Tiffany Kate's POV
Kasalukuyang andito ako ngayon sa loob ng classroom namin at tulala lang na naka-upo sa aking upuan. Tumingin ako sa right side ko at nagbabakasakaling andito siya at naka-upo rin habang nakatingin saakin. Pero wala eh. Walang Joseph ang naka-upo ngayon sa tabi ko.
Walang teacher ngayon dahil may meeting sila ngayon, kaya nagkakagulo ang buong klase ngayon.
Wala si Max ngayon dito sa loob ng classroom, pero andito sa loob 'yong kaniyang bag. Si Trixy ay nasa guidance office ngayon kasama 'yong mga babae at lalaki na nakipagsabwatan sa kanya kahapon upang pagtulungan ako. Kinakausap sila ngayon no'ng Head ng school namin.
"Hoy, Bessy!" nagulat ako nang bigla akong pinitik ni Bessy sa ilong ko, at nakita ko silang tatlo ay nakatingin saakin! "Ano, tulala?" tanong ni Anne "ah, sorry." I said.
"Haysss, ano ba ang iniisip mo at tulala ka diyan?" natigilan ako dahil sa tanong ni Luis saakin!
"Kanina ka pa kasi namin kinakausap, pero tulala ka naman pala." dugtong pa niya. "Sorry. Uhhh... Ano ba 'yong sinasabi niyo?" tanong ko sa kanila
Nakita ko'ng nagkatinginan 'yong tatlo sabay iling kaya nagtaka ako bigla.
"Ang sabi namin, bakit wala si Joseph ngayon dito. Diba magkasabay kayo nun kanina? Nakita kasi namin kayong dalawa na sabay pumasok dito sa building natin. Nasaan na ba siya ngayon?" Tanong ni Anne, pero hindi ko ito nasagot kaagad dahil naalala ko na naman 'yong sinabi ni Joseph saakin kagabi.
"Ay, wait... Guess what, nag away kayo noh?" tanong ni Bessy na kaagad 'kong nasagot "hindi kami nag away."
"Huh? Eh ano?" sabay-sabay nilang tanong saakin. " Tiffany, ano ba talaga ang nangyari?" tanong pa ulit ni Luis saakin
Sasabihin ko ba sa kanila o hindi? Aish! Wala akong lakas na ikuwento sa kanila ang lahat! Hayaan na nga! Bahala na si Batman!
Bumuntong-hininga muna ako bago sila sinagot "si Joseph---" "niligawan ka na ulit ni Joseph?!" naputol ako nang unahan ako ni Bessy upang makumpleto ko 'yong buong sentence ko -___-
"Pwedeng patapusin mo muna 'yong sasabihin ko?" tanong ko kay Bessy. "Hehehe, okie!" masiglang sagot naman ni Bessy
"Si Joseph kasi..." huminga ako ng malalim. "Lilipat na siya ng school sa Japan, tapos do'n na din siya titira dahil may ima-manage daw siya do'n na restaurant." I explained.
"ANO?!" Nagulat ako nang dahil sa biglaang pagsigaw nilang tatlo saakin, kaya 'yong iba naming kaklase ay nagsitinginan sa amin.
Actually, we don't care.
"Bakit pa siya lilipat ng school sa Japan, eh pwede naman na dito na lang siya diba?" Tanong ni Anne "Bakit pa siya sa Japan titira, eh may Castle House na siya dito? Maganda na ang buhay niya dito sa bansa natin!" sabi rin ni Bessy "bakit pa siya mag ma-manage pa ng restaurant doon, eh may restaurant na nga siyang sarili dito?" sabi rin naman ni Luis.
Okay? Mga nag ala-reporters sila saakin ngayon. Wala nga lang camera.
"Teka, bakit ayaw ninyong sa kanya itanong ang lahat ng 'yan? Tutal lahat naman kasi ng mga katanungan ninyo ay siya lang ang makakasagot?" sinubukan 'kong magdahilan sa kanilang tatlo upang hindi ko masagot ng direkta sa kanila 'yong tamang sagot, pero hindi ko sila nalusutan! >___<
"Fine, fine. Sasabihin na nga eh."sabi ko. Nakita ko kung paano lumapad 'yong kanilang mga ngiti sa labi nang masagot ko 'yong kanilang gusto talagang marinig saakin.
"Sabi kasi ni Joseph---" "na mahal ka niya?" pinangunahan ulit ako ni Bessy! -__- "Let me finish my sentence, okay?" iritang tanong ko. masiglang tumango-tango siya bilang sagot.
BINABASA MO ANG
Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]
Teen FictionTiffany Kate Folkerson is a simple teenage school girl, isang nerd, hilig niyang mag basa ng libro, matalino... Matalino, pero masasabi pa ba nating matalino siya pag dating sa LOVE? May dalawang tao na dadating sa buhay niya, pero ang tanong... Ka...