CHAPTER 27: Graded Performance

143 20 2
                                    

Tiffany Kate's POV

"Kuya Matt, bakit hindi mo man lang sinabi saakin na dito pala kami titira sa mansion na ito?"
Tanong ko kay Kuya Matthew. Kinakausap ko siya sa Skype.

"Para surprise. Are you surprise?"
"No Kuya,  hindi ako na-surprise. Kuya, you know how much I hate that Josephine! Bakit pa kailangan namin na dito tumira?! Pwede naman na sa bahay na lang kami tumira diba?!"
Sabi ko kay Kuya Matthew

"Para maka-siguro ako na ligtas at maayos ang kalagayan ninyo."
"Kuya Matt?!... We're not safe here!... Or maybe, si Cohlyne safe pero ang tanong... Ako, safe ba?"
"Hahaha, ganyan kasi ang tingin mo diyan sa lugar na 'yan."
"Eh Kuya, pa'no hindi magkaka-ganito? Eh tignan niyo naman yung naka tira dito. Hay nako, Kuya Matt, hindi ko alam kung paano niyo napag-katiwalaan yung Josephine na yun ng sobrang bilis!"
Sabi ko kay Kuya Matt

"It's because–..."
May narinig 'kong tinawag siya ng boss niya. Nasa trabaho kasi si Kuya ngayon, break pa lang nila ngayon kaya nakaka-pag-skype kami. Istorbo nga lang yung boss niya -__-

"Sige, mamaya na lang Kate. Tinatawag ako ng boss ko eh."
"Okay po."
Kinolose ko na yung skype at pinatay na yung computer.

*knok knok knok*

"Ate Kate, tara na. Papasok na."
"Sige, sunod na lang ako."
Tumayo na ako at saka kinuha yung bag ko. Lumabas na ako ng kwarto ko at saka dumeretso na sa labas ng mansion.

Naabutan 'kong nasa loob na ng kotse si Cohlyne at BJ. Pumasok na lang ako sa loob at saka na nag maneho si BJ.

*after 15 minutes*

Malapit na kami sa gate ng campus. Malayo pa lang kami ay madami na kaming nakita na mga reporters sa labas nito
"Bakit kaya may mga reporters sa labas ng gate?"
Bulong ni Cohlyne sa kaniyang sarili, pero narinig ko pa din siya.

Nakita naming pinapasok nung mga guard yung mga reporters sa loob ng campus. Hindi ko na lang pinansin dahil baka kaya andito yung mga reporters para ibalita sa TV ang about dito sa campus.

Nang i-park ni BJ yung sasakyan sa parking lot, nagulat ako dahil nakita 'kong andito din yung mga reporters.

Lumingon yung isang lalaking reporter sa kotse na sinasakyan namin. Nagulat ako dahil bigla na lang niya tinawag yung iba pa niyang kasamahan na reporters at tinuro kung nasaan kami at saka sila biglang nag takbuhan papalapit sa kina-roroonan namin

Ano 'to?!

"Ayos lang 'yan. Hindi sila nangangain, wag kang matakot sa kanila."
Saka ako hinawakan sa kamay ni BJ. Lumabas siya ng kotse dala ang bag niya at saka umikot papunta sa katabi 'kong pinto at saka ito binuksan. Nanlaki yung mga mata ko nang hilahin niya ako palapit sa kanya at inakbayan.

"Hoy! Anong ginagawa mo?!"
Bulong ko sa kanya. Hindi ba niya naisip na andito si Cohlyne?!
"Wag ka ngang maingay, maki-ride ka na lang."
Sabi niya. Nagulat ako dahil nasa harapan na pala namin yung mga reporters! 0___0

"Ikaw diba si Tiffany Kate Folkerson?"
Tanong saakin nung babae na reporter
"Uhh... O-Opo."
"Totoo bang girlfriend ka ni Joseph Dimfrod Suerez?"
Napatingin ako kay Cohlyne. Bigla akong kinabahan dahil bakas sa mukha niya ang pagka-gulat

"Oo. Tama kayo, siya ang girlfriend ko."
Saka ako mas lalo pang inilapit pa sa kanya ni BJ
"Wow! Ang swerte mo naman!"
Sabi pa nung reporter
"Ano naman ang nararamdaman mo ngayon Ms. Tiffany?"

Woah, may tumawag saakin ng 'ms. Tiffany'

"Uhm... Ang totoo niyan–"
"She's so happy. And also, masaya din ako dahil dumating siya sa buhay ko. Baliw na lang ako kapag pinakawalan ko pa ang isang tulad niya."
Tinignan ko ng masama si BJ at saka siya siniko

Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon