CHAPTER 16: JEALOUS

189 18 2
                                    

Tiffany Kate's POV

Aish! Paano na 'to ngayon?! Paano na kami babalik sa mansion ni Joseph kung parehong tulog na 'tong dalawa?! AYOKO NA!!! T0T GUSTO KO NA TALAGANG UMUWI! T0T

Habang naka tunganga lang ako dito katabi ng mga ugok na ito na natutulog, may naaninag akong ilaw ng kotse na papalapit sa kinaroroonan namin

Ayun! May taxi! Dali-dali akong tumayo at pinara yung taxi
"TAXI!!!"
Tumigil naman yung taxi sa harapan namin :)

Tinulungan ako ni manong taxi maipasok yung dalawang mokong na lasing sa loob ng taxi

*after 10 minutes*

Wow! Saulo ko na pala yung daan papunta sa mansion ni Joseph? Andito na kami sa mansion ni Joseph... As in sa living room na ng mansion.

Hindi ko na pinapasok yung sasakyan ni manong taxi kasi mansion ito eh, baka manakawan pa ito. Ako pa ang sisihin -__-

Kinuha ko yung kanang braso ni Kysler at inilagay sa leeg ko... Ang bigat pala niya XD

Inihiga ko siya sa sofa at kinumutan baka kasi ginawin siya eh.

Lalabas na sana ako pero halos mapatalon ako sa gulat ng biglaang may yumakap sa legs ko

"GAAAAAH!"

Napatalon talaga ako sa gulat -__- Pagtingin ko sa kamay na nakayakap sa legs ko, si Joseph lang pala -__- naka pikit pa din siya. Ano 'to? Nanaginip ka ba Joseph? Baka akala mo unan yung niyayakap mo?

"Hoy! Bitawan mo nga ako!"
Sigaw ko sa kanya. Napaatras ako ng tumayo siya, pinipilit niyang imulat yung kanyang mga mata kasi halatang inaantok pa din ito dahil sa sobrang kalasingan nito.

Nanlaki yung mga mata ko kasabay ng pag atras ko sa kanya dahil humahakbang siya papalapit saakin, pero kahit na paatras na ako ng paatras sa kanya, palapit naman siya ng palapit saakin!😣

Nagulat ako nang napasandal na ako sa pader at tuluyan na siyang nakalapit saakin! Gosh! Kinakabahan ako!

Aalis na sana ako pero iniharang niya yung parehong kamay niya sa magkabila 'kong gilid!
"U-Uy! Uuwi na a-ako."

Sinubukan ko siyang sabayan yung titig niya saakin pero hindi ko nagawa dahil he is so damn dead serious!

Pero sa kabila ng lahat ng kaba ko, nawala ng makita 'kong may tubig na lumabas sa gilid ng mga mata ni Joseph hanggang sa maging sunod- sunod na ang labas ng mga luha sa kanyang mata

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit! Yung tipong ayaw na niya akong pakawalan dahil sa sobrang higpit ng kanyang yakap saakin

"J-Joseph..."
"D-Don't leave me... Please?... I-I'm scared."
Bakit siya natatakot?

Gusto ko mang patahanin siya dahil sa sakit na nararamdaman niya or kung meron nga, pero kailangan ko na talagang umuwi.

"Tiffany, I lo–"
"Tama na. Lasing ka lang."
Yun na lang ang nasabi ko para sa kanya. Totoo naman eh, lasing naman talaga siya eh.

Tinggal ko na yung isang kamay niya na nakaharang sa gilid ko at handa na akong umalis dun sa pwesto 'kong iyon, pero nagulat ako ng bigla niya akong hilahin papunta sa kanya at idinikit sa kanya at ipinag dikit ang aming mga labi, nalasahan ko yung alak na ininom niya kanina, mapait na medyo... Matamis??? Matamis ba talaga ang whiskey?

Ngayon, alam 'kong nakakalasing nga talaga ang alak, nalalasing din kasi ata ako dahil sa bawat pag halik nya sa labi ko. Parang may kuryenteng dumadaloy mula sa labi ko papunta sa puso ko at pakiramdam ko kahit anong oras ay tutumba ako.

Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon