Joseph Dimfrod's POV
Aish! Bakit ba sa kinadami-dami ng pwedeng makakita ng kung ano ang laman ng kwartong ito ay si Tiffany pa talaga?
Aish! Kasalanan ko 'to eh! Dito pa kasi ako nag tago! >.< Bakit ba kasi bigla-bigla na lang si Tiffany nag bubukas ng kaniyang pinto?! -__- 'Yan tuloy, nahuli niya akong natutulog sa labas ng kaniyang pinto -__- bakit din ba kasi ako dun natulog? Haysss, nakaka-antok naman kasi talaga kapag kumakanta si Tiffany eh, katulad siya ni Mommy.
Para silang may kapangyarihan na kayang mag patulog ng isang tao gamit ang pag kanta nila.
"Bababa babanana bababa babanana potato na~"
Agad 'kong kinuha sa bulsa ko yung phone ko at saka ko pinatay yung ringtone. It's Luis
"Bakit ba?"
"Kamusta na si Tiffany?"
"Medyo magaling na siya"
Pero ang totoo, magaling na talaga. Inasar niya nga lang ako kani-kanina lang eh."Ahhh, mabuti kung ganon... Ay, pupunta kami nila Anne at Nicole diyan–"
"Hinde!... Uhm... Hindi ako nag papapunta ng kahit sino dito sa mansion na ito."
"Are you sure?"
"Oo."
"Eh anong tawag mo kina Cohlyne at Tiffany?"Natigilan ako, dahil alam 'kong tama siya. Si Tiffany yung una 'kong pinapunta dito sa mansion na 'to.
"Uhhh... Ehhh... Utos 'yon saakin ng Kuya nila, alangan na hindi ko yun sundin diba?"
"Ang sabihin mo, kaya mo sinunod dahil gusto mo din naman yung pinauutos ng Kuya nila. Lalo na't kasama si Ti–"
"O-Oo na, oo na! Tumigil ka na, pumunta na kayo dito kung gusto niyo."
Haysss =∆="Talaga?"
"Oo, -__- text ko na lang sa inyo kung saan yung address nitong Castle House."
"Geh, sabi mo 'yan eh."Pag kasabi niya non, saka niya ako binabaan ng phone.
~SIGH~
Tiffany Kate's POV
Kamusta na kaya si Kysler? Gusto ko na siyang makita. Naisip 'kong tawagan na lang siya, kinuha ko yung phone ko sa side table ko at saka ko hinanap sa contacts ko yung number ni Kysler Joseph...
*kring kring kring*
"T-Tiffany?"
Sumagot siya :)"Hello, Joseph este MK pala"
"B-Bakit ka napa-tawag? Ay, magaling ka na ba? Wala na bang masakit sa'yo?"
Alalang tanong niya"Wala. Tinawagan kita kasi... Uhm..."
"Kasi?... Teka, kailangan mo ba ako ngayon? Saglit, pupuntahan kita diyan."
"H-Hindi, ayos lang ako. Na-tripan ko lang na tawagan ka, wala kasi akong magawa eh."
Gusto talaga kitang makita, MK."Oh, sakto! Wala kaming training ngayon. Pwede kitang puntahan ngayon diyan."
Huminga ako ng malalim bago nag salita
"Gusto kitang papuntahin dito, pero..."
"Pero?"
BINABASA MO ANG
Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]
Ficção AdolescenteTiffany Kate Folkerson is a simple teenage school girl, isang nerd, hilig niyang mag basa ng libro, matalino... Matalino, pero masasabi pa ba nating matalino siya pag dating sa LOVE? May dalawang tao na dadating sa buhay niya, pero ang tanong... Ka...