CHAPTER 32: Give her second chance

154 18 1
                                        

Tiffany Kate's POV

"Oh, narinig mo naman yung nurse diba? Wag ka muna daw mag kikilos,"
Hayss, para 'kong naaalala kay BJ si Kuya Matthew eh! Ang daming pangaral! -__-

"Tsss, oo na."
Sabi ko, sabay iwas ng tingin sa kanya
"Hoy, slave, naaalala mo pa ba yung bilin sa'yo nung Kuya Matthew mo?"
Bossy niyang tanong -__-

Yah, at hinding hindi ko 'yon makakalimutan, 'Be a good girl you always have to be' at sa tingin ko ay credits 'yon kay Princess Elsa ng Frozen.

"Oo."
"Oh, yun naman pala eh. So, dapat sundin mo."
Sabi niya. Pinatong niya sa side table ko yung gatas
"Inumin mo 'yan. Tawagin mo na lang ako sa call if you need me."
Bossy pa ding sabi ni BJ -__-

Lumabas na siya at isinara yung pinto. Humiga na lang ako sa kama at kinuha yung remote sa may side table. Binuksan ko yung TV, nagulat ako dahil naka-flash doon sa balita yung mukha ni Trixy.

"Ang babaeng ito ay nag ngangalang Trixy Salvador. Suspect siya sa pag kidnap kay Tiffany Kate Folkerson, pero buti at nasa mabuting kalagayan na si Miss Tiffany dahil nailigtas siya ng kaniyang knight in shining armor na si Sir Joseph Dimfrod Suerez at ang iba pang mga kaibigan ni Miss Tiffany, kasama na din ng ilan pang mga pulis na sumagip kay Miss Tiffany. Pero sa ngayon ay ipinag hahanap na si Miss Trixy Salvador at kung sino man ang makakita sa kaniya ay please paki-report dito sa aming station or sa malapit na Police Station diyan sa inyo."

Kumunot ang aking noo dahil sa aking napanood. Bakit ito ibinabalita sa TV? Sino ang nag report nito? Eto na nga ba ang pinaka-ayaw ko na mangyari saakin eh, yung ganito. For sure ay ako na naman ang topic sa buong campus or otherwise sa buong Pilipinas.

Kinuha ko yung phone ko at hinanap ko sa contacts ko yung pangalan ni BJ. Nang makita ko na, agad ko itong pinindot at tinawagan...

"Sorry, you don't have enough load to make this call. Please try call later."

*toot toot toot*

Eto yung pinaka ayaw ko din sa lahat -__- yung mauubusan ako ng load. -__- Nakakapanggigil lang eh!

Joseph Dimfrod's POV

Sorry Tiffany kung hindi ko matutupad yung pangako ko sa'yo na wala akong gagawin matapos 'kong malaman ang totoong nangyari. Hindi pwedeng wala akong gagawin, kailangan niyang pagbayaran lahat ng kaniyang ginawa sa'yo.

Tinawagan ko si Luis at buti ay sinagot niya ako agad
"Luis, kailangan nating magkita."
"Bakit?"
"May kailangan lang akong sabihin sa'yo."
"Sige."
In-end ko na yung call. Andito ako ngayon sa loob ng kotse, kailangan ko munang umalis ng Castle House dahil kailangan 'kong hanapin si Trixy.

Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon