Tiffany Kate's POV
Kasalukuyang andito ako ngayon sa kotse ni BJ habang siya naman ang nag mamaneho.
Hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko nang sabihin 'yon ni BJ sa harap ng maraming tao. Kahit alam 'kong fake lang talaga ang relasyon namin, I feel like it's not a fake relationship. Sa ginawa pa lang ni BJ kanina, feeling ko boyfriend ko talaga siya.
Sumulyap ako sa labas at nakita 'kong nag bukas na 'yong gate ng Castle House. Ipinasok na ni BJ 'yong kotse niya at saka ipinark sa parking lot. Pareho kaming bumaba ng sasakyan at saka pumasok sa loob ng mansion.
Pag ka-pasok na pag ka-pasok namin sa loob ng mansion, agad kaming sinalubong ng isang yakap ni Cohlyne. Andito na pala siya.
"Oh, Cohlyne andito ka na pala?"
Sabi ni BJ. Ay hindi! Kaya nga nakikita mo na siya sa harapan mo diba? Common sense -___-
"Opo. Uhm... Saan po kayo galing?"
Tanong ni Cohlyne. Hindi pa man kami nakaka-sagot, agad na niyang sinagot ang tanong niya.Napahawak siya sa kanyang bibig na ani mo'y gulat na gulat. Ano na naman ba ang iniisip nito?
"Omeygesh! Siguro, kaya kayo lumabas pareho ay dahil nag date kayo? Ayieee! Hahaha! JoseNy! Hahaha!"
Saka si Cohlyne kumalas sa pag kaka-yakap niya saaming dalawa ni BJ at saka tumakbo ng mabilis palayo saamin.Aish! Etong batang ito talaga, kahit kelan! -__-
Napatingin ako kay BJ nang mapansin na hindi pa siya naalis sa pwesto niya. I saw him smile with just a half smile. What's with his smile?
Napatingin siya saakin nang mapansing hindi pa din ako naalis sa pwesto ko
"Uhhh... Bakit hindi ka pa naalis diyan?"
Tanong niya. I'm the one who should ask that to him.
"Ako dapat ang nag tatanong sa'yo niyan, bakit andito ka pa? Diba dapat nasa kwarto mo na ikaw?"
Tanong ko pabalik sa kanya"Uhhh... Oo nga... Uhm... Tinititigan ko lang 'yong view ng chandelier, maganda kasi."
Paliwanag niya. So, tinititigan niya na pala 'yong chandelier sa palagay niyang 'yan? Eh nahuli ko nga siyang parang ang lalim din ng iniisip niya kanina eh.Anyway, bakit nga ba ako curious sa kanya?
"Ahhh, okay."
Sagot ko naman. Tumalikod na ako at nag lakad na palayo sa kanya. Nang maka-rating na ako sa kwarto ko, naka-kita ako ng dalawang maliit na robot at nililinis ang kwarto ko.Napansin ko, hindi na ako masyadong nahihirapan sa pag tira dito sa Castle House. Hindi na din ako inuutusan ni BJ na ako ang mag linis dito, siguro natatakot siya na baka maka-sira pa ako ng ibang mga gamit pa dito.
*knok knok knok*
"Ate Kate, ako 'to"
Rinig 'kong sabi ni Cohlyne mula sa labas kwarto ko.
"Pasok."
Sabi ko naman. Nag bukas 'yong pinto at iniluwal nito si Cohlyne
"Bakit?"
Pangunang tanong ko sa kanya
"Uhm... Ate Kate, ano kasi..."
Pabitin ni Cohlyne. Pinapatagal pa eh!"Kasi?"
"First honor ako!"
Napangiti ako nang malamang naging first honor na din si Cohlyne. Palagi kasing second or third honor lang ang nakukuha ni Cohlyne.
"Oh, well that's great!""Uhm... Ate Kate..."
"Bakit?"
Parang may gustong sabihin si Cohlyne na hindi niya masabi saakin
"Uhhh... Pwede bang ikaw ang mag luto ng dinner mamaya? Gusto ko kasing matikman 'yong luto mo kahit papaano."
Nagbibiro ba siya?!"Are you kidding me? You know I'm not good at cooking, tapos ako ang pag lulutuin mo?"
Sabi ko sa kanya
"Yah, I know that. Pero naniniwala naman ako na magagawa mo din matuto sa pag luluto eh."
"Pero–"
"Please? Gift mo na lang saakin, promise me."
Putol niya saakin
BINABASA MO ANG
Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]
Dla nastolatkówTiffany Kate Folkerson is a simple teenage school girl, isang nerd, hilig niyang mag basa ng libro, matalino... Matalino, pero masasabi pa ba nating matalino siya pag dating sa LOVE? May dalawang tao na dadating sa buhay niya, pero ang tanong... Ka...