyang duguan na naman ang mukha. Nung sinabi ko na dadalhin ko siya sa ospital, ang sabi na naman niya ay wala daw siyang tiwala sa mga doktor at nurse! Nauulit na naman yung dati.
"Diba Tiffany?"
Napatingin ako kay Anne na masayang nakatingin saakin. May sinasabi ba siya?"Huh?"
Ayan na lang yung katagang nabitawan ko. Nag katinginan silang tatlo na parang nag a-eye to eye contact pa."Uhm... Diba pupunta ka sa araw ng laban ni Kysler?"
"Uhhh... Oo, siguro."
Sagot ko naman.
"Bakit may 'siguro'? Hindi ka sure?"
"Uhm... Kasi... Baka–"
"Makaka-sama ka, for sure. Alam naman namin na gustong-gusto mong makita si Kysler sa araw ng laban niya."
Positive na sabi ni BessyNgumiti na lang ako, mas pinili ko na lang na wag mag salita. Alam 'kong hindi ako papayagan ni BJ kung sakaling sabihin ko na pupunta ako sa araw ng laban ni MK.
Akiesha Nicole's POV
Okay, ano na ang gagawin ko? 0__0
Bumalik na ulit si Joseph sa dating siya! Aish! Kasalanan ko ito eh! Dapat hinayaan ko na lang siya nun! >__< Kailangan na may gawin ako.
"Uhm... Guys, uhhh... Restroom."
Sabi ko kina Bessy, Anne at Luis. Tinuro ko yung labas kaya na-gets nila kung ano ang ibig 'kong sabihin."Sure,"
"Thanks."
Sabi ko. Tumayo na ako at kinuha yung bag ko at saka lumabas na ng canteen.Hindi ko alam kung saan hahanapin si Joseph ngayon, palagi kasing nawawala na lang ng parang bula 'yon kapag nag be-bell na. Hindi ko na din siya nakikita sa canteen, kaya hindi ko alam kung saan ba 'yon nag pupunta tuwing recess. Pero kailangan ko siyang mahanap ngayon, dahil kailangan ko siyang maka-usap ngayon na.
Hanap, hanap, hanap...
Lakad ako ng lakad pero hindi ko pa din siya makita! Asaan ba 'yong lalaking 'yon?! -__-
Nalibot ko na yung buong campus, pero hindi ko pa din siya makita. Nagiging invisible man ba 'yon kapag sumasapit ang recess? 0.0
Meron na lang akong isang lugar na hindi pa napupuntahan dito sa campus. 'Yon yung rooftop.
Nag lakad ako papunta sa rooftop. Wala akong pake kung abutin ako ng bell. Kailangan 'kong maka-usap si Joseph.
Pag bukas ko ng pintuan ng rooftop, hindi ko rin siya nakita! Saan ba kasi 'yon pumunta? Hindi ko na ito masasabi sa kanya kapag ipinag pamamaya ko pa.
Palabas na ako ng rooftoop, pero may nakita ako sa likod nung pintuan. Lumapit ako dito at nang makita ko, nakita ko si Joseph na nakahiga sa sahig at may takip na libro sa kaniyang mukha. Narinig ko nang nag bell kaya na-aware na kaagad ako.
"Huy! May balak ka bang pumasok?"
"Wala."
Sabi niya habang nakatakip pa din ng libro ang kaniyang mukha.
"Bumangon ka na nga diyan!"
Hinablot ko yung libro niya na nakatakip sa kaniyang mukha"Akin na nga 'yan!"
Tumayo siya at saka pilit na kinukuha 'yong libro saakin, pero hindi ko pa din ito ibinibigay sa kanya. Hindi ko ito ibabalik sa kanya hangga't hindi siya nag babago."Ano bang problema mo ha?!"
Inis na tanong niya
"Ba't ayaw mong itanong 'yan sa sarili mo?"
"Huh? Ano bang ibig mong sabihin?"
May pag ka-irita niyang tanong"Bumalik ka na, kailangan ka ni Bessy."
"Huh? Hindi kita talaga kita maintindihan"
Aish! Hindi talaga niya alam?! -__-Proud ako kay Bessy kasi kahit hindi niya alam kung ano ang nagawa niya, nabago niya si Joseph ng hindi niya inaasahan. Pero, ngayon, ng dahil sa'kin, naibalik ko si Joseph sa dati niyang ginagawa ng hindi ko inaasahan. Bumalik na siya sa masamang gawa. Tahimik pero mapanganib.
"Pwedeng mag favor?"
Tanong ko. Kumunot yung noo niya nung marinig 'yon
"Ano ba yun?"
Huminga ako ng malalim at saka ngumiti sa kanya
"Ibalik mo na si Master Joseph, si Beast Joseph, si Master Minion."
BINABASA MO ANG
Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]
Teen FictionTiffany Kate Folkerson is a simple teenage school girl, isang nerd, hilig niyang mag basa ng libro, matalino... Matalino, pero masasabi pa ba nating matalino siya pag dating sa LOVE? May dalawang tao na dadating sa buhay niya, pero ang tanong... Ka...