CHAPTER 54: Preparation

125 17 1
                                        

Tiffany Kate's POV

*after 1 week*

Isang linggo na ang naka-lipas simula no'ng araw na nalaman namin ang totoo tungkol kay Kysler Joseph Parco na si Max Kane Vergas naman pala ang totoo niyang pangalan.

Isang linggo na din ang naka-lipas simula no'ng araw na nalaman namin ang lahat-lahat at ang totoo sa mga nangyari kung bakit ni Mr. Francisco ginawa ang lahat ng 'yon, dahil lahat 'yon sa pera.

Pero dahil nga sa paki-usap ni Max, pina-tawad na din ni Joseph si Mr. Francisco at maging ako ay pina-patawad ko na din si Mr. Francisco at si Max. Ayaw pa din ni Joseph patawarin si Max, ang tanging hiling lang ni Joseph kay Max ay layuan niya ito pati ako. Syempre, medyo na-lungkot ako sa nangyari. Hindi ko na masyadong makaka-usap si Max, hindi ko na siya masyadong makaka-sama. Pero sa tingin ko, kaya ni Joseph ginagawa ito ay para ma-protektahan ako.

Hanggang kaibigan lang ang turing saakin ni Joseph, at hindi na mas hihigit pa doon sa kaibigan ang turing niya saakin.

Oh, speaking of Mr. Francisco... Hindi natuloy na siya 'yong magiging bagong principal ng campus namin, dahil matapos no'ng nangyari ay napag desisyonan na ni Mr. Francisco na mag back out na sa pagiging principal niya sa campus. Kaya ang nangyari, bumalik na ulit si Sir Erwin sa kaniyang pagiging principal. And of course, lahat ng mga estudyante dito sa campus ay naging masaya sa nangyaring pag balik ni Sir Erwin as principal of this campus.

Nag lalakad kami ngayon ni Joseph dito sa hallway papunta sa classroom namin. Si Cohlyne, nasa kaniyang classroom na.

Tumigil na kaming pareho ni Joseph sa tapat ng sliding door ng classroom namin. Dito pa lang sa labas ay rinig na rinig ko na ang kanilang mga sigawan, mga galawan ng mga desks, mga tilian ng mga babae, mga murahan, at marami pang iba. Saktong pag bukas ni Joseph ng sliding door ay lahat ng mga sinabi ko ay biglang nag laho. Bigla na lang silang tumahimik nang makita nila kaming mag kasama ni Joseph.

Palagi naman kaming mag kasama ni Joseph diba? Ayaw lang namin na maka-halata ang iba na fake relationship lang ang aming ginagawa.

Nakita ko si Max na tahimik lang na naka-upo sa kanyang sariling upuan, at hindi man lang kami magawang tapunan ng tingin. Siguro nga pinanindigan na ni Max 'yong sinabi ni Joseph sa kanya.

Na-gulat ako nang hawakan ako bigla ni Joseph sa aking kamay, gusto 'kong tanggalin 'yong kaniyang kamay saakin kasi sobrang lagkit ng mga titig saakin ng mga babae dito, at 'yong iba naman ay para na nila ako kakainin ng buhay sa mga titig pa lamang nila. Pero masyadong mahigpit ang pag kaka-hawak ni Joseph sa aking kamay, at kapag pinipilit 'kong tinatanggal 'yong kamay ni Joseph saakin, ay mas lalo pa niyang hinihigpitan ang kanyang pag kaka-hawak sa aking kamay. Wala na akong ibang nagawa kundi hayaan na lang si Joseph sa kanyang ginagawa. -___-

Nag simula ng mag lakad si Joseph, at saka niya rin ako hinila papunta sa aming mga pwesto. At habang nag lalakad kami, ay kita 'kong habol tingin ang mga nag lalagkitan na mga titig sa mag ka-hawak na kamay namin ni Joseph no'ng mga babae dito sa classroom. Hindi ba sila nasanay? Palagi naman ganito ang routine namin ni Joseph ah? Faking our relationship.

Isinukbit ko na sa hook sa gilid ng table ko 'yong handbag na dala ko, aktong uupo na ako sa aking upuan, pero na-gulat ako nang bigla ni Joseph hinawakan 'yong aking kanang kamay at saka 'yong upuan na uupuan ko
"My princess, please be seated."
Biglang namula 'yong mga pisngi ko nang gawin iyon ni Joseph sa harap ng aming mga classmates! Para kasi siyang isang prinsipe sa kaniyang ginagawa na pinag sisilbihan ang kaniyang prinsesa. Isang inosenteng prinsipe. Beast kung titignan mo ang kaniyang panlabas na pag ka-tao, but deep inside, it's an angel... Gosh! Ano ba 'tong nga pinag sasasabi ko?! 0___0

Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon