Tiffany Kate's POV
"Joseph... Right?"
Tanong ni Kuya Matt kay Joseph
"Yes."
Tinignan ko si Joseph, parang hindi siya natatakot kay Kuya. Samantalang ako, ay halos kumaripas na ako ng takbo palayo dahil sa takot ko kay Kuya."So, what are you doing here... With my sister?"
"Inihatid ko lang po siya dahil po baka po may mangyaring masama sa kanya pag hinayaan ko po siyang umuwi ng mag isa lang, lalo na't mag gagabi na."
Wait, tama ba ako ng narinig? Worried ba siya sa'kin?Pero... Hindi rin siguro, siguro nasabi nya lang 'yon kay Kuya para hindi masira image nya kay Kuya. Yah, galawang Joseph101
"Kate..."
Napatingin ako kay Kuya Matt ng tawagin niya ako
"P-Po?"
"Ba't ba ngayon ka lang?"*dugdug dugdug dugdug*
Gosh! Para na akong sasabog dito dahil sa sobrang kabado ko!
"Uhm... M-May tinapos lang po ako sa school."
"Ahhh, okay."
Kinuha ni Kuya Matt yung juice na naka patong sa center table at saka uminom ng juice."Joseph..."
Tawag ni Kuya kay Joseph
"Po?"
"Saan ka nakatira?"
Tanong ni Kuya kay JosephSinabi naman ni Joseph na mansion ang tinitirahan niya at kung saan yung lugar ng mansion nya. Akala ko, mamamangha si Kuya kay Joseph dahil mansion ang tinitirahan niya. Pero mali ako.
Nakita 'kong umupo sa tabi ko si Cohlyne at saka ako nginitian... Huh? Anong nakain niya ngayon?
"Joseph, ipinagkakatiwala ko sa'yo ang kapatid 'kong si Kate."
Nanlaki yung mga mata ko at halos maibuga ko na yung juice na ininom ko kanina nang marinig 'yong bagay na 'yon kay Kuya Matt... WHAT THE HECK?!"K-Kuya! A-Anong ibig mong sabihin?!"
Mahinang natawa si Kuya dahil sa sinabi ko
"Hahaha! Gusto 'kong siya muna ang mag babantay sa'yo habang wala ako dito."
Huh? Anong ibig sabihin ni Kuya?"What do you mean?"
Tanong ko kay Kuya Matt
"Kate, may kumukuha sa'kin na ospital sa America. Tinanggap ko yun kasi malaking opportunity 'yon. Isa pa, makakatulong ito sa pag-aaral ninyo ni Cohlyne at sa mga pangangailangan natin dito. Malaking pera ang makukuha ko dito..."
Wow! May kumukuha na pala kay Kuya na ospital sa America! *0*"I'm sorry kung hindi ko agad sinabi sa'yo ang tungkol dito."
"Kuya, ba't ka nag so-sorry? Okay lang yun! Ano ka ba... Congrats!"
"W-Welcome."
"Pero... Kelan naman ang alis mo dito?"
Tanong ko kay Kuya"Bukas na ng umaga."
Kaya pala sobrang busy ni Kuya Matt nitong nakaraang linggo, eto pala yung dahilan."Kaya gusto 'kong si Joseph muna ang mag babantay sa'yo habang wala ako dito, kaya mo ba Joseph?"
Sabay tingin ni Kuya kay JosephBakit ba sa kinadami-dami ng pwedeng mag bantay saakin ay si Joseph pa talaga?! Tsaka hindi ko na din kailangan ng may mag babantay saakin dahil kaya ko na sarili ko nuh!
"Opo."
"P-Pero, Kuya Matt akala ko ba-"
"I trust him."
Putol sa'kin si Kuya Matt saka siya ngumitiI can't believe it!... Bakit ganun? Dati nung unang nakita ni Kuya si Kysler ay halos ipag tabuyan na ni Kuya palabas ng bahay si Kysler dahil sabi ni Kuya Matt hindi daw niya pinag kakatiwalaan si Kysler.
Pero bakit ngayon, unang kita pa lang ni Kuya kay Joseph ay hindi siya nag dalawang isip na papasukin si Joseph dito sa bahay at sabi pa niya na pinag kakatiwalaan niya si Joseph?! GHAD!
"Hoy Joseph, gusto 'kong bantayan mo ng maayos yung kapatid ko!"
Sabi ni Kuya kay Joseph. Mahinang natawa si Joseph bago siya nagsalita ulit"Opo, pero tingin ko po mahihirapan akong bantayan ang isang batang tulad niya."
Sabay tingin sa'kin ni Joseph na parang nang-aasar.
BINABASA MO ANG
Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]
Teen FictionTiffany Kate Folkerson is a simple teenage school girl, isang nerd, hilig niyang mag basa ng libro, matalino... Matalino, pero masasabi pa ba nating matalino siya pag dating sa LOVE? May dalawang tao na dadating sa buhay niya, pero ang tanong... Ka...