Last Chapter: Inside My Heart
Author's Note:
Yey! Nasa last chapter na tayo! ^0^ Sa WAKAS! Natapos na din! Hahaha XD
***
For better reading, please play Sad Song - By We The King
Akiesha Nicole's POV
"H-HINDI!!! G-GUMISING KA!..." Parang dinudurog ang aking puso dahil sa aking nakikita sa kalagayan ni Bessy at Joseph na duguan na ngayon. Ayokong nakikita si Bessy na nasasaktan, dahil nasasaktan din ako kapag nangyayari iyon.
"J-Joseph... P-Please!" Napapikit ako dahil sa aking nararamdaman ngayon para kay Bessy at Joseph. Naiiyak pati ako. "H-Hindi ko kayang pati ikaw ay mawala sa buhay ko..." hagulgol ni Bessy.
Aktong lalapitan na sana namin nila Anne at Luis si Bessy sa kaniyang kinalalagyan ngayon, pero bigla naman kami nakarinig ng malakas na siren ng isang ambulansya.
Nakita naming tumigil ito sa tapat ng airport namin at dali-daling bumaba ng sasakyan yung mga doctor at nurses dala ang kanilang mga kagamitan...
"Tiffany! Andiyan na yung ambulansya!" sigaw ni Anne kay Bessy. Nilingon naman ni Bessy yung itinuro ni Anne...
Agad silang pumaroon sa kinalalagyan nila Bessy at Joseph. Kaagad din nilang inilagay si Joseph sa isang stretcher at nilagyan ng oxygen mask. Matapos ay agad nilang binuhat at dinala siya papasok ng ambulansya. At syempre ay pumasok rin si Bessy sa loob ng sasakyan.
Agad din naman kami nila Anne at Luis sumunod doon sa ambulansya sa kung saan naroon sila Bessy at Joseph...
Habang minamaneho ko ang aking sasakyan at sinusundan yung ambulansya na nasa tapat lang namin, nakita ko si Luis na kinuha ang kaniyang phone sa kaniyang bulsa bago tinawagan ang kapatid ni Bessy na si Cohlyne at sinabi dito ang nangyari kanina.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa aking manibela nang maalala ko yung nangyari kanina... Kung paano ni Max pinihit yung baril at pinaputok kay Joseph.
Hindi ko alam kung ano na ang nagawa namin kanina sa kanya kung hindi lang kami inawat nung mga guard sa airport namin kanina... Sobra akong nanggigigil tuwing naaalala ko yung kaninang naging eksena.
Ayokong maramdaman ulit ni Bessy yung naramdaman niya noong nawala yung kanilang mga magulang sa kanilang piling...
***
Tiffany Kate's POV
Kasalukuyang andito na kaming lahat sa labas ng operating room at hinihintay ang doktor na lumabas at ibalita saamin ang naging kalagayan na ni Joseph.
Nagpapalakad-lakad ako sa tapat ng pintuan ng operating room, habang sila Anne, Luis at Bessy ay nakaupo sa bench.
"Tiff, nahihilo na kami sa'yo. Hindi ka ba napapagod sa kakalakad mo diyan?" rinig kong tanong ni Anne, pero hindi ako kumibo at ipinagpatuloy ko lang aking ginagawa.
Nanginginig ang aking mga kamay at sumasabay dito ang mabilis na pagtibok ng aking puso dahil sa pangamba at takot na aking nadadama ngayon.
Pangamba dahil sa kalagayan ni Joseph, at takot dahil sa ayokong maramdaman ulit yung dati...
Sobra akong natatakot... Natatakot ako ng husto... Ayokong maramdaman ko ulit yung naramdaman ko noon nung nawala yung aming mga magulang saaming piling.
BINABASA MO ANG
Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]
Teen FictionTiffany Kate Folkerson is a simple teenage school girl, isang nerd, hilig niyang mag basa ng libro, matalino... Matalino, pero masasabi pa ba nating matalino siya pag dating sa LOVE? May dalawang tao na dadating sa buhay niya, pero ang tanong... Ka...
![Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/113169795-64-k616962.jpg)