Akiesha Nicole's POV
Nakita 'kong nag papaikot-ikot si Joseph sa labas ng ER at parang ang lalim ng iniisip. Mukha siyang hindi mapakali.
"Joseph!"
Tawag ko sa kanya. Tumakbo kaming lahat nila Luis, Anne at Kysler papunta kay Joseph
"Oh, anong balita kay Tiffany?"
Pangunang tanong ni Luis
"Wala pa."
Sagot naman ni JosephNakita naming lumabas na yung doctor sa loob nung ER kaya agad kaming lumapit dun sa doctor.
"Kamusta, doc?"
Tanong agad ni Joseph
"She's stable now. Ayos na siya, pwede na siyang makalabas."
"Gising na po ba siya?"
"Yes."
"Pwede na po ba namin siyang bisitahin?"
"Yes, you can... Excuse me."
Sabi nung doctor"Thank you, doc!"
Sigaw ko pa dun sa doctor. Tumango lang yung doctor, at kami naman ay tumakbo na papunta sa loob ng kwarto ni Bessy. Naabutan namin na naka-upo si Bessy sa kama at parang malalim pa ang iniisip."Bessy! >^<"
Sabi ko sabay takbo papunta sa kanya at sabay yakap sa kanya ng sobrang higpit.
"B-Bessy..."
Naalala ko na baka nasasaktan ko na si Bessy kaya kumalas muna ako sa pagkaka-yakap ko sa kanya."S-Sorry..."
Pag papaunmanhin ko.
"Hindi, ayos lang"
Sabi ni Bessy. May mga galos at sugat si Bessy sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan kaya bigla akong naawa at nakaramdam ng galit."Hoy,"
Haysss, kahit kelan talaga ang rude nitong si Joseph -___-. Hindi siya marunong maging gentle, pati sa pag tawag hindi marunong gumalang. Psh."Ano, maayos na ba ang pakiramdam mo?"
Well... Naniniwala ako na kahit papaano ay may natitira pa ding kabutihan and pag aalala sa taong ito
"Uhm... Oo, maayos na ako. Uhm... Si Kuya ba, alam niya ang tungkol dito?"
Tanong ni Bessy sa kaniya"Oo, sabi niya hindi daw siya makaka-uwi dito dahil kakasimula pa lang daw niya sa kaniyang trabaho sa America, hindi daw siya papayagan ng kaniyang boss na maka-uwi agad."
Paliwanag ni Joseph kay Bessy
"Ahhh, ayos lang.""Tiffany, nga pala, sino ang gumawa sa'yo niyan?"
Tanong ni Luis. Hindi agad naka-sagot si Tiffany, pero bago pa man ay sinagot niya na din ito
"Si Trixy... Siya yung leader nung mga war freak sa campus."
"Trixy?"
"Trixy?"
Sabay na tanong ni Kysler at Joseph"Oo."
"Kilala niyo yun?"
Tanong naman ni Anne sa dalawa.
"Siya yung babae na baliw na baliw diyan sa dalawang Joseph."
Sabat ni Luis
"Bakit naman niya 'yon gagawin?"
"Common sense siyempre, kaya nga 'BALIW' diba? Crazy in love."
Bakit ba kasi ang ga-gwapo nitong dalawang 'to? 'Yan tuloy may nababaliw na sa kagwapohan nila"Hey, anong ginawa sa'yo nung Trixy na 'yon?"
Seryosong tanong ni Joseph kay Bessy
"Wala, wag mo ng isipin 'yon."
Sabi ni Bessy sabay iwas ng tingin kay Joseph.
"Tsk! Ano nga?"
May pagka-iritang tanong ni JosephOkay, tingin ko kailangan na muna naming lumabas. Kailangan ata nilang mag usap ng sila lang. Sinenyasan ko sila Anne, Luis at Kysler na iwan muna namin silang dalawa dito. Sumangayon kaagad silang dalawa ni Anne at Luis pero si Kysler naman ay parang ayaw pa -__-
"Uhm... Bessy, maiwan na muna namin kayo ah?"
Sabi ko kay Bessy. Kahit ayaw ni Kysler na umalis dito sa loob ay hinigit na namin ni Anne si Kysler para mailabas si Kysler sa loob.Nang makalabas na kami, binitawan na namin si Kysler.
"Bakit niyo ako pinalabas?! Kailangan ako sa loob ni Tiffany!"
Reklamo ni Kysler
"Mas kailangan ni Tiffany si Joseph ngayon."
Sambit ni Luis. Infairness, parang hindi na masama ang tingin ni Luis kay Joseph"Hanggang kelan niyo ba tatawagin 'yang Suerez na 'yan na 'Joseph'?! Nalilito ako sa inyo eh! Kapag tatawagin niyo siya o ako, hindi ko malaman-laman kung sino ba talaga ang tinatawag niyo sa aming dalawa na 'Joseph'!"
BINABASA MO ANG
Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]
Novela JuvenilTiffany Kate Folkerson is a simple teenage school girl, isang nerd, hilig niyang mag basa ng libro, matalino... Matalino, pero masasabi pa ba nating matalino siya pag dating sa LOVE? May dalawang tao na dadating sa buhay niya, pero ang tanong... Ka...