Author's Note:
For better reading, please play It's The Right Time - By Kiseijuu from the anime Parasyte
Joseph Dimfrod's POV
Kakatapos ko lang makausap si Sir Erwin about dun sa plan namin para sa gagawin namin mamaya. Alam ko'ng magagalit si Tiffany kapag nalaman niyang sinet-up namin siya, pero alam ko rin naman na lilipas rin ang galit niya.
Pumunta na ako sa parking lot ng campus nang nakapagpaalam na ako ng maayos kay sir Erwin. Pumasok na ako sa loob ng aking kotse para simulan na ang plano, pero nang aktong papaandarin ko na ang kotse ko, bigla naman tumunog ang phone ko. Kinuha ko sa bulsa ko ang phone ko at binuksan ito.
Ang unang bumungad saakin ay ang message na galing kayax. Napakunot ang noo ko dahil parang bigla ko na lang naramdaman na parang may masamang mangyayari, pero ipinagpaliban ko na lang iyon.
Binuksan ko na ang message ni Max, at saka ko ito binasa...
"Dimfrod... Binabalaan kita... Kapag lumabag ka sa usapan nating dalawa, ihanda mo na ang sarili mo sa kamatayan mo... Remember, I'm serious and I'm not joking around."
Matapos kong basahin ang message ni Max, pinatay ko na ulit ang phone ko at saka ko ito ipinatong sa katabi kong upuan. Pinaandar ko na ang kotse ko para simulan na ang dapat nang simulan na plano.
*flashback*
Kakarating lang namin nila Cohlyne at Tiffany dito sa campus, at nauna na si Tiffany sa loob ng classroom namin. Nang matapos kong ihatid si Cohlyne sa classroom nila, saka ba ako umakyat ng hagdan para pumunta na sa Principal's Office.
Habang naglalakad ako sa hallway, bigla ko naman nakita si Max na nakasandal da pader sa hindi kalayuan at parang may hinihintay sa kung sino. Pero habang papalapit ako ng papalapit sa direksiyon niya, napansin kong diretso lang siyang nakatitig saakin. Lalagpasan ko na lang sana siya at hindi papansinin, pero bigla naman niyang tinawag ang pangalab ko na dahilan para matigilan ako sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]
Fiksi RemajaTiffany Kate Folkerson is a simple teenage school girl, isang nerd, hilig niyang mag basa ng libro, matalino... Matalino, pero masasabi pa ba nating matalino siya pag dating sa LOVE? May dalawang tao na dadating sa buhay niya, pero ang tanong... Ka...