Tiffany Kate's POV
*after 1 day*
Kasalukuyang andito ako ngayon sa loob ng classroom at tinititigan 'yong ticket na binigay saakin ni MK nung nakaraang-araw. Hindi talaga ako maka-paniwala na ni-reserve niya pa talaga ako ng ticket.
Walang teacher ngayon. Lahat mga nasa meeting.
*dring dring dring*
Uwian na pala...
"Tara na, Bessy!!!"
Nagulat ako dahil bigla na lang ako hinigit nila Bessy, Anne at Luis palabas ng classroom."Saan ba tayo pupunta? Parang nag mamadali ata kayo?"
Iritang tanong ko sa kanila habang patuloy pa din nila ako hinihigit papunta sa kung saan man nila ako dadalhin -__-Tumigil sila saglit at saka hinabol ang kanilang mga hininga. Tumingin silang tatlo saakin na may malapad na ngiti. What's with them?
"Don't you remembered? Eto yung araw ng laban nila Kysler!"
Sabi ni Anne. Oo nga! Ngayon na pala yung laban ni MK sa basketball!
"Oo nga pala. Pero teka, bakit ba kayo nag mamadali na maka-punta dun?"
Tanong ko"5 PM ang start nung laban! Oh, anong oras na? Ba-byahe pa tayo papunta dun, tapos traffic pa ngayon. Oh, anong oras pa tayo makaka-punta dun?"
Napatingin ako sa wristwatch ko at nagulat ako dahil 2 PM na! Dalawang oras ang byahe mula dito sa campus namin hanggang dun! Plus, traffic pa ngayon! Oh my gosh! Ayokong ma-late! >∆<"Oh, tara na!"
Sabi ko. Tumakbo na kaming tatlo pababa ng building. Napatigil ako sa pag takbo nang maalala ko si BJ
"Tiffany, ba't ka tumigil?"
"Uhm... Nasaan si BJ–este si Joseph?"
Tanong ko"Ay siya ba? Ano... Uhhh... Nauna na sa Castle House, kasama si Cohlyne. Sabi kasi namin na sasama ka saamin sa laban nila Kysler"
Sincere ba talaga si BJ na pumayag siyang sumama ako?
"So, tara na!"
Nagulat ako dahil bigla na lang ako hinila ni Luis at saka tumakbo.Pumunta kami sa parking lot at saka sumakay sa car ni Bessy. Si Luis ngayon yung nag da-drive.
Habang nasa byahe, kinuha ko yung ticket na binigay sa akin ni MK sa bulsa ko
"OMG, Bessy! Naka-bili ka na kaagad ng ticket?!"
Manghang tanong ni Bessy
"Hindi, bigay 'to saakin ni MK–este ni Kysler."
"KYAAA! >///< Ang sweet niya talaga sa'yo! >///<"
Sabi ni Anne habang niyuyugyog pa ako dahil sa sobrang kilig =___="Naks naman! Naka-private seat ang prinsesa!"
Sabi naman ni Luis habang nag mamaneho pa din
"Hey, I'm not a princess."
Tanggol ko sa sarili ko
"Yes, you are."
"No, I'm not."
"Yes, you are."Hindi na lang ako ulit nag salita dahil baka umabot pa itong pag tatalo na 'to ng isang oras -__-
Napapansin 'kong kanina pa naka-tingin si Bessy sa kaniyang phone at masyadong seryoso.
"Bessy, sino 'yan?"
Tanong ko. Nagulat siya nang aktong sisilip ako sa phone niya, at saka itinago niya kaagad sa bulsa niya 'yong phone niya"H-Huh?"
Tanong niya.
"Sino yun?"
Tanong ko
"Huh? Uhm... Wala, si Mama lang."
Sabi niya
"Ahhh, okie!"
Sabi ko naman*after 2 hours and 30 minutes*
Naka-rating kami dito sa basketball court ng 4:30 PM, so it means may 30 minutes pang natitira. Hindi kami late!^0^
Tumakbo na kami papuntang entrance. Hinarang kami nung guard, kaya si Anne ay nagalit
"Hoy! Ba't mo ba kami hinaharang?! Kita mo naman na nag mamadali kami ah?!"
Sigaw ni Anne dun sa guard
"Sorry po, ma'am. Kailangan pa po naming makita 'yong laman ng inyong bag."
Paliwanag nung guard
BINABASA MO ANG
Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsTiffany Kate Folkerson is a simple teenage school girl, isang nerd, hilig niyang mag basa ng libro, matalino... Matalino, pero masasabi pa ba nating matalino siya pag dating sa LOVE? May dalawang tao na dadating sa buhay niya, pero ang tanong... Ka...