Joseph Dimfrod's POV
Paano ni Nicole nasasabi ang lahat ng 'yon? Mas pinili ko na ngang wag kontrolin si Tiffany dahil sabi niya nasasakal siya, tapos ngayon gusto niyang gawin ko ulit yung ginagawa ko kay Tiffany? Hindi ko na nga alam kung paano ako nag bago noon.
Sabi ni Nicole, kailangan daw ako ni Tiffany. Eh halos ipagtabuyan na nga niya ako noon eh! At na-realize ko na nasasakal na siya dahil sa masyado 'kong pag kontrol sa kanya.
Aaminin ko, hindi ko ginawang slave ko si Tiffany sa loob ng tatlong buwan ng dahil lang sa gusto ko siyang bayaran 'yon dahil dun sa natapunan niya 'yong mamahalin 'kong jacket. Ang totoo niyan, ginawa ko 'yon dahil gusto 'kong mapalapit kami sa isa't-isa. Hindi naman ako ganun kababaw para lang sa natapunan yung jacket ko nuh.
"Tutulungan kita, okay?"
Haysss, naalala ko na naman yung sinabi ni Nicole saakin. Paano naman niya 'yon magagawa?
Tiffany Kate's POV
*dring dring dring*
Uwian na...
Nag kanya-kanya ng nag-ayos yung iba naming mga kaklase, habang ako naman ay nag aayos na din ng gamit para umuwi na.
Napansin ko na hindi pumasok si BJ nung pag katapos ng recess. Baka tinamad lang.
"Bessy!"
"Hmmm?"
"Una na muna kami ni Anne, huh? Kailangan kasi namin pumunta sa studio. Pinapapunta kasi kami ngayon ng director namin dun eh, sorry kasi hindi kami makaka-sabay sa'yo ngayon."
Paliwanag ni Bessy
"Geh, okay lang."
Sabi ko. Ngumiti silang dalawa saakin at saka ako niyakap at saka umalis na.
Sabay kami ni Luis lumabas ng classroom. Habang nag lalakad kami papuntang parking lot, ang dami niyang tinatanong saakin! Sabi niya ano daw feeling na mapatira sa Castle House, tapos sabi pa niya ano-ano daw yung mga kinakain ko dun, parang nag ala-reporter si Luis dahil sa sobrang dami niyang tinatanong saakin! Tumigil lang siya nang makarating na kami sa parking lot ng campus. Umalis na din siya ng makita si BJ na nag hihintay sa labas ng kaniyang kotse.
Nang maka-alis na si Luis, lumapit ako kay BJ at saka sinuri ang kanyang mukha. Napangiti ako nang wala akong nakitang kahit anong bakas ng sugat sa kaniyang mukha, ang linis ng kaniyang mukha ngayon! Lagi ko kasi siyang nakikita tuwing pupunta ako dito sa parking lot na maraming sugat at pasa sa mukha.
"B-Ba't ganyan ka makatitig?"
Iritang tanong niya
"Wala, nag tataka lang ako kasi wala kang sugat at pasa ngayon sa mukha mo."
Sagot ko
"Bakit? Gusto mong makita ako na may sugat at pasa?"
Inis na tanong niya
"Hindi ah! Masaya nga ako dahil wala akong nakitang sugat at pasa sa'yo eh. Ay! Nga pala, bakit ka hindi pumasok kanina?"
Tanong ko
"Pake mo ba?"
Sabi niya sabay pasok na kaagad sa loob ng kotse. Bumuntong hininga na lang ako at saka pumasok na din sa loob ng kotse. Nakita 'kong natutulog na naman si Cohlyne sa may backseat. Hinayaan ko na lang dahil palagi naman niya ito ginagawa.
*after 30 minutes*
Andito na kami sa mansion, binuhat na ni BJ si Cohlyne at ako naman ang nag dala ng bag ni Cohlyne. Nang mailagay na namin si Cohlyne sa kanyang kwarto pati ng kaniyang bag, lumabas na rin kaagad kaming dalawa ni BJ sa kwarto ni Cohlyne.
"Hoy, slave. Magluto ka mamaya. That's an order from your master, slave."
Hindi pa man ako nakaka-angal, umalis na kaagad siya sa harapan ko! >__<
BINABASA MO ANG
Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]
Novela JuvenilTiffany Kate Folkerson is a simple teenage school girl, isang nerd, hilig niyang mag basa ng libro, matalino... Matalino, pero masasabi pa ba nating matalino siya pag dating sa LOVE? May dalawang tao na dadating sa buhay niya, pero ang tanong... Ka...
![Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/113169795-64-k616962.jpg)