CHAPTER 1: I wish I will not see him again 😑

558 26 1
                                    

Tiffany Kate's POV

*Ring Ring Ring*

I turned off the alarm clock... Umaga na pala...

*Yawn*

Tumayo na ako at inayos yung kama ko... Kinusot ko yung mga mata ko, naglakad ako papuntang bintana at hinawi yung mga kurtina.

*Knock Knock Knock*

Narinig kong may kumatok bigla sa pintuan ng aking kuwarto.

"Come in." Pagkasabi ko nito ay bumukas yung pinto.

"Kate, baba na. Kakain na."

"Opo kuya," sagot ko naman.

Saka si kuya lumabas at isinara yung pintuan pagkasabi ko nun....

Yeah, that's my brother, my elder brother. Mapagmahal siyang kapatid. But he is so strict to us! ang daming bawal sa kanya!

Si kuya na lang yung naiwan sa amin, because our parents died in a car accident. So siya na yung tumayo sa amin na tatay at nanay.

Si kuya na yung nag papa-aral sa amin. Pero wag ka, tapos si kuya ng pag -aaral! At ngayon ay isa na syang doctor!

"Kate!"

Aba? Nagmamadali?

"Opo ! Bababa na po !"

Sabi ko nga, bababa na ako eh...

Lumabas na ako ng room ko... Kate ang nickname ko, but Tiffany Kate Folkerson is my full name. And Tiffany ang gingamit kong name sa school.

Bumaba na ako... Pag baba ko nakita ko na si kuya Matthew at si Cohlyne sa may kusina.

"Ate Kate! Good Morning!" Bati sa akin ni Cohlyne. "Good Morning din!" Ngiti ko sa kaniya.

"Umupo ka na Kate, kakain na." Utos sa akin ni Kuya Matthew na sinunod ko naman agad.

Pero sa kalagitnaan ng aming pagkain ay bigla ko narinig na tinawag ako ni Kuya Matthew.

"Kate."

Tawag ni Kuya...

"Hmmm?"

"Meron na daw season 3 nung book na binabasa mo."

Ehhh?! Seryoso?!

"At balita ko ubusan yung book na yun sa mga National Book Store."

"Edi Kuya, pagkatapos kong kumain dito dederetso na ako sa National Book Store. Ayoko pa naman ma-miss yung book na yun."

"Sige."

*After 5 minutes*

Yes! At sa wakas natapos na din ako sa pagkain ng food ko... Nag ready na ako ng sarili ko, nag-ayos lang ako ng saglit at kinuha yung wallet ko at saka ako lumabas ng bahay....

Hindi kami mayaman, at hindi rin naman kami mahirap. Kahit papaano nakaka-ahon kami sa buhay. May kaya kami.

*After 7 minutes*

Yes! At andito na ako sa mall! Tumakbo na ako papunta dun sa book store... Ayokong mahuli noh!

*After 2 minutes*

Phew! At sa wakas at andito na ako sa book store! Hinanap ko kung saan naka display yung book...

AHA! At sa wakas at nakita rin kita! At sakto nag-iisa na lang siyaaaa, siguro ako na lang ang hinihintay na mabili ito. Don't worry, mama will gonna get you!

Kukunin ko na sana yung book pero......... Bigla na lang may kumuha sa PRECIOUS BOOK KO!

Napatingin ako dun sa guy... Ang tangkad nya! Maputi siya at higit sa lahat... Ang gwapo niya! Pero bigla na lang ulit ako napatingin dun sa book.

"Ah! Kuya, excuse me lang po..."

Ayan, at tumingin din siya...

"Ako po ang nauna dyan eh,"

Yeah, ako naman talaga. Akalain mo yun? Nagawa ko pang tumakbo papunta dito para lang makuha ang book na yan, tapos ngayon, aagawin ng iba? Aba! That's not fair!

"Sorry, pero I've already have it."

Saka siya ngumiti na parang demonyo. Kuya, gwapo ka na sana eh! Pero yung ugali mo! Nakita kong paalis na yung guy...

Teka... I spent my time para lang mabili lang yang book na yan, tapos ngayon hahayaan kong makuha ng iba? Aba! Hindi ako papayag!

Hinabol ko yung guy...

"Kuya!"

Saka ko hinawakan yung book... Napatingin sa akin yung guy na para bang nagalit at nandiri...

Aba! I don't care, wala akong pake kung magalit siya o mandiri sa akin basta para sa book na toh, gagawin ko ang lahat mabili lang ito.

"Ako po kasi ang nauna diyan eh. Ako po yung unang nakakita."

" I'm sorry, ako naman po ang unang nakakuha."

"Eh kuya, kukunin ko na sana, eh kaso bigla mo naman kinuha! "

"Aba! Malay ko ba na kukunin mo!"

"Aba! At kasalanan ko pa hah?! Ako na nga yung nagpakapagod para lang makuha yang book yan, at ngayon kasalanan ko pa?! Aba, at napaka galing naman!"

Nakahawak pa din yung guy ng mahigpit dun sa book. At syempre ganun din ako, hindi ako mag papatalo noh!

"Aba! Kasalanan mo yan! Ang bagal bagal mong kumilos eh!"

Ugh! Napaka ungentleman nya!

For the rest of my life, no one treated me like that!

"Tsk! Akin na nga toh! Kainis! Nasira araw ko ng dahil lang sa isang walang kwentang babae!"

Natulala ako nung time na sinabi iyon nung guy....

Aish! Wala na akong nagawa kundi mabigay ng tuluyan sa kanya yung book...

Aish! Nakita kong binabayaran na nung guy yung book dun sa cashier. Haysss...

Nakita kong lumabas na ayung guy, pero bago yun tumingin siya sa akin at ngumiti ng parang demonyo at saka pa kumindat!

Kainis! Goodbye my precious book! Mag hihintay na naman ako ng ilang months para lang makabili ng season 3 nung book... Haysss... I wish I will not see him again.

Mr. Brain OR Mr. Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon